Fourteen

71 3 0
                                    

Halos dalawang araw ang inilagi mo sa amin. Gustuhin ko mang sabihin na sa amin ka magbakasyon pero hindi puwede.

"Taga-rito ang napangasawa ng Kuya ko," kuwento mo habang naglalakad tayo. May kalayuan ang bahay namin buhat sa highway. Kapag papasok, madali lang. Pero kapag palabas, madalang lang ang tricycle na dumadaan.

"Dito mismo?"

"Hindi ko alam. Taga-Batangas din, e. Pero hindi sila dito nakatira. Nasa Italy sila."

"Sayang."

"Bakit naman?"

"E 'di kung may kamag-anak kayo dito, puwede ka na ring magbakasyon dito. Mabibisita mo na ako," biro ko sa 'yo na sinundan ko nang paghalakhak.

"Psh," usal mo at bumaling sa iba ang paningin.

Nang sa wakas ay nakarating tayo sa bukana, nag-abang pa tayo ng jeep para makarating sa highway.

Tahimik ka sa buong biyahe. Nilibre mo ako ng snacks at pamasahe. Inihatid mo pa ako hanggang sa dorm na tinutuluyan ko.

"Salamat," sabi ko sa 'yo. Ngumisi ka lang which I find awkward.

"May problema?" kunot-noo kong tanong. Nagkibit-balikat ka lang kaya inulit ko ang tanong ko.

"S-sino... 'yung... kaibigan na... tatagpuin mo?"

Napangisi ako. "Si... Evan." Tumango-tango ka at muling nanahimik.

Saka ka lang nagsalita makalipas ang ilang segundo. "What do you think of Evan? Gusto mo ba siya?"

Automatic na tumaas ang kilay ko. Wait. Are you jealous?

"Hmmm. Okay lang. Mabait naman siya. Masayang kausap. Cute 'yung kakulitan. Hindi na masama." Ngumisi ulit ako.

"Ah, ganu'n ba?" Tumango ako. "Sige... ingat ha. Uuwi muna ako."

Cute. I really think you are jealous. Ni hindi ka na tumingin sa akin habang nagpapaalam. Kung titingnan, para kang nagwo-walk out.

"Emman..." tawag ko sa 'yo.

Nakita kong nagkuyom ka ng kamao bago lumingon. Tinitigan mo ako, naghihintay ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ka yayayain. Balak ko na kasi ulit umuwi kinabukasan. Shet, 'di ko akalaing magiging clingy ako. To think na 'di naman tayo.

"Kailan tayo uuwi?" tanong mo, na para bang nababasa mo ang iniisip ko. Tayo. Uuwi. Never did I imagine na magmumula sa 'yo ang mga salitang iyon. Sa iisang sentence pa. Hindi ko napigilang ngumisi dahil ikaw pa talaga 'yung namumula.

Ganoon ang cycle natin. Magbibitiw ka ng nakakakilig na linya. Mapapatanga ako sa pag-digest ng mga sinabi mo. Mapapangisi ako. Mamumula ka.

"Puwede ka na ba bukas?"

"Siguro. Nagpaalam na ako kina Mommy. Hinihintay ko na lang 'yung sagot nila."

"Ano'ng sinabi mo?"

"Na... manliligaw ako."

Unti-unting uminit ang pisngi ko. This is not the cycle we've been having. Ako 'yung dapat ngingisi. Hindi ikaw. Ikaw dapat ang mamumula. Hindi ako.

"Ah," maikli kong sagot. I tried so hard para mabawi ang dignidad ko. "Sandali. Iwan muna kita. Pupunta lang ako sa CR. Kanina pa 'to. Puputok na--" Ang puso ko sa kilig. "--ang pantog ko."

Tumakbo ako paakyat. Naiwan ka sa receiving area ng dorm. "Aaaaah! Shit!" sigaw ko. "Kinikilig ako..." gigil pero mahina ko namang sabi sa sarili ko.

Nagpalipas ako ng ilang minuto bago bumaba para harapin ka ulit. Hindi ko alam kung nasa baba ka pa. Sabi ng ka-dorm ko, naroroon ka pa nga raw.

Muli kong naramdaman ang pamilyar na sipa sa sikmura ko. Parang nangingimay ang paa ko dahil hindi ako makahakbang. Nanlalamig. Kinakabahan...

IT'S CONSTIPATED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon