Napabuntunghininga si Wendy.Hindi na siya bumalik sa paborito niyang puno. Bakit ba kasi nandito si JaeJoong.
Hanggang dito ba naman guguluhin niya ako?
Hinintay kita sa classroom..
Hinintay din kita sa ball....Siguro nga kasi kulang pa yung pagpapahiya niya sakin
Sinung lolokohin niya.
I saw his eyes. Pati yung pagngiti niya sa mga babaeng nag thumbs up sa kanya.Pinahid ni Wendy ang pisngi niya.
Naiyak na naman siya.
Natanaw niya si Jae Joong na nasa paborito niyang puno. Lingon ng lingon.Dumiretso siya sa library sa CAS building. Nagiba na din siya ng pinupuntahang library ayaw niyang makita pa ito. Tama nang tahimik ang buhay niya. Hindi niya kailangan ng panggulo sa pag aaral niya.
Tahimik na nakatanaw si Jae kay Wendy. Kahapon pa niya ito sinusundan. Nag iba na ito ng tinatambayan ay medyo na guilty siya. Kasi talagang malayo ang iniikutan nito para lang makaiwas sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit nagaaksaya siya ng panahon dito. Pero hindi naman niya mapigilan ang sarili niya.
Dahil lang ba nagi guilty ako sa nangyari Wendy?
Hanggang matapos ang second year nila. Hindi na ulit naka pag usap sila Jae Joong at Wendy.
BINABASA MO ANG
Your Eyes
Romancethis is the story of Wendy and Jaejoong. sila ang makukulet na parents ni Britanny Jade na nainlove kay John sa story ng magbestfriend na sila Sam at WooBin...