Six

135 5 0
                                    

"Liligawan kita, Tootsie. Sana okay lang sa 'yo."

Akala ko, nagha-hallucinate lang ako. Nakailang kurap pa ako para kumpirmahin ang nabasa ko. Binasa ko pa nang malakas pati mga detalye ng message mo. Pero sa 'yo talaga galing, e. FROM: IVAN talaga 'yung naka-flash sa screen ng cellphone ko.

"Eh?" mabilis kong reply.

"Is that a yes?"

"I guess so." Waaaaa! Hindi ko mapigilang kiligin! Sa wakas, hindi lang pag-ihi ang makakapagpakilig sa akin nang bongga!

Dali-dali akong kumilos at naghanda para sa pagpasok. Sinigurado kong maganda ako hindi lang sa paningin ko kundi sa paningin rin ng iba, lalong-lalo na sa paningin mo.

Lord, salamat po! Ilang sem ko na 'tong inaabangan. tahimik kong usal habang masiglang nagsa-swipe ng ID.

"Good morning, Manong!" bati ko sa guard na mukhang 'di naman ako kilala. Pinangunutan lang niya ako ng kanyang malapad na noo.

Hindi pa rin mabura sa isip ko ang 'good morning' text mo sa akin. Hindi mo ako masisisi. Noon ngang hindi mo pa ako pinapansin, kinikilig na ako. Ngayon pa kayang, ehem, nililigawan mo na ako.

Shit. Tanggap ko nang nililigawan mo na ako. Emegedschxhz.

Umiling-iling ako na parang tanga. As if effective 'yon na pampalis ng thoughts ko tungkol sa 'yo.

Matatanggal na sana ang ulo ko sa kakailing nang biglang tumama ako sa kung saan. Agad akong napaatras at nakita kong bumakat ang lipstick ko sa pinagbungguan ko.

"Sorry, sorry," sabi ko habang nangangarag na pinupunasan ang 'di ka-macho-hang dibdib ng kung sino mang... WATDAFEKS!

"Sorry, sorry. Sorry talaga." Pakiramdam ko ay iha-hire na ako ng Korean boyband na Super Junior sa dami ng nasabi kong 'Sorry.'

"Okay lang," sabi mo matapos igalaw ang kamay mo, na nasa likuran ko, papunta sa kamay ko na nakahawak sa 'di ka-macho-han pero napaka-cute mong dibdib.

WAIT! Galing sa likuran ko ang kamay mo?!

Napansin mong napansin ko iyon. Kitang-kita ko na naman ang pamumula mo. "Okay na," kambiyo mo. Agad ko rin namang inalis ang kamay ko na feeling nakahawak sa bare chest mo e may damit ka naman.

"Pasensya na," ulit ko. Nakakahiya naman. Baka isipin mong atat na atat ako sa 'yo por que sinabihan mo akong liligawan mo ako.

Narinig kong bahagya kang tumawa. Hindi ko alam kung para saan 'yun. "Sorry rin. Akala ko kasi, gusto mo ring yumakap. Sige, kita na lang tayo sa Math class," sabi mo at tumalikod ka na. Lumapit ka pa doon sa kaibigan mong nakatitig sa 'yo. Nagulat yata sa eksena natin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa building ng department natin. Lakas mong maka-teaser. Kailangan talaga mayroon sa umaga por que last class ang Math subject? Pero aarte pa ba ako? Ikaw na 'yun, e.

Sa huling pagkakataon, bago ako tuluyang um-attend sa first subject ko, nilingon kita. Nakita kong may ipinapaypay kang illustration board. May babaeng lumapit sa 'yo at kilig na kilig na niyakap ka.

Lintek. Halos liparin ko ang kinaroroonan mo nang makita ko ang board na hawak mo.

FREE HUGS.

IT'S CONSTIPATED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon