Louis' Point of view....
"Hayup ka! Papatayin kitang gago ka!" Sinalubong ako ni Zayn ng sapak saloob ng aking pamamahay habang inaawat sya ni Luke.
"Teka nga! Ano ba nagawa ko? At wala kayong karapatang mag iskandalo sa loob ng pamamahay ko!" Tinulak ko sya ng may isang lalaki na umawat saakin.
"Kervz?" Gulat kong tanong. Teka, bakit nandirito sya?
"Nakakagulat ba, LOUIS?" Nakangisi netong sabi. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at alam ko na pinagpapawisan na ako ng malapot.
"A- asan ang m-mga anak at asawa k- ko a---"
"Ang kapal ng mukha mo Louis!" Biglang lumabas si Nami at pinaghahampas ako. Oo alam ko na darating ang araw na ito.
"Tsk! Alessa ano ba?! Anong pinagsasabi mo? Hindi ako si Louis! Binrain wash ka ba ng mga to? Asan na mga anak ko!"
"Louis tama na! Huling huli ka na sa akto! I've trusted you pero bakit nyo to ginawa sakin? Ikaw kuya! Sarili kitang kapatid pero ibinenta mo ako?!" Napaiyak nalang ako sa mga sunasabi nya. Napaghandaan ko na tong araw na ito.
"Nami.... Mahal kasi kita kaya ko nagawa---"
"Mahal mo ako kaya nagawa mo akong painumin ng mga addictive drugs? Yung araw araw mong ginawang paggawa saakin ng kape yun pala nilalagyan mo ng drugs!" Tinulak nya ako at hinila sya ni Zayn.
"Nami tara na! Ilalayo ko na kayo ng anak ko sa hayup na yan!" Hinila sya ni Zayn pero nayakap ko sya.
"Nami.. please wag mo kong iwan! Kasal tayo eh! Naging masaya ka naman sa piling ko diba? Mag-umpisa tayo ulit!" Niyakap nya rin ako pabalik.
"Salamat sa pagmamahal mo Lou! Pero hindi ko kayang mabuhay sa kasinungalingan! There was never on us! Kung mahal mo talaga ako Lou bibigyan mo ako ng space para makapag isip isip!" Naiiyak nalang ako.
"Nami sasama ako sayo wag mo kong iwan! Susundan kita mula langgit hanggang impyerno! Hanggang kamatayan Nami!"
"Anong alam mo sa langit at lupa? Anong alam mo sa kamatayan? Pano mo nasabi yan kung umpisa pa lang eh hindi mo naman talaga ako minahal? Inangkin mo ako Louis! Hindi mo ako minahal!" Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nakita si Nami na papalayo saakin kasama ang totoo nyang mahal. Ang totoo nyang pamilya. Wala na si Alessa.
