Oo mahal ko pa sya. Pero sa ngayon mahal ko rin si Louis. Bakit ba ako pa. Bakit ba ganun? Hindi ko magawang magalit kay Troy/Louis?! Mahal ko sya. Pero may nararamdaman parin ako kay Zayn.
"Lou kain na oh!" Nakahiga sya at hindi makakilos sa sakit ng katawan.
"Ayoko kumain wala akong gana!" Inirapan nya ako.
"Louis sige na! Kailangan mo ito para mabilis ka gumaling!" hinawakan ko ang kamay nya pero tinanggal nya ito.
"Bat mo pa ba ginagawa to eh pagtapos neto iiwan mo ren naman ako! Ipapakulong nyo rin ako ni Zayn para makapagsama kayong dalawa,hindi ba?" Sa sinabi nyang yon naluha ako. Ang sakit pala!
"Sino ba nagsabi nyan sayo? Kahit anong mangyare hindi kita iiwan Troy ano ba! Diba kasal tayo! Wag ka naman ganyan! Mahal kita!" Napaiyak nalang ako tapos parang nagulat sya sa sinabi ko.
"Kasinungalingan! Niloko kita Nami! Pinaglaruan lang kita kaya please?! Kung paaasahin mo lang ulit ako wag na please!"
"Hindi Troy! Hindi ko kailangan ng eksplanasyon mo! Wala na kame ni Zayn! Oo may nararamdaman ako sa kanya pero alam ko sa sarili ko na ikaw ang mahal ko! Oo mali ang ginawa mo pero minahal mo lang naman ako eh!"
"Umalis ka na Nami! Ginamit lang kita at hindi kita mahal!" ang sakit pala. Napatakbo nalang ako palabas ng bahay at umiyak ng umiyak
![](https://img.wattpad.com/cover/20576688-288-k145962.jpg)