Thirty (Still Constipated?)

116 4 7
                                    

"Emman," rinig ko ang boses ni Sabrina mula sa labas. Ramdam ang lungkot niya sa pagtawag sa 'yo. "I think we need to go."


Ilang oras ang lumipas pero hindi ako lumabas ng bahay. Kung ano ang itinapang ko noon, siyang ikinaduwag ko naman ngayon.


"I'm staying here, Sab. Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ni Sapphire." Nakaupo ako sa gilid ng pintuan at nakasandal sa pader. Dinig ko ang frustration sa boses mo. Nasasaktan ako pero mas nasasaktan ako kay Sabrina. May anak kayo pero nandito ka sa labas ng bahay ko.


Yumuko ako at sumubsob sa mga tuhod ko. Nagugutom na ako dahil ilang oras na akong hindi makalabas sa takot na harapin ka. It sounds stupid. Well, I am stupid... basta pagdating sa 'yo. Hinalungkat ko ang bag ko at pinapak ang isang pakete ng Milo doon. I'm really starving. There's no inappropriate situation when you're hungry.


"Baka ayaw niya pang makipag-usap sa 'yo. Intindihin mo siya."


"Just, please, leave. Aalis ako kapag nakausap ko na siya."


Muling nabalot ng katahimikan ang paligid. Tumayo ako para magpunta sa kusina at kumuha ng maiinom. Bago ako makakilos, narinig ko ang pagkabuhay ng makina ng sasakyan. Sinamantala ko iyon para sumilip sa bintana. Humarurot ang isang itim na Tucson. Tinted iyon kaya hindi ko alam kung ilan ang sakay.


Nakalimutan ko nang uminom nang narinig ko ang boses mo. "Tootsie. Please open the door." Desidido ka talagang kausapin ako. "Sisirain ko 'tong pintuan kapag hindi mo binuksan. I know you're in there."


Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa puwesto ko kanina. Puwede ko naman sigurong pakinggan ka kahit hindi tayo magkaharap. Nakatingkayad ako habang lumalapit, natatakot na gumawa ng ingay. Yumuko ako para maupo na. Malapit na malapit na ako sa pintuan nang bigla iyong nagbukas.


"Aray!" sigaw ko sabay sapo sa noo ko.


"Tootsie?" nagulantang na tanong mo. Fudge. Nasabi ko na bang tatanga-tanga na lang lagi ako sa harap mo? Need I say more?


Lumapit ka sa akin at alalang-alala sa ulo kong tumama sa door knob. Hindi ko mapigilang ngumiwi sa sobrang sakit. "Sorry. Sorry. Hindi ko alam na nand'yan ka lang." Inalalayan mo ako para tumayo at pumunta sa kusina.


"Wala d'yang yelo," kumento ko nang nakita kitang hinahalughog ang ref. Kakabalik ko lang kaya wala pa masyadong silbi ang mga gamit sa bahay.


"Ano'ng ginagawa mo sa pintuan kanina?" tanong mo nang may pag-aalala. Nakita kong hinugot mo mula sa bulsa mo ang isang panyo. "Buti na lang gumagana 'tong water dispenser." Kumuha ka ng cold water doon at binasa ang panyo mo.


"Just checking some termites," palusot ko.


"I had the house condition checked." Lumapit ka at hinahaplos ang bukol sa noo ko. Napataas ang kilay ko sa sinabi mo pero nakalimutan ko kaagad 'yon nang muli kang magsalita. "Masakit ba?" Dinampi-dampi mo ang basang panyo sa namumula at namumukol kong kalaparan.


"Masakit... sobrang sakit." We both know that I wasn't talking about my forehead. It was something inside. Alam mo 'yung pakiramdam na basag na basag 'yung puso mo noon at ilang taon ang iginugol mo para ibalik ang bawat piraso nito tapos mare-realize mo na hindi na pala iyon kasing-tibay ng dati? Isang kalabit lang ay maaari na ulit itong mabasag. Kasi may space doon na nawala. Parang upuan na kulang ng isang paa, masasaktan at masasaktan ka kapag ginamit mo iyon.

IT'S CONSTIPATED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon