Nami's POV.
Nandito kami ng mga anak ko sa Maynila nakikitira kala Luke dahil nakakahiya naman kung kay Zayn ako makikitira. Kasal akong tao may asawa ako. Si Vans naman confused kung bakit daw wala si tatay nya. Minahal ko naman si Louis kahit papaano pero hindi parin sapat na dahilan un. Oo napasaya nya ako kahit papaano at asawa ko sya pero yung ginawa nya ay kidnapping! Lumayo muna ako para maievaluate ang nararamdaman ko.
"Kd! Tumawag na ba senyo tatay mo?" Nagwoworry ko na tanong.
"Opo ma nag miss call eh!" Sagot nito.
"Pakitawagan nga! Pakikamusta nalang! Lalabas muna ako!" Lalabas na sana ako ng makasalubong ko si Zayn at Luke.
"Aalis ka ba Nami? Nandito na kasi ung DNA Test ni Zayn at Vans tapos ung resulta ng Brain mo" Pumasok nalang ako sa ginawa nila.
"Ikaw na magbukas Nami" inabot saakin ni Zayn ung brown envelope at nadapo ang kamay nya sa kamay ko. Lumiwanag ang paligid at nafeel ko ulit ang mga butterflies sa loob ko. Pero tinanggal ko ang kamay ko dahil nga MAY ASAWA AKONG TAO. Kasal pa rin naman kami ni Louis. Sagradong sakramento ang kasal kaya mali ang ginagawa ko.
"Jusko" napatakip nalang ako ng bunganga. Si Vans ay anak namin ni Zayn.
"Anak natin si Vans!" Mahinang napabulong si Zayn but it's enough to be heared. Nakita ko na may tumulong luha sa mga mata nya.
Paano to? Paano ko ipapaliwanag?
