Chapter 3

4.6K 117 8
                                    

"TARANTADO talaga yang si Gray. Kahit ako Pen, hindi ko siya makontak," naiiling na turan sa kanya ni Anna. Nasa coffee shop sila nito at kanina pa sila walang humpay sa pag-tawag sa nobyo niya. "Nagaway ba kayong dalawa?" tanong nito ng saglit siyang sulyapan at muling ibinaling ang paningin sa cellphone nito upang tingnan ang screen 'non.

Pangalan ni Gray at numero ang nasa screen ng cellphone ni Anna at puro ring lamang iyon. Kahit sa cellphone niya kanina ay ganoon din, hindi sinasagot ang tawag niya.

Marahan siyang umiling, "Hindi kami nagaway," aniya sa nag-aalalang tinig.

Simula ng gabi sa bar ay hindi na niya naramdaman pa ang presensiya ng nobyo. Nang umaga ding iyon ng magising siya kinabukasan, matapos niyang ibuhos ang kanyang luha sa sama ng loob sa sarili dahil sa nagawang pagkakamali ay tinawagan niya ang numero ni Gray. Kakausapin niya ito, sasabihin ang nagawa niya. Kahit pa man natatakot at kinakabahan siya sa maaaring maging reaksyon nito ay hindi dapat siya maglihim sa kasintahan.

Kung makita man niya ngayon si Gray o sagutin na ang tawag at text niya ay hindi siya sigurado kung mapapatawad pa ba siya nito at bibigyan ng pagkakataon ang relasyon nila kung sakaling magkaroon pa siya ng lakas ng loob na sabihin sa binata.

Pilit niyang inaalala ang nangyari ng gabing iyon—sa bar na kasama pa niya ang nobyo pero daig pa niya ang nagka-amnesia dahil kahit anong gawin niya upang alalahanin ang mga sumunod na nangyari ay wala siyang mapiga sa isip niya.

Ilang araw na lang ay kasal na nila ng binata. Nababahala na siya at tila mababaliw na kakaisip kung nasaan ito. Hindi niya alam kung saan hahagilapin si Gray.

"Mahilig siyang umalis ng hindi nagpapaalam, Penelope," pukaw sa kanya ni Anna. Kinuha na nito ang cellphone nito sa lamesa at ibinulsa. "Di ba noon isang linggo siyang nawala, yon naman pala nasa Vigan at nagsasaya kasama ang mga katrabaho at ang natatandaan ko nag-away kayo noon dahil hindi man lang siya nagpaalam sayo."

Huminga siya ng malalim ng maalala ang tagpong sinabi nito. Ngunit hindi siya kumbinsido. Lumunok siya ng biglang bumalot ang kaba sa dibdib niya.

"S-sa tingin mo nagbakasyon siya ulit? Ikakasal na kaming d-dalawa ni Gray. Imposible, Anna."

Napakamot ng ulo ito. "Walang imposible sa lokong 'yon, masyadong adventurous! Kapag nakontak ko siya mumurahin ko talaga yang si Gray. Apat na araw na lang ikakasal na kayo naglakwatsa pa," naiiling na anito.

Huminga siya ng malalim. "Anna, nagaalala na ako."

"Ako rin. Kasi naman yang kinakapatid ko, kahit ako hindi ako sinasagot sa tawag," mababakas sa tinig nito ang inis dahil sa kasintahan niya "Sigurado ka bang wala kayong problema ni Gray?" dugtong nito sa nangungot na noo.

Hindi siya agad sumagot. Dahil wala naman siyang natatandaan na nagka-problema sila ni Gray. Tampuhan ay maaari pa dahil pakiramdam niya minsan ay hindi nobya ang tingin nito sa kanya. Hindi showy si Gray sa kanya bilang nobyo, mas clingy pa siya sa binata pero hindi naman sila tatagal ng limang-taon kung hindi siya nito mahal at yayayain na magpakasal.

"Wala ba siyang ibang babae? Baka naman may ibang babae si Gray, Penelope at tumakbo kasama ang bago niya dahil nga sa malapit na kayong ikasal?"

Nilukob siya ng kaba sa sinabi nito. May hindi ba siya alam sa kilos ni Gray? Kilalang-kilala niya ang nobyo at mabilis naman niyang mahalata sa binata kung may itinatago ito sa kanya o lihim man na hindi nito masabi-sabi sa kanya.

"H-Hindi ko alam..." mahinang sambit niya. Ang mga tuhod niya ay parang nanlambot sa isipin na iyon.

Huminga ng malalim si Anna at awang-awa siya nitong tiningnan. "Kung ano man ang problema ni Gray at kung nasaan man siya sana sabihin niya Pen," inabot nito ang kamay niya na nakapatong lamang sa mesa na okupado nila sa coffee shop. "Hindi kaya natakot siya na matali sayo kaya ayan at nawala ng parang bula?" umiling ito sa sariling sinabi. "Wala pa man kayo sa simbahan, run away groom na."

Night of Lust (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon