new me

22 3 0
                                    

"Matulog ka na."
Napalingon si wendy sa kuya niya. Kanina pa siya nakatingin sa labas ng bintana at nakatitig sa driveway.

Lumapit ito at ginulo ang buhok niya.
"Ok ka lang ba wendy?"

" Oo naman kuya" sagot niya dito na nakatawa.

Tinitigan siya ng kuya niya at nagbuntunghininga.
Nang tumanggi itong umattend sa Grad ball nila matapos makabili ng damit nagtaka na siya kayat pumunta siya sa eskwelahan ng gabi ng party.

Itinuro sa kanya ng kaklase nito si JaeJoong at ikinuwento ang pangyayari isang linggo bago ang graduation nila

Halatang may hinihintay ito dahil panay panay ang tingin sa gate.
May hawak itong isang pumpon ng rosas na puti.
Kitang kita sa mukha nito ang pag ka dismaya ng hindi dumating ang hinhintay nityo. Di kaya si Wendy ang hinihintay niyon?

Nagkwento din ang tita nila na may nagtanung daw sa kanya na kaklase kung nasaan si wendy. nang itanung niya ang hitsura nasiguradong niyang si Jae Joong nga.

Napailing siya.
Pumasok na siya sa loob ng kwarto ng makitang pumasok na din si Wendy sa kwarto niya.




Kanina pa siya nakahiga at nakatitig sa kisame pero hindi talaga siya makatulog.
Naaalala niya si Jae Joong at ang ginawa nito sa kanya.

Napahawak siya sa labi.
First kiss niya yon. At hindi niya akalaing ganun lang mangyayari. inimagine na niyang romantic ang first kiss niya at ibibigay niya iyon sa Grad Ball.

Kasalanan niya.
Naiinis siya kay JaeJoong. Pero naiinis din siya sa sarili niya. talagang noon pa naman ay pisikal na talaga siya lalo nat nagkamali ang mga kaklase niyang lalaki.
tapos na ang project pero pinagawa niya pa rin ang mga ito para sana may comparison sila kung alin ang mas maganda.

Inis na inis siya nuon dahil itinirik lang nito ang mata ng magumpisa siyang mag sermon.

Hindi niya akalaing hahalikan siya nito.
Hindi na siya makabalik sa eskwelahan sa kahihiyan. Kahit sa graduation niya.

Tumayo siya at tumingin sa salamin.
College na siya sa susunod na pasukan.
At kung ang mga makakakaklase niya sa kolehiyo ay katulad ni Jae Joong kailangang baguhin niya ang kilos niya. Ayaw na niyang muling mapahiya sa harap ng maraming tao.

Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon