Chapter 4

4.4K 123 14
                                    

"WHAT do you want?" malambing na tanong sa kanya ni Blake, nasa isang jewelry shop sila kung saan kailangan nilang bumili ng wedding ring para sa kasal nila bukas. "Wala na tayong oras, Honey. Kailangan makabili na tayo ngayon," paalala pa nito sa kanya.

Nirolyo niya ang mga mata sa inis. "Kung nagmamadali ka ikaw na lang ang pumili. Ikaw lang naman ang may gusto sa kasal na ipinipilit ni Dad."

Nawala ang ngiti sa labi ng binata ng tarayan niya ito ngunit agad din naman na nakabawi at muling ngumiti, kapag kasama niya ito ay lagi na lamang umiinit ang ulo niya, lagi niya itong sinusungitan. Matigas naman ang ulo ni Blake at parang hindi maintindihan ang pinararating niya na hindi niya ito gusto at ang presensiya nito, lagi itong nakasunod sa kanya at kung minsan pa'y parang mas inaasar pa siya.

Matapos sabihin ng kanyang ama na magpapakasal sila ni Blake ay nawalan na siya ng gana sa lahat. Kahit sa pagdedesisyon sa pagpapakasal niya ay kontrolado pa rin siya ng ama, kahit ang pagtutol sa mga gustong mangyari ng kanyang ama sa magiging kasal nila ni Blake ay sinasangayunan na lamang niya. Hindi na niya gusto pa na makipag-talo dahil baka humaba lamang at magkaroon nanaman ng matinding pagtatalo sa pagitan ng kanyang mga magulang.

Para sa kanya ay wala ng saysay ang araw-araw na paggising niya sa umaga. Alam niya sa kanyang sarili na hindi magiging masaya ang magiging buhay niya sakaling maikasal na sila ni Blake at bukas na iyon mangyayari. Hindi naman siya maaaring umatras dahil nakaayos na ang lahat.

Hindi niya gusto na muling mapahiya dahil sa nangyaring pagkansela sa kasal naman sana nila ni Gray tatlong linggo na ang nakararaan. Wala na siyang balita sa mga magulang nito at kung nagpakita na ba si Gray sa mga ito. Nang inanunsyo ng mga magulang ng binata at magulang niya na hindi na matutuloy ang kasal nila ng kasintahan ay marami ang nagtaka at halos hindi makapaniwala sa nangyari.

Umaasa pa rin siya na isang araw magpakita sa kanya si Gray. Nang tangkain niya muling tawagan ang numero ng binata ay hindi na nag ring ang cellphone nito at busy tone na lamang ang naririnig niya sa kabilang linya. May palagay siyang nagpalit ito ng numero at yon ang ipinagtataka niya, alam nga kaya ni Gray ang nangyari sa kanila ni Blake nang gabing bachelorette party para sa kanya? Imposible. Dahil sigurado siyang kasama niya si Gray ng gabing iyon at bakit naman siya sasama sa ibang lalaki kung alam niya sa sarili niyang may kasintahan siya at malapit na silang ikasal? Hindi rin niya maintindihan kung bakit nagulat na lamang siya na ibang lalaki ang katalik niya at hindi ang kanyang nobyo na sana ay asawa na niya ngayon.

Ngayon ay ito siya. Ikakasal siya bukas sa lalaking hindi man lang niya kilala ng lubusan, kung hindi lamang dahil sa tatay niya at sa pinamumukha nito sa kanya na sasabihin ng ibang tao sakaling magbunga ang nangyari sa kanila ng binata ay hindi siya papayag sa pagpapakasal kay Blake.

"Yan na ba ang napili mo?" nanindig ang balahibo niya sa gulat ng marinig ang boses ni Blake mula sa kanyang likuran, pinulupot nito ang braso sa kanyang baywang. "Kung yan na ang napili mo bibilhin ko na," dugtong pa nito.

Niyuko niya ang malinis na salamin kung saan nasa loob non ang dalawang pares na sing-sing na nasa harapan niya. Isa iyong silver gold ring na may maliit lamang na bato. Simple lang ang sing-sing, para sa kanya ay hindi na kailangan pa na maganda ang wedding ring nila ng binata hindi naman nila mahal ang isa't-isa.

Tumikhim siya at tumango. "G-gusto ko yan. Y-yan na ang wedding ring natin," walang emosyon na wika niya. Pinatong ni Blake ang sariling baba sa kanyang balikat, "Ano ba Blake," angil niya inilayo niya ang balikat dito.

Ngumiti lamang ito at lumayo sa kanya ng bahagya ngunit nanatiling yakap siya mula sa likuran. Ipinakuha nito sa isang sales assistant ang napili nilang sing-sing upang kapwa nila sukatin.

Night of Lust (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon