Chapter 10

2.6K 99 18
                                    

NAGISING si Penelope sa sunod-sunod na narinig na ring tone mula sa isang cellphone. Nakapikit pa na kinapa ng kamay niya sa bed side table ang switch ng lamp shade mula doon upang buksan.

Nang mas maimulat niya ang mga mata nahagip ng mga mata niya ang cellphone ni Blake na nakapatong sa bed side table, muling nag-ring iyon at umilaw.

Kinakabahan at kinukutuban na napalingon siya sa asawa niyang mahimbing na ang tulog. Napadako pa ang paningin niya sa orasang ding-ding na nakasabit sa ibabaw na ding-ding mula sa front door ng masters bedroom.

Alasdos na ng madaling araw at may tumatawag pa kay Blake? Napahinga siya ng malalim ng muling tumunog iyon, napasapo pa sa kanyang dibdib dahil sa kabang naramdaman.

Nawala rin maya-maya ang tawag at ilang minuto ang lumipas ay umilaw muli ang cellphone nito.

Nagtext ang kanina pa tawag ng tawag. Sumulyap siya sandali kay Blake. Tulog na tulog ito at naghihilik pa, marahan niyang kinuha ang cellphone nito at ipina-ilaw iyon.

She saw the text message.

From: Mirna

Are u still up? I need someone to talk to. :( btw, I miss you already. Nag-enjoy ako sa dinner date natin kanina sa hotel. We can catch up again tomorrow. :*

Mabilis na nanuyo ang lalamunan niya sa nabasa. Naiiyak at nanginginig pa ang kamay niya na binalik ng lapag sa bed side table ang cellphone nito.

Marahan siyang bumaba sa kama at hinagilap ang polo ni Blake na hinagis lamang ng dumating ito kanina. Nakita naman niya agad ang white polo nito na nasa itim nilang couch sa kuwarto.

Kinakabahan na inamoy niya iyon, kung amoy babae ba at kung may bakas ng lipstick o anumang kulay na kulurete na ginagamit ng isang babae sa mukha. Wala naman siyang naaamoy na kakaiba. Pabango pa rin naman ng asawa niya ang naamoy niya.

Napalunok siya. Niloloko ba siya ni Blake? Mas nangislap ang mga mata niya sa isipin na iyon.

Simula ba ng hindi sila nito nagkaintindihan ay sa ibang babae na nito ipinapakita at ipinararamdam ang paglalambing nito at pagiging maalaga na dati ay para sa kanya lang? Mabilis na naglandas pababa sa pisngi niya ang mga luha.

Kahit hindi niya mahuli sa akto si Blake o kahit hindi niya makitaan ng ebidensya sa damit nito ang panloloko ng asawa niya gamit ang ibang babae ay malinaw naman ang text na nabasa niya. Pinahid niya ang luha mula sa pisngi at maingat na naglakad pabalik sa gilid ng kama.

Dahan-dahan niyang binuksan ang itaas na drawer sa bed side table at doon kinuha niya ang susi ng isa pang sasakyan ni Blake na isang black audi na ipinagamit nito sa kanya dahil sa nasira niyang honda jazz.

Kinuha niya ang sariling cellphone at nagpalit ng damit. She wore a white t-shirt and a yellow pajamas, nagsuot rin siya ng cardigan dahil madaling araw na at ramdam niya sa kanyang balat ang simoy ng hangin na nagdadala ng lamig sa paligid.

Maingat siyang lumabas sa masters bedroom upang hindi magising si Blake. Buntong-hinga siyang naglakad patungo sa couch.

Marahan siyang naupo doon at hindi namalayan ang sarili na humagulgol ng iyak. Kasalanan niya. Masyado siyang naging kampante na hindi siya lolokohin ni Blake. Ano ngayon ang nangyari?

Nakahanap na ito ng iba at siya ngayon ay hindi alam kung paano kokomprontahin ang asawa.

May kabit ang asawa niya!

May kung anong kirot siyang naramdaman sa dibdib ng isipin ang salitang iyon.

Blake betrayed her. Ano ngayon ang mukhang ihaharap niya sa magulang sakaling malaman ng mga ito ang pagtataksil ng asawa niya.

Night of Lust (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon