The Truth
Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit biglang napatext sakin ang mommy ni Anton. Nasa kaloob-looban ko pa rin ang kaba at takot—kaba dahil baka hindi na naman niya kami tanggap ni Anton at takot kasi baka itakwil niya ako pati na si Anton.
Pinagsawalang kibo ko na lang yun at piniling puntahan yung address na tenext sakin ng mommy ni Anton. Pumayag ako dahil na rin sa respeto na siya ang lola ng anak ko at siya rin ang ina ng lalaking mahal ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang seradura "You can do it Yana... Kaya mo to!..." I whispered.
Pumasok nako sa loob ng café at nakita ko naman sa di kalayuan ang mommy ni Anton. Naglakad ako papalapit don para mapansin niya ang presensya ko.
"Bakit niyo po ako pinapunta rito?" I asked para makuha ko ang attensyon niya, agad namang napatingin sa may gawi ko ang mommy ni Anton "Oh, anjan kana pala hija. Take a seat hija." ani niya at tsaka nilahad sakin ang upuang katapat niya.
Umupo naman ako kaagad dahil nakakahiya naman siguro sakanya. Hindi nako nagpaligoyligoy pa at basta ko na lang deritsahang tinanong ang mommy ni Anton.
"Deritsuhin niyo na lang po ako. Para saan po 'to at bakit niyo po ako pinapunta rito?" tanong ko at unti unti naman nawala ang ngiti sa mga labi niya at tsaka tumingin sa mga mata ko na seryoso at parang ma-iiyak na. "I don't know if karapat dapat pa ba akong bigyan ng chance mo, hija... But believe me, n-nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko sayo... Pati na rin sa pamilya mo..." sabi niya sabay hawak sa dalawa kong kamay na nasa ibabaw ng lamesa.
What?! Wala akong maintindihan!
"S-Sorry hija... Because of m-me nasira ko ang pamilya mo at pati na rin ang relasyon niyo ng anak ko... I'm very s-sorry hija..."
"I don't u-understand Mrs. Dela Vera, but can you at least explain to me everything?"
Huminga muna siya ng malalim at tsaka niya pinunasan ang luha niyang kanina pa tumutulo.
"I know you don't understand what I've talking about hija. But gusto ko lang huminge ng tawad sayo. Patawarin mo sana a-ako hija..."
"A-Ako ang dahilan kung bat nakulong ang papa mo... Ako rin ang dahilan kung bat hiniwalayan ka ng a-anak ko... A-Ako rin ang dahilan kung bakit nawalan ka ng scholarship noon sa law school mo..."
"At a-ako rin ang dahilan kung bakit huminto ka muna sa pag aaral mo noon... Ako ang d-dahilan kung bakit naghihirap ka noon Yana... I-I'm very sorry hija... Sana mapatawad mo 'ko sa lahat ng kasalan ko sayo..."
Halos hindi ako makahinga dahil sa pinagsasabi niya. Wala akong nagawa kundi ang tignan siya na tila hindi makapaniwala at hindi ko na pala namalayan na isa isa na palang nagsitulo ang mga luha ko.
Totoo kaya yang s-sinasabi niya?
"Pero b-bakit po?..." tanging naiusal ko na lang matapos mag sink in sa utak ko lahat ng pinagsasabi niya.
"Yana..."
"B-Bakit ang pamilya ko pa? Sa umpisa pa pala... I-Ikaw lang pala ang dahilan kung bat nangyayari sakin lahat yun. K-Kung hindi niyo sana pinakulong ang papa ko noon na inosente at walang ginawang mali edi sana buhay pa ang pinakamamahal kong mama!"
"Hija... I'm so sorry hija..."
"Ha! Sorry? Ngayon niyo po sabihin saking maibabalik ba ang buhay ng mama ko sa salitang sorry? B-Bakit niyo po yun ginawa sakin?! What did I do to you?! A-Ang alam ko lang naman po, wala po akong ginawang masama sa inyo at sa pamilya niyo! S-Sinira niyo ang pinakainiingatan kong pamilya! You've ruined everything!" dire-diretso kong sabi at kitang kita ko naman sa mga mata niya ang paghinge ng tawad. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nasasaktan pa rin ako sa lahat ng nalalaman ko.
YOU ARE READING
I'm Still Into You (Dela Vera Series 1) | COMPLETED
RomanceFor her, family is more important than anyone, but unexpectedly she immediately falls for a man who is full of coldness with his whole being. In the middle of their romance there is a big problem. They need to fix and face together that even their f...