WithYou

13 1 0
                                    

Mula nuon, araw araw nang sinusundo at ihinahatid pauwi ni  Jae si Wendy. Nagkataon naman na na assign ang kuya niya sa malayo kaya hindi nag alala si Wendy na makikita sila nito.

" Magdala ka ng damit for three days.." Sabi ni Jae isang Biyernes.

" huh? Bakit naman?" Tanung ni Wendy. Pasakay na sana siya sa motor nito ng pigilan siya ng binata.

" may surprise ako sayo." Sagot ni Jae ng nag tu twinkle ang mata.

Napilitang sumunod si Wendy. Napaisip tuloy siya ng mga nangyari sa kanila nitong nagdaang linggo.

Kung saan saan niya niyaya si Jae pero hindi ito nagreklamo. Isang beses, nagpunta sila sa Pampanga at pinakain niya ito ng kamaro na isa sa delicacies ng lugar. Hindi niya malilimutan ang itsura nito habang nakangiwing kumakain ng mga ' fried insekto',gaya ng tawag niya dito.

Sa totoo lang lumalalim ang pagtingin niya sa binata. Sweet si Jae nuon pang high school ay ganun na ito sa kanya. Kahit na ilang beses niyang napahiya sa harap ng mga kaklase nila, iniingusan lang siya nito. Napahiya lang naman siya nito nuong linggo ng graduation nila marahim nasobrahan na ito sa pang bu bully niya. Saka bumawi si Jae. Hinhintay na nga lang niya na magtapat ito at sasagutin niya agad.


Pagkatapos mailagay ang damit sa backpack lumabas na siya ng bahay.


Youre so beautiful, naisip ni Jaejae habang nakatitig sa mukha ni Wendy. Nagsisi talaga siya na nasaktan niya ito nuong high school sila. Napaka taas kasi ng pride niya kayat muntik nang mawala sa kanya ang isang taong napaka espesyal.



Malapit na silang magtapos, ilang buwan na lang ang hihintayin. Nuon pa niya binabalak magtapat sa babae pero pinangungunahan siya ng hiya. Ikinatutuwa lang ni Jae na nanumbalik na ang closeness nila ng kanyang kababata.


" nagandahan ka na naman sa akin." Nakatawang sabi ni Wendy habang papalapit sa kanya.

Ngumiti si Jae. " hindi ah, ang hot ko kaya di ko kailangang magandahan sayo. Baka ikaw, nagu- gwapuhan ka sakin?" Nakataas ang kilay niya, nang aasar.


" you wish!" Sagot ni Wendy sabay irap. " tulo laway ka kaya sakin!"


Lakas ng tawa ni Jae na sinabayan ni Wendy.

Inabot ni Jae angbackpack at inilagay sa harap niya saka inalalayan niya ito na makasakay sa motor.

" kapit miss beautiful..." Sabi niya bago matulin na pinaandar ang motor.



May naisip na siyang gawin para mapasagot si Wendy kapag nagtapat siya. Siguradong matutuwa ito at iyon ang pinagahahandaan ni Jae. Gusto niyang makuha ang oo ni Wensy bago sila gumradweyt.






" i really hate her...."

Napataas ang ulo ni Wendy mula sa pagkuha ng tissue ng marinig ang boses. Hindi na niya napansin na may iabng tao na sa room. Nasa loob siya ng cubicle ng cr. Hindi na sana niya papansinin ang boses pero nagulat siya ng magsalita uli ito.


"  napaka pathetic. Imagine napahiya na siya nuong highschool tapos nag pauto na naman siya ngayon?"

" well sabi naman kasi nila Nick, nagkipagpustahan pa si Jae. One month lang makukuha niya ulit si Wendy." Sagot ng isa pang tinig. Kinabahan siya.



" One month lang ba? Eh lagpas na ah. Mahigit two months na..."


" yeah kaya nga nag uusap sila ngayon sa likod ng gym noh. Humihingi ng palugit si Jae.. Pero alam ko malapit na daw sumuko ang bataan." Nanliit siya sa narinig.



Sabay na bumunghalit ng tawa ang dalawa saka may tumunog na tila nag-apir pa ang mga ito bago narinig ni Wendy ang mga hakbang papalayo.


Napakawalan niya ang hininga na di niya alam ay napigil pala niya.


Hindi siya makapaniwala sa narinig! Si Jae, nakipagpustahan para makuha ang tiwala niya!


Napakagat labi siya at pinigilan ang nagbabantang pagtulo ng luha. Nagmamadaling lumabas siya ng cubicle.


Isang destinasyon ang tinatahak niya. Kailangan niyang malaman ang totoo.

Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon