Eleven

86 2 0
                                    

"Hiwalay na kami ng Papa mo."

Unti-unting lumandas ang mga luha mula sa aking mga mata nang mabasa ko ang mensahe mula kay Mama. Hindi ako nalulungkot. Ang mga luhang ito ay dulot ng galit.

Dali-dali akong tumakbo sa banyo. Kalalabas mo lang mula sa CR ng mga lalaki noon. It would have been so fancy hearing you say my name but I'm so, so depressed right now to flirt.

Pumasok ako sa bakanteng cubicle at naupo. Nakatitig lang ako sa pintuan ng inookupa kong cubicle. Nakakainis!

"May tao ba rito?" tawag ng isang babae mula sa labas ng cubicle ko. Akmang bubuksan niya mula sa itaas ang pintuan.

"Ano ba? Naka-lock nga, 'di ba? May tao! May tao!" Bahagya kong inilabas sa ilalim ang sapatos ko.

"Sorry po," nahihiyang sabi ng babae. Wari ko'y nasa lower year siya. Siguro ay madalas siyang nabibiktima ng mga walanghiyang nagla-lock ng cubicle kahit walang tao.

"Ugh!" usal ko. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Dumako ako sa wash area para ayusin ang mukha at buhok ko.

"Sino'ng hinihintay niya?" rinig kong sabi ng isa sa dalawang babae na pumasok sa banyo.

Nagpasya ako lumabas na at umuwi tutal nakuha ko na ang grades ko. Bakasyon na at tama lang ang pagkakataon para umuwi ako sa probinsya para ayusin ang mga problema sa bahay.

"Tootsie!" tawag mo sa akin.

Pinangunutan kita ng noo. "Bakit?"

"Ayos ka lang?"

Tumango ako.

"Sabay na tayo," patuloy mo. Hinawakan mo ang kamay ko na binawi ko naman. "Umuwi na si Evan."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi mo. Para tuloy pakiramdam ko may secret affair tayo. Inilayo ko ang kamay ko sa 'yo sa pamamagitan ng paghawak ng cellphone ko.

Tumipa ako ng message para kay Mama. Nagsabi akong uuwi na ako. Ilang saglit pa'y napabuntong-hininga ako sa reply niya.

"Sa tita Cory m kaw drtso. La na tau bhay. Bnenta ng Papa mo."

"Lintik na buhay 'to," bulalas ko.

"Ano'ng problema?"

"Naghiwalay na ang mga magulang ko. Sumama si Papa sa long-time mistress niya at binenta pa niya ang bahay namin para makapagbayad sa mga utang niya. Sugalero siya. Babaero. Manloloko. Wala siyang kuwentang asawa. Wala siyang kuwentang ama," dire-diretso kong sabi sa 'yo. Inalalayan mo ako nang pakiramdam ko ay nawalan ako ng balanse dahil sa sobrang sama ng loob. "Wala siyang kuwenta--"

"Tahan na," sabi mo. Hindi ka marunong mag-alo. Ang kapal mong hawakan ang kamay ko, e, tatapikin mo lang ako sa balikat, 'di mo pa magawa. Nakatitig ka lang sa akin at parang tuod na hindi gumagalaw.

"Tsk. Bakit ba kasi nandito ka?" asik ko sa 'yo.

"Kasi may problema ka?" sabi mo na para bang obvious ang sagot sa tanong ko. "Gusto kong tumulong."

"E 'di sige! Sumama ka sa amin!" hamon ko. Unreasonable na idamay ka sa sama ng loob ko pero ewan. Siguro ay dahil ikaw ang unang taong dumamay sa akin. Kahit paano naman ay gumaan ang pakiramdam ko sa nasabi ko kanina .

"Okay," preskong sagot mo sabay hablot ng bag kong wala naman masyadong laman. Naglakad ka palayo.

"Ako na ang magdadala niyan," sigaw ko habang humahabol sa 'yo. Pinagtitinginan na tuloy tayo nu'ng grupo ng mga Accountancy students na nagkukumpol sa harap ng bulletin board. "May iba akong ipapadala sa 'yo." Ngumisi ako sa naisip ko.

Ilang oras pa ang nakalipas at nasa probinsya na tayo. Tinapik ko ang balikat mong sumasakit na yata sa bigat ng travelling back pack ko.

Welcome to my hometown, Emmanuel Ivan.

IT'S CONSTIPATED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon