5

156 9 2
                                        

K-Fly!! Sabi ni Author dedicated daw to sa chix na suporter nya! Hahaha. So eto na nga! Nandito kami sa tapat ng isang kubo.

"Ano po ang kailangan nila?" Tanong saakin ng isang batang babae na mga nasa 14-17 years old I guess.

"Dito po ba nakatira si Vans?" Tanong namin ni Luke.

"Ah si Vans po? Opo! Wait lang! Mama Alessa may tao! Hinahanap po si Vans!" Marahil ay ate nya ito.

"Tuloy daw po muna kayo! Kuya kamukha mo yung nasa poster sa taas! Tapos ikaw naman kuya kahawig mo yung gwapong member ng paybsos! Hehehehehe!" Actually...

"Ate Kd may bisi----" Nilingon namin at nakita si Vans.

"Sir Zayn sir Luke ano po ginagawa nyo dito?" Agad na tanong nang bata!

"Kd! Nak! Tulungan mo muna ako ito sa gamit ng tatay mo nawawala daw yung insecticide!" Wait... That voice reminds me of someone. Someone I know that's so special to me. Sounds like Nami's voice..

"Tara po Sir labas muna tayo kasi naglilinis po yata ng bahay si ate at mama!" Sumunod kami kay Vans sa labas...

ALESSA's POINT OF VIEW:

"Leche naman asan ba yung pesteng insecticide na yun?" halos magdadalawang oras ko na hinahanap eh!

"Ma! Nasa papag tinago ni tatay yung insecticide! Eto oh!" Ay punyeta! Napakamot nalang ako ng ulo at inisprayan ng baygon ang ilalim ng papag namin. Iniipis eh!

"Ma pagod na kayo pahinga muna kayo!" Humiga ako sa papag. Mukhang tama ang desisyon namin ni Troy na kupkupin si Kd at dalawa pa nitong kapatid. Si Kd ay anak ng kumpare ni Troy na namatay na at ipinagbilin ito sa kanya.

"Sino yung bisita ni Vans?"

"Ay ewan po mukhang dayo eh!" Nakatulog ako habang nakikipagkwentuhan kay Kd. Nagising nalang ako sa mabangong amoy. Umupo ako ng kama at nakitang andaming nakalagay sa gilid ko na bulaklak. Sobrang dami.

"Happy Anniversarry!" Bungad saakin ni Troy. Ay nakalimutan ko ngayong araw nga pala! Sobrang pagod ko kasi eh!

"Happy Aniversarry din Mahal pasensya na nakalimutan ko at pagod na pagod ako. Umupo naman sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Ok lang mahal naiiintindihan ko naman eh! Magpahinga ka nalang at mamaya ay may handaan tayo! Bumili ako ng pancit at manok hintayin nalang natin si Vans umuwi kasama daw nya ang kanyang idol eh!" Niyakap ko nalang sya wala kasi akong mareact.

"Sinong idol? Bakit parang nag-iba mood mo mahal?" Niyakap nya nalang ako.

"Yung Zayn at Luke daw! Mahal lagi mong tandaan na sobra kitang mahal ah!" Kinabahan ako sa sinabi nya.

"Mahal oo naman! Tara na nga! Haha" Bumaba kami at may nakita akong dalawang lalaki. Nagtama ang mata namin nung isang mukhang adik na naka bob marley na damit. Parang pamilyar sya! Ewan ko kung bat ganun! Parang may kumirot sa loob ko!

"Ah, Kuya Zayn kuya Luke sila nga po pala mama at tatay ko! Si mama Nami, si tatay Troy, eto naman po si Ate Kd tapos po eto naman si ate Christine tapos si Kuya Troyesivan po!" Pagpapakilala saamin ni Vans. Nakakapagtaka talaga ang reaksyon nung dalawang lalaki.

"Alam nyo po may kamukha po kayong dalawan taong malapit saamin!" Sabi nung Luke.

"Talaga po? Sino po ba iyon?" Sagot sa kanya ni Troy.

"Si Louis at Nami" Yung huling part..

"Nami"

"Nami"

"Nami"

"Nami"

Nag-echo sa isipan ko.

"Ay bat po pala kayo napadaan?" Naitanong ko.

"Ah wala lang natuwa lang kami sa anak nyo nung pumuntang concert namin mag-isa!" Si Vans talaga pasaway.

"Ano Vans? Diba ang sabi ni mama wag kang pupunta nang wala kang kasama! Mama oh maduya si Vans tumatakas!" Yakap saakin ni Christine. Napamahal na ang mga ito saakin parang mga tunay ko na talagang anak..

"Ay eto nga po pala mga anak ko si Kd kinse na po sya, si Troyesivan katorse tapos po si Christine trese na po! Si Vans po ang bunso! Sabayan nyo na po kaming kumain!" Nakangiti kong sabi.

"Sorry but we have to go!" Yung malamig na boses nung Zayn. Tumayo ang balahibo ko. Nagpaalam na rin si Luke at umalis na

Lost 2 : One Direction FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon