Chapter 12

1.6K 75 9
                                    

WALANG patid ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Penelope. Wala siyang tulog at puno na ang katawan ng dugo. Ramdam na niya sa katawan ang panghihina at gusto na niya ng pahinga.

Ang kaba sa dibdib ay walang pagsidlan. She keeps on calling Blake's name on her mind. Hindi niya alam kung makakatakas pa ba siya sa mga kamay ni Anna na masama pa rin ang titig sa kanya. Kapwa sila nakaupo, magkaharap.

Matapos pagsasaksakin ay kinaladkad siya nito palabas ng kuwarto at initsa sa kusina kung saan nandoon ang pang isahang upuan. Pinuwersa siyang pinaupo doon ng dalaga at walang salitang tinali siya sa kinauupuan niya. Binusalan pa nito ng panyo ang bibig niya dahilan para hindi siya makapagsalita.

Mahapdi ang buong katawan niya. She was bleeding! Pakiramdam niya'y naghahalo na ang dugo, pawis at luha niya. Lahat ng saksak ni Anna sa kanya ay masakit at halos mapunit ang balat niya lalo na sa bandang tagiliran niya na ramdam niya ang pagkakabaon ng kutsilyo.

"Now... where's your husband?" Panimula ni Anna. Tumawa ito ng pagak. "Pinabayaan ka na. Wala ng pakielam sayo ang asawa mo, Penelope," nanguuyam na sabi ni Anna at dumekwatro.

Deretso lamang ang tingin niya. Walang tigil sa paghikbi.

Blake, please... I need you right now..."

Hindi na niya kayang lumaban o umiwas sa saksak o pananakit ni Anna sa kanya. Hindi niya akalain na magiging katakot-takot ang gabi niya kasama ito. Wala sa isip niya na sa buhay niya mangyayari ang ganito.

"Your husband having an affair, huh?"

Nahikbi siya sa tanong na iyon ni Anna. She was overthinking right now yet her mind also occupied that she will die in no time.

Bukod sa ilang beses na pagtawag niya sa pangalan ng asawa ay ilang beses rin ang ginawa niyang padarasal sa isip. Hindi niya hahayaan na mawala siya ng hindi man lang nakikita si Blake at masabi sa asawa kung gaano niya ito kamahal.

Mahal na mahal niya si Blake at kung mawala man siya ngayon ay pagsisisihan niya na hindi niya iyon nasabi sa asawa.

She's inlove with her husband and planning to have a happy life with him. To have kids and be happy, but danger is in her side right now. Paano pa siya bubuo ng pamilya na kasama si Blake? Kung ngayon ay ito na ang katapusan niya.

Ilang minuto ang lumipas ng tumayo si Anna sa pagkakaupo at nilapitan siya. Niyuko siya nito at tinanggal ang panyo na nasa bibig niya.

"Oras na ng libing mo," malambing na ani nito. Marahan pang hinaplos ang bibig niya na namumutla at nanginginig dahil sa takot. "Ililibing kita ng buhay. Gusto kong mahirapan ka. Dahil ilang taon mo akong pinahirapan... ilang taom niyo akong pinahirapan ni Gray. Sa tuwing nakikita ko kayong magkasama, masaya at mahal ang isa't-isa nadudurog ako Penelope, para akong pinapatay sa sobrang sakit."

"D-don't do this, Anna. Please..." pagmamakaawa niya.

Umismid ito. Hindi siya pinakinggan. Tumuwid ito ng tayo at hinila ang upuan kung saan siya itinali nito.

"S-saan mo ko dadalhin? Anna!"

"Shut up! Ililibing kita sa mismong garden nitong apartment mo. Walang magtatangka na hanapin ka rito dahil inabanduna mo na ito," galit na wika nito.

Nahindik siya sa narinig at pinilit ang sarili na makawala sa pagkakatali sa upuan. Hila-hila nito ang upuan at halong mabuwal siya sa pagkaladkad nito doon.

"I will kill you slowly, Pen... hindi ko nagawa kay Gray ang pahirapan siya. I kill him in a fast way. Mahal ko siya at ayokong maranasan niya ang hirap habang namamatay. I shot his head so yeah, he died fast," Anna said.

Night of Lust (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon