my wendy

62 4 0
                                    

JAEJOONG POV

Yah! Bakit ka ba nambabatok!
Nakita ko na naman tong babaeng kulet na to.

Sabi ko sayo green ang ikulay mo di ba? Sana sinabi mo na colorblind ka pala. Aisht! Kainis ka eh! Umakmang babatok ulit. Tumayo agad ako.

Siya si Wendy. Classmate at leader ng group namin. Ok naman siya eh.
Maganda. Mabait pero kapag tinopak nakabatok agad.

Isang linggo na lang graduate na kami ng highschool. Konting pagti tyaga na lang mawawala na rin sa paningin ko ang bully na to.

Tiningnan niya ako ng masama.
Sabay kuha sa poster at pinunit!

Oh my..! Ipapasa na yan mamaya!
Bakit pinunit mo? Nanggigil kong tanung sa kanya. Inagaw ko yung poster baka sakaling magawan pa ng paraan.

Alam mo palang ipapasa bakit hindi mo inayos ang gawa mo? Nanggigil din siyang sumagot.

Abat! Siya pa ang galit.
Napakamot ng batok si Jimin at si Aoki. Mga ka grupo namin sila.
Alam na. Mukhang mababang grade namin sa Science.

Tumingala ako mentally nagbilang.
Hindi dapat ako magalit.
Steady ka lang Jaejoong.
Wag kang papatol sa babae.

Nasa labas kami ng room malapit sa canteen.

Ayos na sana eh.

Kaso mo lumapit si Wendy at
Boink!

Hinampas ako ng nakabilot na kartolina sa ulo.

Umakyat ang dugo sa ulo ko.
Akala yata ng babae na to palalagpasin kong ginawa niya eh.

Ano!? Nagagalit ka eh ikaw ang mali. Nakakuyom ang mga palad niya at nagpapadyak pa.

Dinalawang hakbang ko lang ang
paglapit sa kanya.

Hinila ko siya sabay hinalikan.
Nanlaki ang mata niya.
Nagpupumiglas pa pero I didnt let her go. Basta ang alam ko pinahiya niya ako sa harapan ng mga tao.

Hinawakan ko ang mukha niya
and I kissed her deeply.

Her lips is so soft.
As soon as my lips touch hers
I was surprised. Me something akong naramdaman.

I momentarily opened my eyes and I saw her eyes are closed.
I moved my mouth over her willing her to respond.

Then I heard her whimper.

Nagulat ako.
Tiningnan ko siya.
She was crying. Silently.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.
Yumuko siya. Saka ko lang napansin na marami na palang tao sa paligid.

Ah... Wendy... Hindi ko alam kung anung sasabihin.

Her shoulders are hunched and she looked like a loser on the ring.
Naglakad siya sa papapunta kila Aoki at Jimin.

Nakita kong me inilabas siyang isa pang poster at iniabot kay Jimin.
Tapos she ran away without looking back.

Gusto ko siyang tawagin.
Gusto ko ding humingi ng sorry.
Pero ang tanga ko, kasi pinairal ko
ang pride ko.

Serves her right!
Now she wont bully anybody anymore.

Napabuntunghininga ako.
Me mga lumapit at nag thumbs up sa akin. Mostly mga babaeng insecure
kay Wendy.

Sikat kasi siya for her beauty and brains sa school.

I should be happy.
So I showed off.
I showed people that what
happened didnt affect me a bit.

Lumapit ako kila Jimin at Aoki.

Mali ka pare. Sabi ni Aoki at umiiling na tiningnan ako.

She asked for it. Sagot ko naman.
Palagi na lang siyang ganyan.

But its your fault. Talaga namang green ang sinabi niya kanina.
Sabi naman ni Jimin.

So siya pang kakampihan nyo?
Palibahasa kasi di kayo ang pinahiya niya. Naiinis kong sabi.

Eh what did you do? Sagot ni Jimin.
Shes a girl. O baka dahil sa laki ng ego mo nakalimutan mo.

Inabot niya sa akin ang poster na hawak niya.

Tiningnan ko. Maganda yung mix ng colors. Sigurado kung ipapasa namin mataas ang grade namin.

Gawa na pala. Tinapos na niya.
Napuyat pa siguro siya kaya kanina panay ang hikab niya.

I felt a twinge in my heart.

Hindi ko na halos napansin ng magpaalam ang dalawa.
Nakatingin lang ako sa poster na ginawa niya.

Napabuntunghininga ako.
Mag so sorry ako mamaya.
Break time palang, may thirty minutes pa ako para makapag isip kung paano ko hihingi ng sorry.

Abutan ko kaya siya ng
nakabilot na dyaryo at magpahampas ako hanggang
mawala ang galit niya.

Last subject na pero walang Wendy na dumating. Ipinasa namin ang poster na ibinigay niya kanina.

I kept on looking at the door baka sakaling nandun lang siya sa gilid at nagtatago. Pero hindi siya dumating.

Inabangan ko siya sa "grad ball". May dala pa nga akong roses.
Pero hindi din siya umattend.
Naalala ko tuwang tuwa siyang ikinuwento kay Jimin na nakakita siya ng perfect dress para sa party.

She looked so happy then.
Her cheeks are flushed from excitement. Biniro pa siya ni Aoki na siya ang mapipiling "queen of the night".

Nangawit lang ang leeg ko sa kakasilip sa gate. Walang Wendy na dumating.

In fact she also didnt attend our graduation where she is our Salutatorian. Someone came after the ceremony to get her diploma and card.

I kept looking at the lady. Hawak niya ang toga para isoli.

I felt so guilty.
I approached her and waited till she finished talking to our adviser.

Maam. Nasaan na po si Wendy?
Tanung ko sa ale.

Umalis na sila. Sumama na siya sa kuya niya. Gusto nga sana ng kuya niya umalis kapag tapos na ang ceremony. Kaya lang umayaw na siya. Kagabi pa sila umalis sa Manila na siya mag aaral. Nagpaalam na ang babae ng makuha ang card at diploma niya.

Sinundan ko na lang ng tingin yung babae. Umalis na siya ng hindi man lang ako nakapag sorry.

Tiningnan ko yung hawak kong box. Ibibigay ko sana sa kanya.

Hay. Wendy.
Kasalanan ko.
May kasalanan ka din.
Pero bakit parang ang bigat sa dibdib ko na sisihin ka pa.


Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon