Chapter 10

81 29 1
                                    

Proposed



Makalipas ang ilang araw simula ng mag confess si Anton sakin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya hanggang ngayon pala isipan pa rin sakin kung totoo nga ba yung mga pinagsasabi niya o hindi.



Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room namin and thank god maaga akong nakapasok ngayon. Nakabusangot ang mukha ni Daisy nang madatnan ko siya sa room nong papasok nako, sa curious ko ay kinalabit ko siya.



"Anyare sa mukha mo? Bakit nakabusangot ka? May problema ba?" I asked sabay upo sa armchair ko.



"Nakakainis kasi si dad eh! Ayaw niya akong payagang mag abroad! Eh sa gusto ko nga maging isang ganap na journalists!"



"Oh? Nasabi mo na? Bakit naman daw na ayaw kang payagan ng dad mo?"



"Kasi natatakot daw siyang magkaroon ng maagang manugang at apo.." sabay hawi niya sa maikli niyang buhok.



"Naknamputcha naman, yung seryoso kasi Daisy Anne Legaspi!"



Singhal ko na ikinairap lang naman niya "Duh! Ito na nga, bakit ba ang seryoso mo masyado jan! Kaya ayaw akong payagang mag abroad ni daddy kasi ayaw daw niyang mapalayo ako!"



"Huwag ka na lang kasing umalis Daisy. Dito mo na lang tuparin ang pangarap mo, diba sabi mo sabay tayo kukuha ng trabaho?"



"Oh my god, oo na oo na, hindi na ako mag aabroad I will tell this to dad but I'm not sure pero sana hindi na magbago ang isip ko no!" maarteng pahayag niya. Niyakap ko na lang si Daisy dahil sa sinabi niya. After a few minutes dumating din ang subject teacher namin sa umaga kaya hindi din nagtagal ang chikahan namin ni Daisy.



Discuss lang kami ng discuss kaya halos ang mga kaklase ko ay mukhang nalulutang na at inaantok. Hays mga senior high talaga. I focused on our lesson and continue to listen. Ilang minuto din ang lumipas ay recess na namin. Kaya agad kaming dumeritso ni Daisy sa canteen para agad pumila, baka madami na naman ang tao kaya buti na lang pagkarating namin doon ay wala gaanong tao.



"Hoy Yana! Nakikinig ka ba sa mga pinagsasabi ko?" agaw pansin sakin ni Daisy na ikinagulat ko.



"H-Huh? May sinasabi k-ka?"



"Whatever! Ewan ko sayo Yana napapadalas na ang pagkakatulala mo ha! May hindi kaba sinasabi sakin?"



"A-Anong pinagsasabi m-mo jan, gaga! W-Wala lang to sige na umurong kana don, malapit na tayo oh" sabay nguso ko sa linya.



"God! Amen sayo Areillana! Ang gaga mo! Sanaol no lutang? Gosh!"



Umiling na lang ako dahil sa kaartehan at sa mga pinagsasabi niya. Nakarating na kami sa unahan kaya agad din kaming umorder ni Daisy ng mga pagkain at pagkatapos non ay naghanap na kami ng lamesa at mauupuan. At nang makahanap na kami ay agad naming nilantakan ang mga inorder naming mga pagkain.



"Yana pakilala mo naman ako don sa boy na dinalaw ka last time. Anong name non? Ang gwapo niya ha!" usisang tanong ni Daisy.



"Francis Dela Vera, pinsan yun ng ugok na si Anton. Tsaka isa pa huwag na nga natin pag usapan ang tungkol sa mga Dela Vera! Nakakabanas"



"Ay galit? Binanggit lang-"



"Sabi ng huwag mo ng banggitin eh!" napataas ang boses ko sabay hampas sa lamesa na ikinagulat lang naman ni Daisy. Tsaka lang ako huminahon nang may biglang sumingit sa usapan namin.



"Excuse me, can I seat here?" tanong ng isa lalaki sa baritonong boses.



Ginagawa ng ugok nato dito?



"Francis? Anong ginagawa mo d-dito?"



"Wala lang, bawal bang makishare?"



"Hindi naman sa-"



"Yes, yes pwede kang makiupo anytime and Francis right?" biglang putol ni Daisy sa dapat kung sasabihin. "Yeah" maikling sagot ni Francis sabay upo sa tabi ng upuan ko. Wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang at nagpatuloy sa pagkain. Panay usap lang sila Daisy at Francis pero minsan sinasali nila ako pero puro tango lang ang sinasagot ko.



Eh sa wala akong gana bat ba!



Natapos na din sa wakas ang recess at bumalik na kami sa kanya kanya naming mga classroom. Hays klase na naman nakakapagod na magaral-joke lang kailangan ko pa maging isang ganap na abogado no!



Nagsimula na ang panghapon naming klase nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtataka man ay kinuha ko pa rin ito at mabilisang binuksan saka binasa ang text.



Kanino naman kaya galing to.



From Unknown number:


Be ready after your class. Cause today you will be surprise. See you at the gym.


Pinilig ko na lang ang ulo ko sabay balik ng cellphone ko sa aking bag. Baka na wrong send lang. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa klase. After a few hours and finally I must say na natapos na din ang klase namin sa araw nato. Bumaba na kami sa building namin at dederetso na sana nang maalala ko yung text kanina sa cellphone ko.



Tutuloy ba ako? Huwag na lang kaya? Baka scam lang yun o kaya wrong send lang. Bahala na susubukan ko na lang, wala naman mawawala kapag sinubukan ko.



"Daisy pwedi pasama muna? Hindi ka pa naman uuwi ng deretso sa inyo diba?"



"Why? May pupuntahan ka ba?" tanong niya.



"A-Ano kasi, may pupuntahan lang sana ako sa gym.."



"Huh? Anong gagawin mo don?" curious na tanong ni Daisy.



"Basta may titignan lang ako don pero kapag wala uwi na din tayo agad, tara na!" sabay hila ko sa kamay ni Daisy. Nagmamadali akong naglakad papuntang gym at ito naman si Daisy panay reklamo kasi bakit ko daw siya kinakaladkad. Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating na nga kami sa gym.



Agad kaming pumasok sa dun at pagpasok namin wala namang katao tao. "Pinagloloko kaya ako nong nag text sakin kanina?" I whispered.



"What? Wala namang katao tao dito Yana, come on let's go umalis na tayo. Ano namang gagawin mo dito sa gym. Wala naman katao tao." ani Daisy.



Bumuntong hininga ako saka nagpasyang aalis na pero may biglang kumanta sa may stage nong tumalikod na kami.



~♪"Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin"~♪



"Wait Yana? Narinig mo yun? May biglang kumanta girl and-Oh my gosh! Humarap ka girl dali! Humarap ka bilis! Gosh! Yiee! Omg Yana!" tili ni Daisy.



~"Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit"~♪



Dahil sa na curious din ako paglingon ko laking gulat ko kung sino ang nasa stage kaya napatakip na lang ako sa bibig ko dahil sa gulat.



Ano tong ginagawa niya? Totoo bato? Baka nanaginip lang ako. Shit!



---
Copyright © FlawlessBabyRose

I'm Still Into You (Dela Vera Series 1) | COMPLETED Where stories live. Discover now