Chapter 29

66 16 10
                                    

Text Message


"Hoy, chaka ka ano yan ha! Ano yang nasa kamay mo?! Bakit may suot kang singsing?!" agaw pansin sakin ni Daisy pagkarating niya agad sa opisina ko.


"Manahimik! Apaka ingay mo talaga!" singhal ko sakanya sabay irap.



"Eh, bakit ka nga may sout na sing sing, ha? Don't tell me—nagkabalikan na kayo ni Anton?!"



"O-Oo ganon na nga..."



"Yieee! Sabi ko na nga ba, eh! Marupok ka ding gaga ka! May nalalaman ka pang 'nakalimutan ko na siya' ganern! Sus, ikaw ha! Yieee! Congrats sissy!" tili niya sabay yakap sakin ng mahigpit wala naman akong magawa kundi ang yakapin rin siya pabalik.



"Salamat..." sabi ko. Bumitiw naman siya sakin at tsaka niya pasimpleng hinampas ang braso ko "Kaloka ka! Kelan pato ha?! Bat hindi mo sinabi sakin Areillana! Nong buntis ka saka ko lang naman nong namatay na si tita Lin tapos ngayon—God! Yana, anong akala mo sakin manghuhula?!" mahabang litanya ni Daisy. 



Kaloka naman tong babaeng to daig pa ang reporter sa dami ng sinasabi.



"Huminahon ka nga gaga! Kahapon lang to no! Musta na nga pala kayo ni Francis? Kayo na ba?" tanong ko at nakita ko namang biglang  sumimangot ang mukha niya dahil sa tanong ko.



"Wala! Hayaan mo na yung kapre na yun! Wala na kong paki sa kanya!"



"Sus, yung totoo nag away na naman kayo no?"



"Sino naman kasing hindi mababadtrip. Eh, nakita ko siyang may kausap na babae tapos ito namang si Francis hindi manlang sinita yung babae kahit nakahawak na sa may braso niya!  Nakakainis! Bahala siya sa buhay niya!" sabi niya sa tonong parang bata na nagsusumbong.


"Yan. Deserve mo yan teh!" sabi ko sabay halakhak at nakita ko naman na umirap siya "Heh! Fake friend! Ewan ko sayo!" pikon na saad niya at tsaka siya lumabas sa opisina ko na nakasimangot ang mukha.



Hay, ewan ko sayo Daisy. Amen na lang sayo best friend.



Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko dahil may gagawin pakong bagong article. Mga ilang minuto din ay natapos rin ako sa ginagawa ko pero napakunot ang noo ko dahil may biglang kumatok sa pinto ng office ko.


Sino naman kaya to?


"Come in!" sigaw ko at tsaka ako tumayo. Pero laking gulat ko na si Bianca ang pumasok, I thought si Anton yung kumakatok kanina hindi pala.



"Pwedi ba kong pumasok, Yana?"



"S-Sige pasok ka. Umupo ka dito. What are you doing h-here?" tanong ko nong tuluyan na siyang makapasok sabay upo sa may couch ng opisina ko.



"Gusto ko lang huminge ng sorry sayo..." deritsahang sagot niya kaya napatingin naman ako kanya ng wala sa oras "For what?" I asked.



"Para sa mga kasalanang nagawa ko sayo... S-Sa inyo ni Anthony..."


"Bianca-"



"I know that I'm so pathetic and crazy girl back then, but believe me Yana... Tao lang rin ako... Nagmamahal at n-nasasaktan, kaya ko lang naman nagawa yun kasi nasasaktan ako na mas mahal kapa ni Anthony keysa sakin..."


Agad ko namang hinawakan ang mga kamay ni Bianca nong nakita kong humihikbi na siya sa harapan ko.

I'm Still Into You (Dela Vera Series 1) | COMPLETED Where stories live. Discover now