Vacant kami buong mag hapon ngayon. Since may party kami bukas binigyan kami ng chance ng mga teachers na mag prepare para bukas.
Some of my classmates brought some Christmas designs to decorate our room. Joey even put a calligraphy on our board for the event tomorrow.
“Bukas na lang natin iblow itong mga balloons,” sabi ni Mel habang hawak iyong isang plastic ng plastic balloons.
“Oo, baka pumutok lang iyan ngayon...hindi na umabot bukas,” sabi naman ni Joey.
Kumuha ako ng upuan para umakyat dahil ikakabit ko iyong lantern sa gilid ng bintana ng room namin. Tumingkayad pa ako para maabot iyon pero sadyang kulang talaga ang height ko. Kainis naman talaga...sixteen na ako pero ang height ko pang grade 3 lang.
Tatawagin ko sana si Joey o kaya si Justin para utasan na sila na lang ang magkabit pero agad akong napatili ng may bigla na lang humawak sa bewang ko. Nanlalaki ang mata kong tiningnan si Owen atsaka ako napahawak sa balikat niya. Dahan dahan at maingat niya akong ibinaba mula sa upuan.
Nang maibaba ako ay kinuha niya sa kamay ko ang lantern atsaka siya ang umakyat sa upuan para maisabit iyon sa gilid ng bintana. Nakagat ko ang labi atsaka nagkunwaring inabala ang sarili sa pagpili ng iba pang pwedeng idesign.
Napatingin ako kay Mel ng nakakaloko siyang tumikhim ng tumabi sa akin.
“Nako, nako...” Nakakalokong sabi niya.
Naitikom ko ang labi at hindi na lang nag salita. Hindi ko din naman alam ang sasabihin. Wala akong ideya kung ano ba ang ginagawa ni Owen o kung bakit man.
Nag wawalis ako sa loob ng room dahil masyado nang makalat doon. Nagkalat kasi yung mga basura ng ginamit naming pangdesign para dito sa room. Sina Mel at Joey naman ay nagpunta ng canteen para bumili lang ng snacks. Hindi pa naman ako nagugutom kaya nag paiwan na lang ako. Isa pa ay nakita kong lumabas din si Owen, sure akong pupunta rin siya sa canteen.
Natigil ako sa pagwawalis ng humarang sa harapan ko si Joyce. Magka-krus ang braso niya at nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Ano namang problema ng babaeng ito?
“Ano?” Tanong ko.
“Didiretsohin na kita,” panimula niya. “Layuan mo si Owen.”
Nangunot ang noo ko. Ano pang gustong ipaglaban ng babaeng ito?
“Siguro naman by now...alam mo na hindi kayo bagay,” mataray na sabi niya. “Kahit na anong gawin mong paghahabol at pagpapapansin sa kaniya ay hindi ka niya magugustuhan. Hindi kaya bagay.”
Naitikom ko ang labi. Tinamaan ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata. Tinaasan ko siya ng kilay atsaka ngumisi.
“Kanino naman siya bagay?” Mataray na tanong ko. “Sayo? Wag mo nga akong patawanin, Joyce.”
Sarkastiko siyang tumawa.
“Kumpara naman sayo Chloe,” nakakalokong sabi niya atsaka humakbang papalapit. “Hindi man ako kasing talino ni Owen...at least hindi ako kasing bobo mo.”Hindi na ako nakasagot dahil nilagpasan niya na ako. Binangga niya pa ang balikat ko. Nakagat ko ang labi atsaka padarag na pinunas ang tumulong luha sa pisngi. Nagpupuyos sa galit at inis ang dibdib ko. Ang kapal ng mukha ng babaeng iyon na insultuhin ako. Mag sama sila ni Owen...mag sama silang dalawa tutal bagay naman sila.
Inipon ko na ang mga basura at ilalagay na lang sa basurahan sa may pinto. Kumuha ako ng dustpan para mas madali ko iyong magawa. Muli kong inipon ang mga kalat ng biglang pumasok sa loob si Owen.
Natigilan ako at napatingin sa kaniya pero agad ding nag iwas ng tingin. Mas lalo akong nainis noong nakita ang mukha niya.
Naramdaman ko na naglakad siya papalapit sa akin. Huminto siya sa harapan ko. Kahit nakayuko ako ay nakikita ko naman ang sapatos niya na nakatigil sa may harapan ko. Napaangat ako ng tingin ng may inilahad siyang isang piraso ng sandwich at juice sa harapan ko. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
Psst Owen (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)
Teen FictionOwen Jezrell San Antonio. Siya ang pangarap ko. Word count: 20,000 - 22,000