Chapter 15

879 41 6
                                    

"YOU look messed up," Alessandro said then chuckled. His cousin had been teasing him when he arrived at Sandro's place and if he hadn't been upset and no energy with his cousin's trip, he might have kicked Sandro in the ass.

He called, Mirna after he read the text message that she sent to him two months ago. Hindi nito sinasagot ang tawag niya kaya sa text na lang niya pina-abot ang galit at inis niya. Sumama ang timpla niya at nanlamig sa nabasang text message nito dalawang buwan na ang nakararaan.

Kung hindi lang niya kadugo si Mirna sigurado siyang katapusan na ng pagiging mag-asawa nila ni Penelope.

Now he gets his wife tantrums and jealousy. Sino ba naman ang hindi magagalit? The text message was like a fan of seduction. Kahit siya na nakabasa sa mensahe ay iisipin na babae niya ang kapatid. Hindi niya man lang napansin sa dalawang buwan na lumipas ang kalokohan na ginawa ng kapatid niya.

Masyado siyang naging abala sa trabaho at bukod doon naging abala rin siya na suyuin ang asawa niya. Kaya kahit kalkalin ang messages sa sariling cellphone ay hindi niya nagawa at bakit nga ba hindi niya binanggit kay Penelope na kapatid niya sa labas si Mirna?

Wrong move man!

Aminado siya na nasisiyahan siya sa nakikita niyang galit, tampo o selos man ng asawa niya ng dahil sa sekretarya niyang hindi naman niya mautusan kahit mag-sulat o mag-timpla ng kape.

Umalis siya ng bahay nila ni Penelope kanina ng walang paalam. Bago umalis ay nasulyapan pa niya ang asawa na nasa sala kanina. Nakita pa niyang sumulyap rin ito sa kanya ng sandali pero dahil nasa isip niyang balian ng leeg ang kapatid niya'y hindi niya kinibo o pinansin si Penelope at dere-deretso siyang lumabas ng bahay.

Kahit hindi siya magpaalam kay Penelope ay hindi naman siya nito hahanapin. She's not interested to know about his life. Malapit lang naman ang bahay ni Alessandro at hindi naman siya lalabas sa lugar ng Quezon City.

Habang nasa byahe kanina ay nanggigigil siya sa kapatid niya. Akala niya maaabutan niya pero bago pa man siya makarating sa bahay ng pinsan niyang si Alessandro sa kung saan pansamantalang nakatira si Mirna ay nakaalis na daw ito ayon pa kay Alessandro, nagmamadali itong makaalis at nabanggit na darating siya.

"She ruined my balls."

Umiling-iling si Alessandro habang nangingiti. "Na-wrong send daw siya. Akala niya kay Eliazar niya na-send."

Si Blake naman ang nailing dahil sa sinabi nito. "Kung hiwalayan ako ni Penelope. Siya ang sisisihin ko at babalian ko siya ng leeg. Ipatatapon ko siya sa espanya."

"Cálmate! Càlmate! Kawawa naman ang kapatid mo. Rebelde na nga babalian mo pa ng leeg. Itatapon mo pa," tumatawang ani Alessandro.

Mirna is her half-sister. Anak ng tatay niya sa pagka-binata. Three months ago her sister, Mirna applied to his company and he immediate hired her.

Kahit na may isa pa siyang sekretary tinanggap pa rin niya ang kapatid. Isa na sa dahilan ay para mabantayan ito dahil likas sa kapatid niya ang pagiging pasaway.

Nang mag-apply ang kapatid niya inisip niya ng araw na 'yon na kailangan talaga nito ng trabaho at para hindi ito masita ng tatay nila na palaging mainit ang dugo sa dalaga ay hindi na siya nag-dalawang isip. Pero mukhang nagkamali siya na i-hired ang kapatid dahil hindi naman niya mautusan.

Yeah, maybe Mirna is his half-sister, but he can't let his sister drag her life down. Para sa kanya dapat magkaroon ng sariling buhay at pangarap ang kapatid niya at 'yon ang gusto niyang ituro ng magkaroon naman siya ng silbi bilang Kuya, kapatid. Ang tigas nga lang talaga ng ulo kahit siya ay hindi mapatino si Mirna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Night of Lust (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon