Meet's The Parent
Nakatingala ako dito sa may gilid ng sala nila Anton dahil sobrang daming bisita na dumalo sa birthday party niya. Habang nililibot ko ang paningin ko, nagulat ako ng may biglang humalik sa pisnge ko sabay hapit sa may bewang ko.
"Are you looking for me beautiful lady?.." he whispered huskily.
"Ay pota-Anton?! Bakit mo ba ako ginugulat gago ka!"
"Is that your way on how to greet your boyfriend?"
"Tse! Bakit ka kasi nanggugulat ikaw talaga kahit kailan-"
"Kanina pa kita hinahanap, ngayon ka lang dumating?" tanong niya.
Tumango lang ako sa kanya at tsaka ko ibinigay ang inihanda kong regalo para sa kanya. "What is this?" nagtatakang tanong niya nong inabot ko sa kanya ang isang maliit na box. "Basta buksan mo na lang yan!" ani ko.
Binuksan naman niya ang ibinigay kong regalo sa kanya at nong makita niya ang laman neto hindi siya makapaniwalang tumingin sakin.
"Relo?"
"H-Hoy! Mamahaling relo kaya yan! Wala kasi akong sapat na pera kaya yan lang nakayanan ko. N-Nagustuhan mo ba?"
"Anything na galing sayo lahat magugustuhan ko. Kahit mumurahin at mamahaling bagay pa yan. Lahat ng yan tatanggapin ko, love.."
"At kelan mo pa ako tinawag na love?! Aba, aba, mukhang may nagbago sayo ngayon Mr. Dela Vera ah"
Tumawa lang siya sa sinabi ko at tsaka niya ibinalik sa box yung relong regalo ko sa kanya. "Bawal bang lambingin ang girlfriend ko?" ani niya.
Pabiro ko na lang siyang inirapan at tsaka kami sabay na tumawa. Hindi rin nagtagal ang usapan namin ni Anton dahil agad siyang bumalik at para asikasuhin ang kanyang mga bisita. Nagsimula na ang celebration kaya kasalukuyan kaming kumakain ngayon. Isusubo ko na sana ang kinakain ko nang may biglang umabot sakin ng wine glass at nong lingunin ko ito mukha ni Francis ang bumungad.
"Wine for the beautiful lady.." ani Francis.
"Francis, ikaw pala!"
"Yeah, well it's been a while but I'm glad that you came."
"Hindi naman kasi ako sana pupunta rito kaso pinilit ako ni Anton kaya ayon no choice."
"I heard nag-away daw kayo ni Daisy. Dahil ba yan sakin?" biglaang tanong niya na nagpatigil sakin. "Wala lang yun magkakaayos din kami non! Ano kaba hindi naman ako matitiis non" bumuntong hininga lang siya dahil sa sinabi ko.
"I'm sorry.. Nang dahil sakin nag away pa kayo.." sincere na sabi niya.
"A-Ano kaba Francis hindi mo kailangang mag sorry sakin. Actually ako nga ang dapat na magsorry kasi hindi ko na pala namalayang n-nasaktan ko na pala kayo.."
"Ngayon ko lang kasi na realize kung sinong mas mahal ko. At narealize ko ding siya yun, mukhang masyado ata akong nabulag dahil sa pagmamahal ko sayo non"
"Huwag ka ng magpaligoy ligoy jan Francis, ligawan mo na kasi! Gusto mo reto pa kita sa kanya, ano payag ka?" suhestisyon ko na ikinatawa niya lang naman.
"I'll think about that, magkakaayos din kayo ng kaibigan mo Yana. Pano maiwan na muna kita rito?" pagpapaalam niya.
"Oo, sige take your time salamat din sayo!"
YOU ARE READING
I'm Still Into You (Dela Vera Series 1) | COMPLETED
RomanceFor her, family is more important than anyone, but unexpectedly she immediately falls for a man who is full of coldness with his whole being. In the middle of their romance there is a big problem. They need to fix and face together that even their f...