Owen Jezrell San Antonio. Siya ang pangarap ko. Bukod sa gwapo na, napakatalino niya pa. Mabait rin siya, hindi nga lang sa akin. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kaniya dahil palagi niya akong sinusungitan. Kinukulit at tinititigan ko lang naman siya. Hindi naman iyon krimen.
“Will you please stop staring at me?” Masungit na sabi niya.
Nakagat ko ang labi atsaka napangiti. Ang gwapo ng boses niya.
Nasundan ko siya ng tingin ng bigla siyang tumayo at lumipat ng upuan. Napanguso ako. Grade 7 pa lang kami, crush ko na siya. Grade 10 na kami ngayon pero ganyan pa rin ang treatment niya sa akin. Wala pa ring improvement. Noong isang araw niya nga lang yata ako nakilala eh.
Pero dahil makulit ako, tumayo rin ako at tinabihan siya. Nakita ko ang pagtalim ng tingin niya sa binabasang aklat atsaka ang pagbuntunghininga. Napangiti ako lalo. Mas lalo siyang gumagwapo pag naiinis.
“Psst Owen,” tawag ko sa kaniya.
Naitikom ko ang labi nang hindi niya man lang ako lingunin. Kinalabit ko ang braso niya.
“Owen,” tawag ko muli.
Padarag niya akong nilingon. Kunot na kunot ang noo niya at walang kasing sama ang tingin.
“Ano?” asik niya.
Ngumiti ako dahilan para mas lalong sumama ang mukha niya.
“Gusto kita,” nakangiting sabi ko.
“Hindi kita gusto,” walang kurap kurap na sabi niya at muling ibinalik ang atensyon sa binabasang libro.
Grabe, hindi niya man lang pinagisipan.
“Attitude ka?” mahinang tanong ko pero mukhang narinig niya naman kaya muli siyang bumaling sa akin na masama ang tingin.
Nag peace sign ako sa kaniya atsaka tumayo at bumalik sa dati kong upuan. Mamayang recess ko na lang ulit siya kukulutin.
“Oh ano? Pinansin ka?” Tanong ni Joey, yung kaibigan kong bakla.
“Dati niya naman akong pinapansin ah,” nakangusong sabi ko.
“Oo nga naman Joey,” Sabi naman ni Melanie. “Dati pa naman siya sinusungitan niyan ni Owen.”
Sumama ang mukha ko ng pag tawanan nila akong dalawa.
“Pag naging kami, who you kayong dalawa sa akin..” naiinis na sabi ko.
“Hoy Chloe, gumising ka nga. Apat na taon ka nang binabasted niyan,” sabi ni Melanie.
“Ang mabuti pa magreview ka,” sabi ni Joey atsaka inilagay sa arm chair ko ang libro namin sa AP. “Para naman hindi ka mangangalabit mamaya sa quiz natin.”
Inirapan ko sila atsaka hinarap ang libro. Hindi naman kasi ako matalinong tao. Kahit na anong gawin kong review pag dating ng quiz o kaya exam ay nawawala na lang bigla yung laman ng utak ko. Hindi naman ako gaya ni Owen na kahit hindi nagrereview, kayang makaperfect sa quiz.
Nakanguso ko siyang nilingon. Seryosong seryoso siyang nagbabasa doon sa isang gilid. Bumuntunghininga ako atsaka siya tinitigan. Mas okay pang tingnan ko siya ng tingnan kesa pag aralan yung mga sinaunang bagay na nakasulat dito sa libro.
“Aray!” Daing ko ng may bigla na lang sumapak sa ulo ko.
Inis kong nilingon sina Joey at Melanie sa gilid ko.
“Diba ang sabi mag rereview?” Nakataas ang kilay na sabi ni Mel.
Sinamaan ko siya ng tingin atsaka muling sumulyap kay Owen na seryoso pa ring nag aaral sa gilid. Nakanguso akong nagbaba ng tingin sa aklat sa harapan ko atsaka bumuntunghininga.
YOU ARE READING
Psst Owen (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)
Teen FictionOwen Jezrell San Antonio. Siya ang pangarap ko. Word count: 20,000 - 22,000