“Hoy Chloe, ano na namang mukha yan?”
Nakataas ang kilay na nilingon ko si Mel nang maupo siya sa tabi ko. Si Joey naman ay naupo sa harapan namin.
“Mukha ng maganda,” mataray na sagot ko.
“Yes naman,” natatawang sabi ni Joey. “Yan ang gusto ko, confidence...” dagdag niya atsaka nakipag-high five sa akin.
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin,” nakasimangot na sabi ni Mel. “Ang ibig kong sabihin ay next month pa ang undas pero mukha nang biyernes santo iyang mukha mo.”
Inirapan ko siya. Nandito kasi ako ngayon sa sa lib. Hindi ko maaral ng maayos yung binigay na reviewer ni Owen sa room. Ang ingay masyado ng mga kaklase ko.
“Nagre-review ako, okay?” Sabi ko atsaka bumaling kay Joey.
“Nasaan na pala si Owen?”Magkasama kasi silang nagre-review ni Joey sa Science Lab kanina. Kung matalino lang din sana ako edi sana ako ang kasama niyang mag review para sa competition na iyon.
“Break time namin,” sagot ni Joey.
“Baka nasa canteen.”Tumango ako atsaka sinimulang ayusin ang mga gamit ko. Ibibigay ko sa kaniya yung pinasagutan niya sa akin kahapon tsaka sasabayan ko na rin siyang mag recess since hindi pa rin naman ako kumakain.
Hindi na nagtanong sina Mel at Joey kung saan ako pupunta. Sure akong alam naman na nila kung sino ang pupuntahan ko. Lumabas ako ng lib atsaka nag punta ng canteen.
Iginala ko ang mata sa kabuuan nito. Maraming tao dito sa loob ngayon. Nasaan kaya nakaupo si Owen? Nakagat ko ang labi ng hindi ko siya makita. Siguro nasa classroom siya ngayon.
Lumabas ako ng canteen at nagpunta ng classroom. Mukhang walang tao doon ngayon kasi sobrang tahimik. Malamang lahat sila nasa canteen.
Napangiti ako ng makita si Owen na nakaupo sa upuan niya pero agad din iyong napawi ng makitang may nakatayong tatlong babae sa harapan niya. Yung isa sa mga babae ay may inaabot na isang tupper ware sa kaniya. Hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila kasi nakatayo lang naman ako dito sa may bintana, medyo malayo sa gawi nila.
Hindi inaasahan na tumingin sa gawi ko si Owen. Nakita ko ang gulat sa mukha niya atsaka sumulyap sa mga babaeng nasa harap niya. Napalingon din sa gawi ko yung mga babae pero agad ding nag iwas ng tingin. Siguro ay natakot dahil walang kasing sama ang tingin ko sa kanila ngayon.
Naglakad ako papasok ng room. Yung tatlong babae naman ay natatarantang ibinaba ang tupper ware sa arm chair ni Owen atsaka lumabas gamit iyong isang pinto sa may hulihan ng classroom. Nakasimangot ko silang sinundan ng tingin. Ang mga iyon, aagawan pa ako ng future.
Nang bumaling ako kay Owen ay nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Nakanguso akong lumapit atsaka naupo sa tabi niya.
“Tapos mo na ba iyong pinapasagutan ko sayo kahapon?” Tanong niya.
“Oo,” nakangusong sabi ko atsaka binuksan ang bag at kinuha ang papel kung saan nakasulat ang sagot ko.
Ibinigay ko iyon sa kaniya pero ang paningin ay naroon sa tupper ware na nakapatong sa arm chair niya. Baked cookies ang laman noong tupper ware. Mas lalo akong napasimangot ng makitang heart shapes ang mga iyon.
Nag angat ako ng tingin kay Owen at nakitang pinapanood niya ako. Tumikhim ako.
“Tama na ba?” Tanong ko.
Nagbaba siya nang tingin doon sa papel, chinecheck na yung sagot ko. Napanguso ako ng makitang tumango siya. Tumango siya atsaka muling tumingin sa akin.
YOU ARE READING
Psst Owen (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)
Teen FictionOwen Jezrell San Antonio. Siya ang pangarap ko. Word count: 20,000 - 22,000