Chapter 14

1.5K 46 12
                                    

"PANSININ mo na ako," Blake demanded. "Mirna is just my secretary," muli ay paliwanag niya. Kahit hindi sabihin ni Penelope alam niyang ang sekretarya niya pa rin ang dahilan ng pagiging bugnutin nito sa loob ng nakalipas na dalawang buwan.

Simula ng makalabas ng ospital ito ay nahihirapan na siyang kausapin si Penelope dahil bumalik ang pagiging iritable nito sa kanya.

Aminado si Blake, mga panahon na nasa ospital pa ang asawa niya at magtanong ito tungkol kay Mirna ay nagulat siya. Hindi agad siya nakasagot at 'yon ang dahilan kung bakit inakala nitong babae niya ang sekretarya niya.

Nasanay siyang walang pakielam sa kanya si Penelope at anong malay niya na kilala nito si Mirna? Hindi niya nababanggit kay Penelope ang mga nangyayari sa buhay niya sa araw-araw dahil hindi niya gustong mapahiya.

Kahit ang ilan sa kaibigan niya, pamilya at kamag-anak ay hindi pa nito kilala dahil alam naman niyang hindi ito interesado na kilalanin ang mga taong malalapit sa kanya.

Simula ng maging asawa niya si Penelope at simula ng mag-sama sila nito. Hindi niya ito nakikitaan na interesado ito sa mga bagay na gagawin at sa kung ano ang meron sa buhay niya.

Kaya ganoon nalang ang gulat niya ng mabanggit nito ang pangalan ng sekretarya niya pakiramdam niya ng araw na 'yon ay importante at simpleng inaalam ni Penelope ang buhay na meron siya at hindi lang nito ipinapahalata, pero ang naging resulta naman ay inaakala nitong babae niya si Mirna.

Minsan ay parang wala itong kasama sa bahay. Hindi nawala ang pagiging masungit nito sa kanya, ngayon nga ay nahihirapan siya na kausapin ito. Kakausapin lang siya kung kailangan o kung gusto nito.

Katulad nang minsan silang nag-dinner sa bahay ng mga magulang nito, asikasong-asikaso siya ni Penelope pero nang makauwi naman sila ay kasing lamig muli ng yelo ang pakitungo nito sa kanya.

Kapag naman may itatanong siya ang madalas nitong sagot ay tango, oo o hindi lang. Hindi rin ito tumatabi sa kanya sa pagtulog minsan at kung minamalas pa nga naman talaga ay hindi umuuwi ito sa bahay nila kundi sa bahay ng mga magulang nito ito dumideretso ng uwi galing sa trabaho.

"Mi amor, Penélope, háblame o te doy doce docenas de bebés?" doon nag-angat ng tingin ang asawa niya. Kunot ang noo nito na inuunawa ang katatapos lang niyang sabihin. "Mi amor..."

Penelope hissed, "Huwag mo 'kong ini-espanyol. Hindi kita maintindihan, baka matamaan ka sa'kin tantanan mo ako."

Napakamot siya ng kilay na nilapitan ito. Napapansin niyang naiinis nga ito sa tuwing nagsasalita siya ng espanyol ano nga ba daw ang malay nito na baka minumura na niya ang asawa sa lengguwaheng espanyol.

Ang salitang hindi nito maunawaan ang nagiging daan kung bakit niya nasasabi ang salitang mahal na mahal niya ito. Kaya kahit umiinit ang ulo nito sa kanya kung minsan ay naiiling na lang siya.

Nakatayo siya sa harapan nito habang si Penelope naman ay nakaupo sa sofa bed. Nasa master's bedroom sila at kanina pa niya kinukulit itong itigil ang ginagawa para makapag-usap sila at maging maayos.

Hindi na niya gusto na paabutin pa ng tatlong buwan ang hindi nito pag-pansin sa kanya. Talagang bubuo na siya ng isang batalyon na bata sa sinapupunan ng asawa niya kung mananatili pa rin itong galit o nagtatampo sa kanya.

Nasa hita ni Penelope ang hawak nitong laptop at buong araw na nga yata 'yon ang kaharap ng asawa niya. Linggo ngayon dumaan na ang umaga at hapon ngayong lubog na lubog na ang araw ay wala pa rin siyang nakukuhang atensyon mula kay Penelope hindi naman siya papayag na hindi niya masosolo ang asawa niya.

Marahang lumapit si Blake sa asawa at tinabihan ito. Penelope didn't flinched when he kissed her shoulder. Mas nadagdagan ang halik na iginawad niya sa asawa paakyat sa leeg nito.

Night of Lust (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon