Sixteen

70 3 0
                                    

Mabibigat ang mga hakbang ko papunta sa kinauupuan ni Evan. Pabalik-balik ang tingin niya sa cellphone at relos niya.

Hindi ko agad siya nilapitan dahil nagfo-formulate pa ako ng strategy kung paano sasabihin sa kanya ang pakay ko.

"Akala ko iindyanin mo na ako." Iyon ang bungad sa akin ng kaibigan mo nang makita ako. Nagliwanag at umaliwalas ang mukha niya habang umuupo ako sa upuang nasa harapan niya. Huminga siya nang malalim. Para bang may pasan siyang gumaan bigla.

Tumunog ang cellphone ko bago ko pa siya nabati. I received a message from you. 'Puwedeng makinig sa usapan?'

Isang malaking 'NO.' ang inireply ko sa 'yo. Ang alam ko ay magda-drive ka. Ayoko namang marinig mo ang sasabihin ko kay Evan.

"Dito mo pa rin ba gustong kumain?" tanong ni Evan habang matamang nakatingin sa cellphone ko. Kaagad kong itinago 'yon. Ayokong malaman niya. Ayokong magkasira kayo. Dahil ko lang.

"Oo. Dito na lang. Hindi kasi ako kumportable sa mga fine dining, e."

"Sige. O-order na muna ako." Pipigilan ko pa sana siya kasi nag-aalala akong mainip ka. Naawa naman kasi ako nang nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi kasi ako nakakain sa sobrang excitement."

Hinintay ko siya habang ka-text kita. Ang ramdom lang ng mga text mo. Amoy ng sasakyan. Oras kung kailan mo mararating ang U-turn. Mahal na gasolina. Mga bata sa lansangan. Sidewalk vendors. You were keeping me busy from talking to Evan. Or nag-a-assume lang ako.

Bumalik si Evan bitbit ang maraming order. "Wow. Ang dami naman," kumento ko.

Dumampot siya ng fries at isinubo sa akin. Wala naman akong nagawa kasi nakalapat na sa labi ko. Ayaw ko naman siyang ipahiya. Lumapad ang ngiti niya nang isubo ko ang fries.

"Alam mo, ang saya ko."

"Halata nga, e," naiilang kong sabi. Why... am I doing this?

"Tanungin mo kung bakit," parang batang pakiusap niya sa akin.

"O sige, bakit?" non-commital na tanong ko.

"Kasama kasi kita ngayong birthday ko!" Ngumisi siya.

"Naku, pasensya na. 'Di ko alam, e. Hindj ako nakapaghanda. Wala tuloy akong regalo sa 'yo."

"Okay lang 'yun. Ang mahalaga, kasama kita." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. Agad ko iyon binawi at nagkunwaring dadampot sa fries na nakahain.

"Adik. Nasaan parents mo? Mga kapatid, mayroon ka?" sabi ko, nililihis ang usapan. Hindi pa man nagtatagal ay naiinip na ako. Gusto ko nang lumabas. Gusto na kitang harapin. The thought of you, driving back and forth just to wait for me, occupies my mind.

"Uhm, nasa restaurant?"

"You mean, doon sa restaurant na sinasabi mo?" nanlalaki ang matang sabi ko. Book before dine sa resto na sinabi niya sa akin. Kanina ko lang sinabi na 'wag na lang doon. Ibig sabihin, reserved siya doon?

"I could ditch family gatherings for you."

"Ano?!" halos pasigaw kong sabi. Napatingin ang mga nasa kabilang table. I don't deserve being treated like that. Mabuti nga siya, buo ang pamilya. Family gathering. Ibig sabihin, nandoon ang pamilya niya, just in case sumama nga ako sa lugar na 'yon!

"Galit ka ba?"

"What? No-- Evan, pamilya mo 'yun. Bakit mo sila iniwan sa ere?"

"Chill. Makakain naman sila nang wala ako. Besides, 'di ko naman dala ang pagkain nila. At saka, they would understand. Finally, their son is in love!" as-a-matter-of-fact na sabi niya.

Natigilan siya nang magsalita ako. "Pero..." Kumunot ang noo niya habang hinihintay ang sunod na sasabihin ko.

This is it. I closed my eyes and think of you. Minsan lang magkaroon ang isang tao ng pagkakataon na pansinin siya ng taong gusto niya. 'Yung iba nga, nalilipasan na lang ng nararamdaman nila. Their feelings left unnoticed, unreciprocated.

Telling him about you is a wrong move. Imbes na isipin ang sarili ko, pinili ko ang paraang safe at hindi makakapagsinungaling sa kanya.

"Hanggang kaibigan lang ang kaya kong i-offer, Evan."

Laglag ang panga niya sa sinabi ko. "Pero pumayag ka na, a. Hindi ko pa naibubuhos lahat, basted agad? Try me first," pangungumbinsi niya.

Ugh. Boys. Why're you making things complicated?

"Ganoon pa rin ang desisyon ko, e." It will always be you, Emman. "And... I like someone else."

"Sino?"

IT'S CONSTIPATED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon