Chapter 3

131 35 9
                                    

First Kiss


"Anong magagawa ko? Kaya kitang halikan sa harap ng maraming tao"
Seryosong sabi niya dahilan ng pagkakanganga ko.


Baliw ba siya? O baliw lang talaga siya? Ako? Hahalikan niya? What the hell?


"Gago! Huwag ako!" sabay tulak ko sa balikat niya at hila kay Daisy papalabas ng canteen.


Letche talaga yung lalaking yun! Walang oras na hindi niya ako pinapahiya sa ibang tao! Potangina!


"Yana teka-Aray ko naman! Magdahan dahan ka nga!" reklamo ni Daisy.



Agad kong binitawan ang kamay ni Daisy nang medjo nasasaktan na siya sa pagkakaladkad ko sa kanya.



"Sorry Daisy, pati ikaw nadamay sa inis ko dahil sa pesteng lalaking yun"



"Ikaw naman kasi teh, bat pinapatulan mo pa!" panenermon niya sakin.



I raised my eyebrows at naguguluhang napatingin sa kanya "Bat parang ako pa ang may mali dito? Eh siya tong pasulpot sulpot-"


"Nako Yana huwag mo ng patulan si 'baby pretty boy'!"


"Baby pretty boy?" lalong kumunot ang noo ko dahil sa huling sinabi niya.


Tumango lang siya sakin at tinaas ang mga kamay niya sa ere na parang may sinasalo mula sa langit.



Mukhang tanga lang.



"Yes! Pag nalaman ko talaga pangalan non Yana, nako te! Hinding hindi ko talaga yun tatantanan. Hays naiimagine ko tuloy na siya ang husband ko tapos may mga anak kami na kasing gwapo niya!"



Pagdadaydream niya na ikinangiwi ko na lang. Mukhang pati si Daisy nahawa sa kabaliwan ng lalaking yun. Pero halata naman sa kanya na mayaman siya at may kaya rin sa buhay plus may itsura din, lahat siguro ng babae nahuhumaling sa kanya dahil sa lakas ng apil niya-at isa na don ang best friend kong si Daisy!



"Hoy! Tama na yang pagdadaydream mo jan nakakadiri ka! Halika na nga pumasok na tayo sa room, nawala na yung gutom ko"


Nauna na akong maglakad sa kanya papuntang classroom namin. At makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang klase namin. And guess what? Sobrang daming activities at research na gagawin.


Maghahanap na naman ako neto ng matinong signal para makapagresearch. Sobrang hirap talaga kapag sa bukid ka nakatira at lumaki dagdag mo pa na pinanganak kang mahirap.


Mahirap talaga maging Senior High, lalo na pag wala kang sapat na gadgets at internet.


Natigil lang ang pagmumuni ko nang kinalabit ako ni Daisy.


"Bakit?" I asked and face her.


"Sa library tayo mamaya?"


"Kung saan tayo makakakuha ng mga sagot sa activities natin, edi why not?"


"Sige, after class deritso library tayo ha?" pagsisigurado niya sakin. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot at nagpatuloy na sa ginagawa ko kanina.


Lumipas ang ilang oras at tapos na ang klase namin kaya napagdesisyonan namin ni Daisy na dumiretso na lang sa library. Kinuha ko muna saglit ang cellphone ko para etext si Cris.


To Cris Panget:


Mukhang matatagalan kami ni Daisy dito sa library. Mauna ka na lang umuwi sakin. Huwag mo na akong hintayin sa waiting shed.


I'm Still Into You (Dela Vera Series 1) | COMPLETED Where stories live. Discover now