Chapter 12

67 25 1
                                    

Coffee Shop



Tatlong linggo na kaming mag boyfriend at girlfriend ni Anton pero hanggang ngayon hindi pa din alam nila mama at papa pati na rin ni Cris na may boyfriend nako.



Hindi ko kasi alam kung pano sasabihin sa kanila!



"Hoy ate! Bakit tulala ka jan? Ok ka lang?" tanong sakin ni Cris dahilan ng pagkagulat ko.



"Ano kaba?! Bakit ka ba nanggugulat bigla!?"



Singhal ko sa kanya at ang walangya ko lang naman na kapatid ay may gana pang mang asar sakin. Bakit ba nandito tong ugok nato? Nasisira lang ang mood ko! Hayop!



"Wala lang trip ko lang, ano ba kasing ginagawa mo dito ate? Panay tulala ka jan nagmumukha ka tuloy'ng baliw."



"Tse! Huwag mo nga akong pakealaman. Dun ka nga Cris! Mas lalo lang nagiging pangit ang araw ko pag nakikita kita!"



"Wow nahiya naman ako sayo ate, parang hindi moko kapatid ah"



"Hindi talaga!"



"Sabagay pogi kasi ako pwera na lang sayo na panget na nga mukha pang alipunga"



Abay gago!



"Anong sabi mo?!" pasinghal kong tanong sa kanya sabay pinandilatan ng mata.



"Joke lang ate to naman hindi na mabiro. Pero teka lang ate may hindi kaba sinasabi sakin?"



Biglaang tanong ni Cris sakin na ikinalaki ng mga mata ko "H-Hoy! Wala akong tinatago sayo! Makabintang ka, wagas ah!"



"Sure ka? Wala talaga te?-"



"Wala nga kasi!"


"Hindi ate eh, may tinatago ka talaga sakin. Tapatin mo nga ako ate!" pagpupumilit niya.



Lakas naman makaramdam ng isang to!



Bumuntong hininga na lang ako tsaka siya sinagot "Oo na sasabihin kona! Kulit mo kasi!"


"Yan nice nice"


"A-Ano kasi.. Ano, may b-boyfriend nako.." I whispered.



"What?!" pasigaw niyang tanong sakin kaya sa inis ko ay pinalo ko siya sa balikat tsaka pinandilatan ng mata "Huwag ka ngang maingay jan! Mamaya baka marinig nila mama, tanga ka ba?!"



"P-Paano nangyari yun ate? Diba sabi ko sayo na kapag nagkaboyfriend ka dapat ako ang unang makaalam kasi kikilatisin ko muna yan kung karapat dapat ba yan sayo o hindi!"



"Shunga! Hindi pako mag aasawa gago! Tsaka anong kilatisin pinagsasabi mo jan. Huwag kang mag alala papakilala ko din siya sa inyo, naghahanap lang ako ng tiyempo no!" paliwanag ko.



Ilang minutong katahimikan ang namagitan samin bago ko narinig ang buntong hininga niya.



"Congrats ate. Masaya ako para sayo, kasi sa wakas may boyfriend kana. Sana lang huwag ka niyang saktan dahil ako talaga ang bubugbog sa kanya, tandaan mo yan te!"




"Sus yung kapatid ko nagfefeeling protective sa ate niya, halika nga dito payakap si ate!"



"Yuck kadiri ka ate! Ano ka ba may payakap yakap ka pa jang nalalaman! Huwag na!" sabi niya sa tonong parang nandidiri kaya sa inis ko ay pabiro ko siyang hinampas ng tatlong beses "Ah ganon? Tapos kung sa jowa mo pwede lang yumakap sayo tapos yung mismong ate mo na kapatid mo at kadugo, ayaw mong yakapin? Halika dito nanggigigil ako sayo"



I'm Still Into You (Dela Vera Series 1) | COMPLETED Where stories live. Discover now