Disastrous Relations

8 1 0
                                    

Tahimik ang buong paligid ng marating ni Wendy ang likod ng gym.

Nagdalawang isip pa siya na baka namamali lang siya ng narinig. Ang daming Jae, Wendy at Nick sa campus nila.

Si Nick ay blockmate ni Jae at leader ng isa sa mga fraternity sa campus. Mabait ito sa kanya. Madalas din niya itong nakikita na kausap ni Jae sa corridor kapag lumilipat siya ng classroom.


Aalis na sana siya ng marinig niya ang dalawang boses na nagtatalo.

" Anung problema mo ?!" Nangagaliiting tanong ni Jae matapos itulak palayo si Nick na ikinatumba nito.

" Ikaw ang hindi sumunod sa usapan! " sigaw ni Nick habang tumatayo.


" di ba sabi ko isang linggo na lang?" Bakas pa rin ang inis sa boses ni Jae at nakita ni Wendy na bukas sara ang kamao nito.


" sinabi mo rin yan last week. Anu ba lalaki ka ba talaga? Simpleng bagay lang di mo magawa?!"

Pumatak ang luha sa mata ni Wendy. Kung proof ang hinahanap niya ito na iyon. Nasa harap na niya ang ebidensiya ng panloloko ni Jae. Bakit ba kasi nagtiwala siya ulet?


Nagmamadaling lumakad siya palayo. Kailangan niyang maunahan si Jae na makalabas ng campus. Hindi niya tuloy napansin ang isang babae at nabangga niya ito.

" okay ka lang ba?" Tanung ng babae matapos siyang alalayan.

Napataas ang tingin ni Wendy. Ito ang boses na narinig niya kanina sa cr. Nag aalala ang mata nito.

" may masakit ba sayo?" Tanung ng babae at napailing siya. Bakit nagpapanggap ito ngayon sa harap niya? Kanina lang dinig na dinig niya ang panlalait sa boses nito.


Itinulak niya ang babae saka nagmamadaling tumakbo palayo. Hindi niya nakikita ang dinadaanan niya dahil hilam sa luha ang mata niya.

Nagkamali siya ng hakbang at napaluhod siya sa lupa. Hindi na niya inisip kung me nakakakita na sa kanya o wala. Umiyak na lang siya ng umiyak.


" Wendy..."

Dalawang kamay ang humawak sa balikat niya at inalalayan siyang tumayo. Bago pa nakakilos, isang malakas na sampal ang binitawan niya. Napaatras si Jae.



" masaya ka na?" Puno ng hinanakit na tanong niya kay Jaejae. " hindi pa ba sapat na pinahiya mo ko nuon,hanggang ngayon pa rin ba?"


" Wendy..a-anu bang sinasabi mo?" Tanung ni Jae na puno ng pagtataka ang mukha.


" alam ko na nakipagpustahan ka kay Nick. Alam ko na pinaglalaruan mo lang ako!" Galit na sinabi niya dito.



Namutla si Jae at tumulo ang luha sa mga mata niya. Iniisip niya na itatanggi iyon ni Jae pero heto obvious na alam nito ang sinasabi niya.


" A-akala ko totoo na yung pinapakita mo Jae..." Malungkot na sabi ni Wendy na napapailing. Pinahid niya ang luha sa mga mata. Nakita niyang papalapit si Nick sa kanilang dalawa.


" Jae...Wendy..." Tawag ni Nick pero umiling si Wendy at saka naglakad palayo.

" huwag mo na kong kakausapin. Ayaw na kitang makita!" Sabi niya kay Jae na tila natulos na kandila sa kinatatayuan nito. Samut saring emosyon ang nakikita niya sa mukha nito. Pag aalala, sakit at panghihinayang.


Dapat lang na manghinayang ka Jae. Naisip ni Wendy. Hinihintay niyang pigilan siya nito, humingi ng tawad at magpaliwanag na nagkamali ito nang makipagpustahan. Na ang totoo ay mahal na siya ni Jae. Wala na itong pakialam sa pustahan. Kung sasabihin ni Jae sa kanya ang ganun, magpapatawad siya. Hindi niya kasi maikakailang nahulog na siya ng tuluyan sa kababata at mahal na niya ito ngayon.

Pero hanggang sa makalabas siya ng campus, walang Jae na humabol at nag sorry sa kanya. At sa dami ng tao na nakatingin sa kanila sa quadrangle kanina, tila naulit ang pangyayari nuong high school siya.

Pinagtatawanan na naman siya.








Isang linggo siyang hindi pumasok sa eskwelahan. Nakatanggap siya ng text message mula kay Jae. Pinapapasok siya at magpapaliwanag daw ito. Pero para sa kanya huli na. Lumagpas na siya sa deadline na hinihintay ni Wendy. Kung anuman ang sasabihin nito hindi na siya maniniwala.

Nag message din sa kanya si Nick na ikinagulat niya. Malamang na nakiusap si Jae dito. Nag sorry ito kung nasaktan siya sa nalaman niya pero magpapaliwanag daw ito. Sa inis, binura lang niya ang mga message saka in off ang phone niya.

Dumating ang kuya niya kinabukasan. Nakahiga lang siya sa kama at nakatitig sa kisame ng kwarto niya.

" Wendy..." Tawag ng kuya niya ng umupo ito sa tabi niya. Nilingon niya ito. " hindi ka daw kumakain sabi ni manang." Hinaplos nito ang braso niya.


" bakit ganun kuya?" Hindi niya napigilang magtanong. " mabait naman ako. Wala naman akong sinaktan. Siguro nga makulit ako nuong highschool at medyo bully, pero... Ang unfair naman na masaktan ako ng ganito." Tumulo ang luha sa mata niya.


Pinahid nito ang pisngi niya. " Wendy me mga bagay na akala natin totoo pero nagkakamali tayo." Sabi ng kuya niya. " kumain ka, huwag mong pabayaan ang sarili mo. Nuong high school ka ng mangyari yan, nalagpasan mo di ba?"


Napatingin siya sa kuya niya. " alam mo..?"


Bumuntong hininga pa muna ito bago sumagot.

" alam ko. Nakausap na ako ni Jae."

Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon