Seventeen

71 3 0
                                    

Ilang beses mo akong pinipilit sabihin ang pinag-usapan namin ng kaibigan mo at ilang beses ko na ring sinabing manahimik ka. "Trust me on this, Bae," biro ko sa 'yo. Unti-unti ka na namang namula. Ang sarap mo tuloy hawakan sa tainga.

Nang sinabi ko sa 'yo 'yon ay tumigil ka na sa pangungulit.

Naalala ko na naman 'yung senaryo namin ni Evan kahapon. Hindi niya ako hinabol nang mag-walk out ako. Nag-text lang siya na lalo kong ikina-guilty.

'If that someone you're talking about is Emman, I'm fine with it. I'm okay with competition. I'm a sport. I'll continue courting you.'

'Tama na, please.'

Napabuga ako sa frustration. Napansin mo 'yon kaya naman tinanong mo kung okay lang ako. Tumango ako at humilig sa balikat mo. Paalis na bus. Uuwi na ulit tayo.

Tulog lang ako sa kalahati ng biyahe. Nagigising-gising ako kapag medyo napapahilig ka din dahil sa antok. Gahd! 'Di ko mapigilang humanga sa cute mong pilik. Medyo nayuyupi pa 'yung pisngi mo kasi nakahilig ka sa balikat ko. E ang liit-liit ko kumpara sa 'yo.

Medyo naaalimpungatan ka sa tuwing sumasampa sa humps ang bus. Nangyari pa nga na nagising ka nang kaunti pero bumalik din. Aba't yumakap pa.

Naku! Huwag mo akong maganyan-ganyan. Ikaw ang kawawa kapag 'di ako nakapagpigil!

Nang huminto na ang bus para magbaba ng pasahero ay nagulat ka pa sa paligid. Napakamot ka sa ulo nang mapansin mo ang kamay mong halos pumulupot sa akin.

"Sorry," sabi mo at akmang tatayo na para makibaba na rin.

"Kumusta tulog?" Napangisi ako at namula ka na naman. 'Di ka sumagot dahil alam mong pinagti-tripan na naman kita.

Eksaktong maghahapunan na nang makarating tayo sa bahay na tinutuluyan namin. Kahit nagsabi ako kay Mama na dadalhin kita ulit doon ay hindi pa rin siya makapaniwalang naroroob ka ulit.

Nagmano ka kay Mama. Napaiwas ako ng tingin nang tiningnan niya ako. "Buti pa ang batang are, magalang. Sarili kong anak, hindi namano sa akin, e," parinig niya.

Ngumuso lang ako at hindi tuminag sa kinatatayuan ko. Ayoko ngang magpakitang-tao. Hindi dahil nand'yan ka, e magkukunwari akong magalang. Basta hindi ako sakit sa ulo ni Mama, okay na 'yun.

Pumunta ako sa bakanteng kuwarto. Sinigurado kong malinis doon kasi doon ka matutulog. Sinundan ako ni Mama. Matatalim ang titig niya sa akin.

"Ikaw, Tootsie, atupagin mo 'yang pag-aaral mo. Ayokong nagbo-boyfriend ka agad," mahina pero nagbabanta niyang sabi.

"Hindi ko po siya boyfriend. Kaibigan ko lang."

"Siguraduhin mo. Dahil maglalakad ka talaga sa kalsada nang walang kasuot-suot kundi 'yang kapal ng mukha mo."

"Ma naman!" saway ko.

"Sinasabi ko laang sa 'yo. Pigil-pigilan mo 'yang kapilyahan mo. Ayaw kong malalamang umiiyak ka dahil sa lalaki habang napasok ka pa. 'Wag mong sirain ang buhay mo."

Ngumuso ako sa banta ni Mama.

Ako pa! Yakang-yaka. Hindi mo naman ako sasaktan, 'di ba? I know you're a good person. Halata naman sa mga kilos mo. At saka... you impliedly agreed on marrying me. I am not imagining things, right?

IT'S CONSTIPATED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon