Thank you sa mga nagbabasa at naghihintay ng update. Pasensiya na it took a long time to update ang dami kong story at natabunan na siya. But I promise a wonderful ending.
Comment and vote if you like.
~princess_piglet
-----------
Chapter : Your Eyes
Isang buwan ang matuling lumipas matapos ng pakikipag usap niya sa kuya niya. Hindi daw siya kasi makontak ni Jae kaya naman nagsadya ito sa kanila ng araw na dumating ang kuya niya. Hindi niya alam dahil hindi naman siya lumalabas ng kwarto.
" nag aalala siya na baka ulitin mo ang ginawa mo nung high school. " naalala pa niyang sabi ng kuya niya habang naglalakad papunta sa locker niya.
Nag alala din pala si Jae. Na guilty siguro ang ga*o.
Kahit na magkaklase ay iniwasan niya si Jae. Hindi na rin ito nagtangkang lumapit muki matapos niyang sigawan. Wala na siyang pakialam sa iisipin ng mga kaklase niya. Ibinalik na niya ang dating Wendy na walang paki kung may masagasaan ang walang preno niyang bibig. Basta nasa tama siya sinasabi niya ang opinyon niya.
Nakikita niyang tinititigan siya ni Jae kapag nasa classroom sila pero dinidedma niya lang. Inayos niya ang pag aaral. Madalas na nakatulala siya sa library sa pagitan ng mga klase niya. Hindi na siya tumambay sa ilalim ng paborito niyang puno. Alam niya kasi na aabangan siya ni Jae duon. Mas madalas na nakaupo siya sa couch sa library habang nakabukas ang isang libro sa harap niya. Pero hindi naman siya nagbabasa. Nag iisip lang siya at nalulungkot.
" Pwedeng tumabi?"
Napalingon si Wendy sa babaeng nakatayo sa harap niya. Hindi na niyon hinintay ang sagot niya. Umupo na lang ito bigla." why do you keep yourself miserable?" Tanung nito at nagtatakang napalingon siya dito.
" Im sorry, I dont understand what youre...."
Natawa ang babae at namukhaan ito ni Wendy. Ito yung babaeng nanlait sa kanya sa cr!
"I see naalala mo na kung sino ako.." Sabi nito at napatango sa reaksiyon niya. " Wendy...mas masaya ka ba na mag isa ka lang palagi? Oo maaaring safe nga kasi walang makakapanakit sayo pero malungkot mag isa di ba?"
Naningkit ang mata ni Wendy pero hindi siya kumibo. Itinuon niya ang mata sa librong nasa harapan niya. Anu bang alam ng babaena ito sa kanya? Hindi naman siya nito kilala ng personal.
"Feeling mo inapi ka dahil nasaktan ka. Pero kung ibinukas mo lang ang isip mo sasaya ka." Patuloy nito.
" shut up." Sagot ni Wendy. " shut up dahil wala kang alam!" Pinigilan niyang mapalakas ang boses. Nasa library sila atmaraming estudyante ang nag aaral para sa finals.
" on the contrary, marami akong alam sayo. " sagot nito at napatitig siya sa mukha ng babae. " Im Weng. Classmate ko si Jae at si....Nick. Nagtataka ako kung sino bang pinagtatalunan nila. Ikaw lang pala. "
Nagpatuloy ito ng di siya kumibo.
" Jae likes you. Nagawa pa niyang sapakin si Nick. " natawa ito. " No, actually he loves you so much. "
" kaya pala pinaglaruan niya ako ganun ba?" Sarcastic niyang sagot dito.
" my gosh! An tagal na nuon. Highschool pa kayo! Mag move on ka na dahil iba na si Jae ngayon." Sabi ni Weng at tinigan siya. Biglang nagliwanag ang mukha nito. " oh you might be referring to what you heard sa gym?"
Inirapan ni Wendy ang babae saka nag tune out sa sinasabi nito. Hindi niya kailangang makinig sa kung anumang pinagsasabi nito. Shes had enough of Jae. Tama ng nasaktan siya at patuloy na nasasaktan. She doesnt want to be a fool anymore. Pagtatawanan na naman siya ng mga tao sa paligid niya kapag nakipag kasundo siya dito.
"....you will miss out on everything." Narinig pa niya ang sinabi ng babae bago siya nito hinablot.
" ouch!" Daing niya ng bumaon ang kuko nito sa braso niya.
" sorry...di kasi nakikinig." Sabi nito matapos siyang bitawan.
" Weng..." Sabay silang napalingon kay Jae. Nakatayo ito sa tapat nila at nagpapalit palit ang tingin nito sa kanilang dalawa. Hindi nakaligtas kay Wendy ang pagtingin nito sa braso niya.
Agad na lumapit si Jae. " May sugat ka.." Sabi nito tapos hinimas ang braso niya. Napapiksi si Wendy.
Binalingan nito si Weng. " bakit mo siya sinaktan?!" Maydiin ang boses nito at nakita niyang nangilid ang luha sa mata ni Weng.
" sinasabihan ko lang naman siya. " tila batang sabi nito. " she needs to know how foolish she is. Tapos sa akin ka pa nagagalit. Jerk! " nagmamadaling tumayo si Weng at lumabas ng library matapos kunin ang gamit.
Naawa naman si Wendy sa babae. Nagsorry naman kasi ito at alam niyang sincere ito ng magsabi sa kanya. Nainis lang talaga dahil di siya nakikinig.
Tiningnan niya si Jae at nakita niyang na guilty ito nang tumakbo palayo si Wend. Sila na ba? Siya ba ang girlfriend ni Jae? Napailing siya sa naiisip. Wala kang karapatang alamin Wendy. Sansala niya sa sarili.
" habulin mo ang girlfriend mo Jae. Nag sorry naman na siya sa akin. Dont mind me. Sanay ako na nasasaktan." Walang lingon likod na umalis siya at iniwan ang nakatulalang si Jaejoong.
BINABASA MO ANG
Your Eyes
Romancethis is the story of Wendy and Jaejoong. sila ang makukulet na parents ni Britanny Jade na nainlove kay John sa story ng magbestfriend na sila Sam at WooBin...