ZAYN's POINT IF VIEW:
"Ano ba ang balak mo Zayn?" Tanong saakin ni Ashton at Liam. Kasama ko sila ngayon dito sa kotse. Nandito na ulit ako sa pilipinas after 8years? Or more? Tinanggal ko ang shades ko at kumuha ng yosi.
"Balikan sya!" tipid kong sagot at pumikit. Isinandal ko ang ulo ko sa salamin ng sasakyan.
"Years past sya pa rin ba?" Tanong saakin ni Leila. May apat na anak na sila ni Harry ngayon.
"Wag muna ngayon! Please!" Kinuha ko ang headset ko at nagpatugtog. Naka-shuffle ito ng biglang nag-play ang You and I...
I can't help it! Biglang tumulo ang luha ko. Buti nalang naka-shades ako. Mula ng mawala si Nami, nasira ang puso ko at naging manhid na ito. Hindi na ito muling tumibok kahit kano! Ni hindi man lang ako naakit sa ibang babae. I made this song You and I for her. The Part 'Not even the gods above, can separate the two of us' ay ang nangyayari ngayon. Kahit kasama na nya ang panginoon, hindi ko parin sya makalimutan at sya ng sya ang aking naaalala.
"Uncle Zayn?" May pumunas sa luha ko at tinanggal ko ang shades ko. Si Heila pala. Anak ni Harry at Leila na pangalawa.
"Yes Hei?" Kinandong ko sya habang nilalaro nya ang headset ko.
"Why awe you cwying? Pinaiiyak ka po ba nya?" Tinuro nya ang hedset. Umiling ako.
"No baby! I just remember someone. A really special person!" Nginitian ko sya at nag-smile back sya.
"Si Nami po ba iyon?" Nagulat ako sa itinanong ni Heila.
"How did you know her?"
"Mom and Dad always telling you and Nami's stowy to me and ate eh! Good pewson daw po kayo! Tsaka po pawang faiwy tale love story nyo!" Napangiti nalang ako sa sinabi nya.
"Really?" Yun nalang ang naisagot ko.
"Yes uncle! Wait uncle! Can I tell you a secret?" Tumango ako at inilapit nya ang tenga ko.
"I have a cwush on Uncle Luke and Uncle Calum's son!" Nagulat ako sa binulong nya at pinayuhan na lamang sya. Anu ba yan! Ako nalang lablayp.
VANS' POINT OF VIEW:
"Uy Vans ano? Pinayagan ka ba ng tatay mo?" tanong sakin ni Yalex.
"Yun nga aport eh! Ayaw nya akong papuntahin! Ang ipinagtataka ko lang eh bakit parang galit na galit si tatay nung nakita nya ang litrato ni Idol." Napailing na lang ako sa sobrang disapoint. Si Yalex ay kaybigan ko na hindi ko maintindihan ang kasarian. Katawan babae pero kilos lalaki.
"Kung ganun, takas tayo!" Napaisip ako sa sinabi nya at..........
ALESSA's POINT OF VIEW:
"Mare tignan mo to oh!" Sabi saakin nung kapitbahay namin na ninang ni Vans.
"Sino yan?" Tanong ko. may ipinakita sya saaking poster. Sa palengke nga naman andaming tsismis!
"Si Zayn Malik yan! Sikat yan! Magaling na singer! Oy alam mo ba mare kamukhang kamukha mo ang ex nya na namatay?" Patay na yun jusme!
"Patay na yun mare jusme! Anu meron? Free concert?" Nakita ko yung note sa baba.
"Oo mare! Pupunta nga kami ni Yalex eh!" Nako naman talaga tong mag-ina na ito masyadong ano! Makauwi na nga lang at baka hinihintay na ako ng pamilya ko...
Naglalakad ako pauwi ng makita ko si Troy at Vans magkasama..
"Inay!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ni Vans at patakbong lumapit saakin.
"Troy naman bakit hindi mo pinunasan si Vans ng pawis? Nanggigitata ang anak mo oh!" Pinunasan ko ng pawis si Vans at naglakad na pauwi... Kahit kapos kami sa per ayos lang dahil masaya naman kami ng pamilya ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ganun? Parang may puwang sa puso ko. Parang laging may nawawala at may naaalala akong mga mukha ngunit hindi ko sila kilala. Mga mayayamang tao. Halos ilang taon na si Vans pero hindi manlang ako ginalaw ng asawa ko. Madaming tanong ang nabubuo sa sarili ko.
