NATAPOS na rin ang exam at para syang nakahinga ng maluwag nang maipasa nya ng final exam sheets nya. Wala na syang iisipin na exam na kailangan pang reviewhin.
Kinuha nya ang bag at lumabas na ng classroom at masayang umalis doon. She could help but smile thinking that she is finally done with her exams. Alam nyang may exam pa si Lulu kaya mauuna na syang umuwi.
Pagkauwi nya, patalon syang nahiga sa malambot na kama. Hindi nya maiwasang makaramdam ng antok matapos ang ilang gabing pagpupuyat.
Pero wala pang ilang minuto ay may kumatok sa kanyang pinto. Nagtataka syang napaupo dahil wala naman syang inaasahang bisita.
Pagkabukas nya ng pinto, bumungad sa kanya ang Butler ng mga Montana na ikinagulat nya. Agad itong ngumiti nang makita sya.
"Good afternoon Miss Luna.." bati nito
"Bakit andito ka?" Tanong nya.
"Pinapunta ako dito ni ma'am Aurora para imbitahan ka for lunch. Yun ay kung available ka. I think gusto ka nyang kausapin" ani nito
Wala syang maisip na dahilan para imbitahan sya ng mga to. Pero naalala nya ang panahong binanggit nito ang pangalan ni Sera. Gusto nyang malaman kung sino ang Sera na binanggit nito.
"Saglit lang, kukunin ko lang bag ko" wika nya bago muling pumasok upang kunin ang maliit na bag na naglalaman ng wallet at phone nya. Inilock nya ng pinto bago sumunod dito.
Akala nya sa restaurant sya dadalhin nito dahil lunch lang naman yon. Ngunit nagulat sya nang dalhin sya nito sa mansion. Bigla tuloy syang napressure dahil mag isa lang sya. Hindi ito tulad ng party noon kung saan may ibang bisita. Ngayon maaaring sa kanya lang ang atensyon ng mga to. Pero kung iisipin, si ma'am Aurora lang ang nagpatawag sa kanya kaya baka ito lang ang makakaharap nya. Imposible namang naroon din ang senyor at ang asawa nito.
Sumunod lang sya sa Butler hanggang sa tumigil sila sa tapat ng napakalaking pinto. Inaasahan nyang iisang tao lang ang makikita nya sa likod ng pintong yon, ngunit nang pagbuksan sya ng Butler halos manigas sya sa kaba nang makitang may dalawang taong nag aabang doon.
Behind the door is a small family gathering place. At naroon sina Aurora at ng anak nito. Napatingin ang mga ito sa kanya nang binuksan ng Butler ang pinto.
"Miss Luna, pumasok ka na" ani ng Butler.
Tila bumigat ang mga paa nya nang humakbang sya papasok sa silid na yon. Napalunok sya habang isa isang tinignan ang mga naroon. Tumigil sya sa paglalakad nang makapasok sya. Isinara din ng mga tauhan ng mansion ang pinto sa likod nya.
Habang nakatingin sa mga to, nakaramdam sya ng kakaibang hindi maipaliwanag na emosyon. Magkakahalong emosyon ang naramdaman nya at hindi nya maintindihan kung saan nanggagaling ang mga yon.
She felt her heart ache so much, matinding lungkot ang bumalot sa kanya. Tila may bikig sa kanyang lalamunan na nakabara, nabasa ang kanyang mga mata sa luha. Pero sa mga emosyon na yon, hindi rin nya alam kung bakit nakaramdam sya ng galit.
Mahigpit syang humawak sa laylayan ng kanyang damit at ilang beses na humugot ng malalim na hininga para tanggalin ang mga emosyon na kasalukuyang kumakain sa kanya. Ayaw nyang isipin ng mga to na wirdo sya.
Lumapit sa kanya ang babae. She look at her from head to toe, na tila nakakita ang mga to ng multo. They both have this painful expression while looking at her.
Naguguluhan syang napatingin sa mga to. Gusto nyang tanungin kung ok lang sila pero nahihiya sya dahil hindi naman sya malapit sa mga to.
BINABASA MO ANG
Thread of Promise: Chain of Destiny
Hombres LoboThey were once separated because of family, but destiny brought them back together. Love has its way to reunite lost broken hearts. When two broken people from the past comes back, how will the destiny give justice to their unhappy ending? -Not your...