Four

196 11 0
                                    

Ivan, bumalik na sina Jolina at Marvin sa Kapamilya Network pero hindi pa rin tayo nagkakakuhanan ng number. Magtatambalan na ulit sila, heto pa rin tayo... stuck sa nangyari noong gabi matapos ang imaginary miscarriage incident sa LRT...

Kitang-kita ko ang pamumula mo, lalo na ng mga tainga mo, nang buhatin mo ako paalis sa station. Feel na feel ko ang bridal style ng pagkarga mo sa akin.

Ramdam ko ang panginginig mo nang napilitan akong magsalita para hawiin ang mga tao. "Tumabi kayo! Ang baby ko!" nanghihina-kuno kong sabi na sinamahan ko pa ng kaunting effects ng luha.

Effective naman ang pagda-drama ko kaya lang lalo kang namula dahil nakatingin sila sa 'yo nang may pag-aakusa. Nagpapabalik-balik ang mga titig nila sa mukha mo at sa unipormeng suot mo. Nang makapara ka ng taxi ay halos pasigaw mong inutusan ang driver na dalhin tayo sa bahay ninyo.

Nang makarating tayo sa bahay ninyo, sinalubong tayo ng kapatid mo at ng kaibigan niyang beki na halata kong type na type ka. Tinitigan niya ako nang masama nang ipakilala mo kami sa isa't isa. "Tootsie, si Johanna, kapatid ko at si Jancy, kaibigan niya. Joey, Jancy, si Tootsie, schoolmate ko." Lumanding ang tingin nila sa t'yan ko.  

Humagikhik ang dalawa nang dali-dali mo akong hilahin papunta sa kwarto mo.  Nahihiya ka na naman. Gusto tuloy kitang kantahan ng Tameme.

 

Kinikilig naman ako sa shy na lalaki. Tipong ligaw-tingin, huwag mong kausapin, napipipi. Pero over ka, hindi makuha sa lambing. Kahit pa-tweetums na tulad ko'y mababato rin...

 

Ganyang-ganyan ka, e. Hindi ka naman snob at loner pero sobrang dalang lang kitang nakikitang nagsasalita. Kaya hindi ko alam kung bakit nagkakataong nakikita ko ang tahimik mong side.

Lumabas ka ng kwarto mo at iniwan mo ako doon habang iniisip ang mysterious effects mo. Nagulat na lang ako nang libutin ng paningin ko ang kabuuan ng kwarto mo. Origami. Napakaraming origami.

 

Bihira lang akong maka-encounter (Actually, first time ko lang 'to!) ng lalaking mahilig sa ganitong crafts. Hahawakan ko sana ang Ferrari origami mo nang pumasok ka, namumula, bitbit ang plastic na may lamang sanitary napkin.

"O, magpalit ka na."

Iginiya mo ako sa banyo mo. Hindi ka makatingin sa akin nang isara mo ang pintuan.

Nanlalamig. Kinakabahan. Ganyan din ba ang iyong nararamdaman?

Makalipas ang ilang minuto, lumabas ako sa banyo... feeling great! Habang nasa loob ay nag-sink in sa utak ko ang reyalidad na nakarating na ako sa bahay ninyo, nakapasok na ako sa kwarto mo, maging sa banyo mo. Dahan-dahan akong lumapit sa 'yo, hawak ang dulo ng paldang suot ko, feeling prinsesa na lalapit sa kanyang prinsipe. Napatingin ka sa akin at muli kang namula. 'Yung totoo, Ivan?

Maaari bang malaman ko kung feel na feel mo nang sabihin? Sana ay sabihin na ito. Request ng puso ko'y ikaw. Kung tameme ka, tsong, ako na ang manliligaw.

 

Inihatid mo ako noon papuntang terminal ng bus. Narinig ko pang inasar ka ng kapatid mo. Nakita ko na naman ang pamumula mo. Kapag nakilala ko na ang mother-in-law ko (mama mo), iko-confirm ko sa kanya kung sa kamatis ka ba niya ipinaglihi. That's soon, right?

Noong sumunod na linggo, agad kong ichinika sa friends ko ang nangyari. As usual, hindi pa rin sila makapaniwala sa mga paandar ko sa buhay. Nagle-level up na raw ako at hindi na basta stalking mode ang ganap ko. Good luck na lang daw sa akin kasi mukhang wala ka raw interes sa akin. Gusto ko silang sabunutan. Trip mo rin ako, 'di ba? Natotorpe ka lang, e.

Panay ang kantiyaw ng tropa kong babae. Ilusyon lang daw ang aking feeling sa isang torpe. Ngunit nang isang araw ay tumunog ang beeper ko.

 

Pinagmamasdan kita habang nakangiting nagte-text. Siyang pagtunog naman ng cellphone ko at bigla akong nanlamig, kinabahan.

Hinimatay ako sa message mo na "I love you".

IT'S CONSTIPATED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon