SABAY sila ni Lulu na pumasok sa bahay nila Koa. Hawak nya ang mga pagkain habang hawak ni Lulu at tatlong bote ng wine na galing pang ibang bansa.
"Hoy Koa! Andito na kami bestpren! " Sigaw ni Lulu na parang ito ang may ari ng bahay.
The boys went out to play, hindi naman sila pwedeng magpatalo. Day off din nila sa mga trabaho nila kaya dapat lang na magsaya sila.
Bumaba si Koa na hawak ang tee shirt nito.
"Ooohh ... getting more and more confident?" Asar ni Lulu habang nakatingin sa kiss mark sa isang dibdib ni Koa.
But Koa just groaned "Alam nyo naman si Hunter. That bastard wouldn't just leave me alone, kailangan laging may kiss mark sya sa katawan ko..."
Nakangiti silang nagkatinginan ni Lulu.
"So ibig bang sabihin nito pag wala kaming makitang kiss mark sa upper part ng katawan mo ibig sabihin meron ka sa lower part?" Lulu wiggled her brows "Abaaa ....saucy..."
"Manahimik ka nga dyan. Ilang taon na tayong magkakaibigan pero ang daldal mo parin" mahina itong binatukan ni Koa
"Aray naman...", Napahawak sa ulo ang kaibigan nila.
"Akin na yan" kinuha ni Koa ang ilang hawak nya. "Sabi kase dito na tayo magluto"
"Hindi luto lahat yan" aniya "Niluto ko na yung iba to save time. Yung BBQ nalang ang lulutuhin dyan"
"May BBQ?" Sabay na wika ng dalawa.
Nakangiti syang tumango "Oo, kaya kailangan natin ng griller.."
"Tara sa pool, ihahanda ko yung griller doon " wika ni Koa na ngayo'y nakangiti.
Nagpunta sila sa poolside. Si Lulu naman ay awtomatikong tinanggal ang dress na suot at iniwan ang sexy short nito at bra. Sya naman ay nakasando lang at shorts. Koa is still shirtless.
"Uhhhh........pasensya na pero naubos pala yung uling. Sino may uling sa inyo?" Tanong ni Koa.
Umiling sya "Wala na rin. Nakalimutan ko nga rin palang bumili"
"May uling sa bahay...."sagot ni Lulu pero sumimangot "Tinatamad akong bumalik doon....."
Koa look at the woman in disbelief "Leche naman oh, dyan lang sa harap ang bahay mo. Napakalapit tapos tinatamad ka pa. Oh sige, ako kukuha nung uling ilaw mag iihaw mamaya...."
"Hep hep!" Agad na tumayo si Lulu "Ako na......hindi ko kerri mag ihaw. Baka masunog ko ...."
Dali dali itong nagpunta sa sarili nitong bahay.
That's right, hindi sila lumayo sa isa't isa. Magkatapat ng bahay sila Lulu at Koa habang katabi naman nya ng bahay si Lulu. Naisip kase ng mga asawa nila na hindi magandang idea na magkakalayo sila. Lalo na at gustong gusto nilang bumibisita sa tirahan ng bawat isa. So why not live in the same neighborhood?
"Hindi na nagbago si Lulu."umiiling na wika ni Koa "Ang lahing tamad pero ang lakas kumain..."
"Ikaw rin naman ah...."nakangiting wika nya "Ikaw ang nakabantay at nag aalaga samin pag wala yung mga asawa namin"
"Ikaw rin naman..."napangiti ito "hindi ka rin nagbago. You're still sweet to us...."
"Hmmm........"tinanggal nya ang mga takip ng mga container at inayos ang mga yon sa mesa.
BINABASA MO ANG
Thread of Promise: Chain of Destiny
Manusia SerigalaThey were once separated because of family, but destiny brought them back together. Love has its way to reunite lost broken hearts. When two broken people from the past comes back, how will the destiny give justice to their unhappy ending? -Not your...