Twenty Two

64 3 0
                                    

Napatunayan kong totoo nga palang may magic. Hindi ko akalaing hindi ko na kakailanganin ang invisibility cloak ni Harry Potter para lang maging invisible. Presensya lang ni Sabrina, sapat na. All of a sudden, hindi mo na ako nakikita.

"Take it off! Take it off!" ani Gelatin habang hinihila ang balabal na nakayakap sa baywang ko. Nasa Puerto Galera tayo. Nakagawian na kasi namin na magpunta sa beach tuwing Summer break. Nasa balcony ako ng nirentahan nating apartment kasi tinitingnan ko kayo ni Sabrina.

Tuluyan nang nahila ni Gelatin ang balabal kaya naman todo hila ako pababa ng maiksi short na tumatakip sa ibabang parte ng asul na one-piece swimwear na suot ko.

Tinapunan mo ako ng tingin pero mabilis lang. Bumaling ka agad sa kanina mo pang kausap na si Sabrina. Literal na nag-uusap kayo tungkol sa 'everything under the sun'. Tila ba hindi kayo mauubusan ng topic kaya wala kayong pakialam kahit katirikan ng araw habang naglalakad kayo sa tabi ng dalampasigan. How sweet!

Humigit ako ng isang napakalalim na hininga bago inilapag ang mga kamay ko sa aking shorts. Hinatak ko iyon pataas para medyo i-expose ang kaunting pulgada ng kanina'y natatakpang bahagi ng hita ko. Pinilit ko ring palitawin ang imaginary cleavage ko bago ginagap ang beach hat na dala ni Maan.

"Pahiram nito, Maria Andrea, maglalakad-lakad lang ako," paalam ko sa kanila ni Gelatin at dali-dali akong umalis.

Wala na kayo sa paningin ko nang bumaba ako. Nagpasya na lang akong maglibot-libot sa paligid. Inilabas ko ang Cherry Mobile phone ko para kunan ng litrato at video ang isang cute na unggoy na nasa may counter ng reception area. Buti pa 'to pinapansin ako. Hmmmp!

Lumabas na ako nang tuluyan. Nagpalipat-lipat ako sa mga souvenir stores para mag-window shopping. Hindi kasi ako nakapagdala ng pera dahil sa pagmamadali kong sundan kayo. Dinala ako ng paa ko sa isang tattoo stall. Nagtingin-tingin ako ng designs nila pero wala akong magustuhan.

"Ma'am, puwede rin pong kayo ang magsabi ng design tapos titingnan namin kung kaya namin..." pangungumbinsi ng artist nila.

Ilang beses pa niya akong inalok hanggang sa bumigay ako. Itinext ko na lang sina Maan na puntahan ako sa kinaroroonan ko.

Natapos ang tattoo ko, na nasa right shoulder blade ko, bago dumating sina Maan at Gelatin. Ang sama ng tingin sa akin ng artist kasi akala yata niya ay hindi ko siya mababayaran.

"Nagpa-tattoo ka rin?" mahinhing sabi bi Sabrina na nasa likuran lang nina Maan. Langya, taob ang imaginary cleavage ko sa ganda niya. Maikling summer dress na pinaresan niya ng khaki mini-short ang suot niya. May beach hat din siya na 'di hamak na mas maganda sa dala ni Maan.

Ay, hindi. Nagpahilod ako ng likod tapos ito, bigla na lang lumabas 'yung design.

Nag-iisip pa ako kung sasagot ba ako nang matino pero naunahan akong magsalita ni Gelatin. "Uy, ang bongga ng tats ni Sab. Ambigram ng Sab at Eman. Ang sweet naman. Ang galing ng artist."

"Yeah. Ipinilit ko kasi talaga. I did the ambigram," nakangiting salaysay ni Sabrina, bago ibaba ang damit niya para takpan ang tattoo sa lower back niya. "What's your tats, Tootsie?" baling naman niya sa akin. Sakto namang dumating ka na may dalang meryenda para sa ating lima.

"E.T. and friends..." nonchalant kong sabi.

Natatawa sina Gelatin at Maan sa sinabi ko. Agad naman nilang tiningnan ang bandang balikat ko para titigan ang tattoo ko na hindi pa natutuyo. Exposed naman iyon kasi racerback 'yung suot ko.

"Extraterrestrial?" segunda pa ni Maan. Sinimangutan ko siya kaya naman bumawi agad siya. "Keme lang, 'te. High blood? Wait... sino 'yang E? 'Yung Engineering student? Ano nga 'yung pangalan nu'n?" Bumaling siya sa 'yo. Langya. Ikaw 'to, e!

"Evan. Evan Angelo," maikli mong sagot. This time, nakatitig ka sa akin na para bang naghihintay na magsalita ako.

Ngumisi ako sa 'yo. Bumaling ako kay Gelatin. "Kyotie ng design, 'no?" Sa akin din ang design na 'yon. Cursive letters E and T na may minimal doodle-like designs sa paligid.

"So, si Evan keme nga 'yan?" clueless na sabi ni Maan. Minsan, ang sarap pektusan nito, e. Aware naman sila na crush kita. Tapos, kasama pa nga kita nang ilang araw tapos wala pa rin siyang idea na baka ikaw 'yung letter E.

Pero hindi ko siya sasaktan ngayon dahil sa totoo lang, ikaw ang gusto kong sikmuraan. Nagkibit-balikat ako at ngumiti. "Sino sa tingin mo?" balik-tanong ko sa mga kaibigan ko bago bumaling sa 'yo.

Blangko ang ekspresyon mo. Agad namang nag-backfire sa akin ang lahat nang hawakan ni Sabrina ang kamay mo habang nakatitig sa 'yo na parang puno ng pag-aalala.

"Oo. Hindi. Puwede. It doesn't matter." Padabog akong umalis dahil sa nakita ko. "Ewan."

'Di ko na alam, Emmanuel Ivan. Hindi kita maintindihan. Ewan!

×××

Madrama ulit? Nyahaha. Comments, please? Share your thoughts! ╭(′▽‵)╯

Eri ♥

IT'S CONSTIPATED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon