Your Eyes

17 1 0
                                    


Napatayo si Wendy matapos ng speech ni Jaejoong at naramdaman niyang tinapik ng kuya niya ang balikat niya. Nakangiti itong tumingin sa kanya saka siya bahagyang itinulak papunta sa stage.

" be happy sis..." Bulong nito sa kanya at napangiti si Wendy.


Naramdaman niyang nasasabik ang mga tao sa paligid niya at di niya napigilang di lumingon sa paligid. Halos puno ang auditorium. Marami raming estudyante at professors ang nanunuod sa kanila.

Tumayo na rin si Jaejoong at nakatingin sa kanya habang papalapit siya sa stage.


Nakita niyang nakangiting lumabas sa telon at humilera sa likod ni Jae sina Nick at Weng pati na ang mga cast ng drama.

Lahat naghihintay ng reaksiyon niya. Seryosong nakatingin siya kay Jae. Malungkot naman ang mga mata nito.

Huminto siya sa may hagdan saka nagsalita.

"Akala mo ba ganun kadali na patawarin ka Jae? " malamig ang boses niya ng magsalita.

Tahimik ang buong auditorium.

" Wendy..."

Itinaas niya ang kamay at huminto si Jae sa pagsasalita.

" Pinaiyak mo ko. Sinaktan mo ko nuong pinahiya mo ko sa lahat. " napapikit si Jae sa sinabi niya at halatang nagsisisi ito.

" nuong nag enroll ako dito sa school, sinabi ko sa sarili ko na hindi na mauulit yun. But I was wrong...kasi naulit ulit. Ikaw na naman ang gumawa. You played with my feelings and embarassed me in front of so many people. Ito...akala mo ba nakakatuwang mapanuod ng mga tao na ito habang nag so sorry ka diyan?"

Napatungo si Jae at bumagsak ang balikat nito. 

" Hindi ko naman sinabing gawin mo to." Sabi niya at humakbang siya paakyat sa stage.

Tinitigan niya si Jae at pinigilang mapangiti ng makita niyang nangingilid ang luha sa mga mata nito.

" a-akala ko kasi...mas ok kung mapapahiya ako sa harap ng mga tao... Para patas na tayo. Para maipakita kong nagsisi na ako sa nagawa ko Wendy.. Everytime I look in your eyes, I die a little bit. I wanted to tell you so much....." Tila nagsusumamo ang boses ni Jae.

" mahal kita..."


Lumuhod si Jae sa harap niya.
" Im so sorry.."

Naputol ang sasabihin nito ng magsalita siya.



" kuya.." Malakas ang boses na tawag niya sa kapatid saka lumingon dito. " close your eyes!"


Hinarap niya si Jae. Lumuhod siya sa harap nito saka ito hinalikan. Simpleng dampi lang sana ng mga labi ang gagawin niya.  Nabigla pa si Jae nuong una pero nakabawi din ito agad. Kinabig siya nito. Hindi siya makawala ng halikan siya nito. He deepened the kiss. Napapikit si Wendy.



May tumunog sa utak niya na maraming taong nakakakita sa halikan nila. Saglit siyang natigilan bago muling nag relax. She doesnt care. Hinayaan na niya kung anung iisipin ng mga tao. Mas importante na nagkasundo na sila.

Tahimik na tinitigan niya si Jae ng maghiwalay ang mga labi nila.


" Ilove you Wendy..." Madamdaming sabi nito at ngumiti siya. Hahalikan pa sana ulit siya ni Jae pero nagulat sila ng sumigaw ang kuya niya.


" cut na !!" Nakatawang sabi nito.


Nag bow ang buong grupo at nagpalakpakan ang audience. Inalalayan naman siyang tumayo ni Jae saka inakbayan.















Five  years later...


" where are you?" Tila naiinis na tawag ni Jae at nagtakip ng bibig si Wendy para hindi nito marinig ang pagtawa niya.


" daddy ambagal mo naman!"
Narinig niyang sambit ni Britanny.


" eh magaling magtago si mommy!" Sumilip siya mula sa pinagtataguan at nakita niyang nagkakamot ng batok si Jae habang naka cross arms naman ang anak nila na nakatingin dito.



"Iiwan ka namin kapag di mo nahanap si mommy!" Nagbabantang sabi ng pilyang bata saka lumingon sa pinagtataguan niya. " di ka namin isasama sa star city!"


Napalingon si Jae sa pwesto niya at nakita niyang napangiti iyon.
" Paano pag nahanap ko si mommy baby? Ikaw ang di namin isasama ha?" Sabi nito at sumimangot si Brittany.


Nagdadabog na umalis ito. " di na kita bati!!"

Nilapitan ni Jae ang pinagtataguan niya saka siya hinila palabas.

Nakatawang niyakap niya ito.
" lagot ka ke Jade daddy. Inasar mo naman ang anak mo."

" hayaan mo siya carousel ride lang ang katapat niyan. " sagot nito. Inilagay niya ang buhok ni Wendy sa likod ng tenga niya.
" I miss you mommy..."


" sus wala pang isang oras mula ng magkita tayo ang arte mo daddy.." Natatawang sabi niya dito.

" I always want to see you and look in your eyes..." Madamdaming sabi ni Jae saka siya marahang hinalikan sa labi.

Pumikit si Wendy. Ninamnam ang halik ng asawa niya.


One year ang hinintay nila bago sila nagpakasal ni Jae matapos ang graduation.

Agad naman silang nagkaanak. Yun nga lang di na masusundan pa si Britanny Jade. Nakunan kasi siya sa pangalawa nila at nagkakomplikasyon ang matris niya. Ayos lang naman kay Jaejoong.

1...2...3....
Hindi na siya nagulat ng hilahin ni Jade ang kamay ni Jae at paghiwalayin sila. Kinarga niya ang anak.


" andaya mo bakit ka nagpakita?" Naka pout na sabi nito.

" baby...siyempre di naman pwede na magtatago ka ng matagal kapag love mo ang isang tao." Sagot niya. Inakbayan siya ni Jae at sabay silang naglakad palabas ng bahay papunta sa kotse.

" talaga mommy? Ako din love mo? " tanung nito at tumango siya.

" love ka din ni daddy.." Sabi naman ni Jae. Ngumiti si Britanny at hinalikan sa pisngi ang daddy niya.

" paglaki ko gusto ko din ng love ko daddy... Tapos sa carousel kami mag papakasal.."

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na natawa. Hinaplos ni Jae ang pisngi ng asawa bago pinaandar ang kotse.

Saka na niya iisipin ang pangarap n kasal ni Britanny. Masaya siya na nasa kanya ang dalawang taong importante sa buhay niya. Wala na siyang mahihiling pa..



----------
date ended: 112915

-----------



Thanks for reading the story...!

dedicated to @wendyjung...
Jagiya take care always!

~princess_piglet


Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon