Chapter 8

4.3K 104 25
                                    

'MAMAMATAY KA!' napapikit ng mariin si Penelope, napalunok sa takot bago muling dumilat nang mabasa muli ang sulat.

Nakahiga ang kalahati ng kanyang katawan sa ibabaw ng kama at ang likuran naman ay nakasandal sa headboard, nakapatong sa kanyang hita ang itim na kahon na ang laman ay ang sulat na binasa.

May nagpadala sa kanya ng isang itim na kahon kanina sa kanyang opisina may ribbon pa iyon na kulay pula. The box seems so elegant and beautiful, but inside of the box are scary as damn hell.

Bago niya buksan ay ngiting-ngiti siya na baka padala iyon ni Blake at isang peace offering dahil hindi sila nito nagkaintindihan noong nakaraang dalawang linggo.

Wala namang nakalagay kung kanino nanggaling ang kahon at inisip na lamang na galing sa kanyang asawa iyon at gusto ng makipag-ayos.

Nang buksan niya para makita ang nilalaman ng kahon ay ganon na lamang ang gulat niya at pamumutla dahil isa iyong pagbabanta. Isang death threath na sa buong buhay niya ay hindi niya akalain na mararanasan niyang makatanggap.

The box had worms and dead leaves when she opened it on her office. Halos mapasigaw siya sa gulat ng makita iyon, ang ginamit na pansulat pa sa nabasa niyang pananakot sa kanya sa papel ay isang dugo. Halos talunin niya ang kanyang office table kanina dahil sa ilang uod na nasa kahon gumagalaw pa ang mga iyon. Kahit nandidiri, natatakot at kinakabahan ay pilit niyang inabot ang kahon at pinagpag sa small trash can sa opisina ang laman.

'Mamamatay ka!' Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin malaman kung sino ang nagpadala 'non sa kanya. Sunod-sunod na ang pananakot sa kanya na hindi na tama.

Kahit anong isip niya sa ilang tao na nakapaligid sa kanya ay wala siyang maisip na isa man sa mga ito ay may galit sa kanya. Hindi pa niya itinatawag kay Blake ang natanggap na sulat dahil hindi niya gustong maistorbo ang asawa sa trabaho.

Iniisip rin niya baka mamaya'y wala ng pakielam sa kanya ito dahil halos dalawang linggo siyang hindi na gaanong kinakausap ni Blake at mag-pang hanggang ngayong magta-tatlong linggo na.

Nagbago ang pakikitungo ni Blake sa kanya, naging mailap. Nagulat siya sa isipin at hindi makapaniwala sa nalaman na dati niyang manliligaw ang asawa na niya ngayon.

Ngayon ay malinaw na sa kanya noon kung bakit ganoon na lang ang pagiging malambing at maalaga ni Blake sa kanya kahit pa ipinakikita niya sa asawa ang pagkairitable niya at pagka-inis dito sa tuwing nilalapitan siya nito.

Si Blake ang dati niyang manliligaw noong nasa high school siya. That boy back then was thin and nerd who always had a book in his left hand and had a thick eye glasses.

Ibang-iba sa Blake na kasama niya ngayon. Who have a strong jaw line, firmed muscles and have a healthy lifestyle.

Hindi lamang siya makapaniwala na sa dami ng lalaki na pwede niyang makasama ng gabing may mangyari sa kanila ay si Blake pa ang lalaking iyon. Ang buong akala niya'y isang estranghero sa buhay niya ang binata ngunit nagkamali siya dahil matagal na niya itong kilala na muling sumulpot sa buhay niya at ngayon ay nakatali na sila sa isa't-isa.

Wala namang problema sa kanya kung ang manliligaw niyang si Chandler noon at si Blake ay iisa. She used to admire the sincerity of her suitor that time-Blake Chandler that always using his second name but now he is known as Blake Montero. Hindi niya kagustuhan na bastedin at saktan si Blake noon, pero kailangan niyang maging totoo sa binata.

Gray was her crush that time, dahil nga sa kinakapatid nito ng kaibigan niyang si Anna ay lagi rin nilang nakakasabay ang binata noon sa paguwi tapos ng klase nila. Wala siyang ibang makita kundi si Gray lang. Kahit na si Blake ang unang naglakas loob na manligaw sa kanya ay ang dating nobyo pa rin ang napansin niya ng magtapat din ito ng pag-ibig sa kanya noon.

Night of Lust (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon