“Good morning po Sir,” sabi ko habang nakayukong naglakad papasok ng opisina niya.
Pinatawag niya ako ngayon sa opisina niya. Tingin ko ay sasabihin niya na sa akin ngayon kung kailan niya ibinigay yung special exam ko pati na rin yung magiging tutor ko sa Mathematics.
“Take a sit Ms. Martinez,” sabi niya.
Nakagat ko ang labi atsaka naupo sa isang upuan sa harap ng mesa niya.
“We will just wait for Mr. San Antonio,” sabi niya dahilan para makuha ni Sir ang buong atensyon ko.
San Antonio? Si Owen ko ba?
“Po?”
Tumingin siya sa akin atsaka tumango.
“I asked Mr. San Antonio to be your tutor in my subject,”Napantig ang tainga ko dahil sa sinabi ni Sir. Si Owen ang magiging tutor ko? Nakagat ko ang labi para pigilan ang ngiti atsaka ako impit na tumili. Sakto namang bumukas ang pinto ng opisina dahilan para lingunin ko iyon.
Agad akong napangiti nang makitang pumasok roon si Owen. Sobrang gwapo niya talaga, kaya patay na patay ako sa kaniya.
“Good morning Sir,” magalang na bati niya at bahagyang sumulyap sa akin.
“Great,” sabi ni Sir atsaka isinenyas ang isa pang upuan sa harapan niya, katapat ng upuan ko.
“So, Ms. Martinez needs a tutor on my subject,” panimula ni Sir pero ang atensyon ko ay nakatuon lang kay Owen sa harapan ko.
Bahagyang nakakunot ang noo niya habang nakatingin kay Sir.
“And I want you to tutor her Mr. San Antonio,” sabi ni Sir atsaka bumaling sa akin.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Nakangiti ko naman tiningan si Sir. Ang gandang bungad naman nito sa umaga ko.
“I will give you two weeks to review our lessons and seek for Mr. San Antonio's guidance regarding the things you don't understand. After the two weeks, you will take the exam. Is that okay with you Miss Martinez?”
Sunod sunod naman ang naging pagtango ko.
“Okay po Sir,” nakangiting sabi ko.
Tumango siya atsaka bumaling kay Owen.
“If she passed the exam, I will give you a reward. Plus 25 pts. for my subject.”
Kagat ang labi kong nilingon si Owen na noon at seryoso lang ang mukha habang nakikinig kay Sir. Bigla akong nakaramdam ng pressure. Kung ganoon pala ay dapat makapasa ako kasi hindi lang grades ko ang nakasalalay, pati grades ng Owen ko.
“Sandali Owen!” Sigaw ko atsaka humabol sa kaniya.
Ang bilis niyang naglakad palabas ng opisina ni Sir. Hindi niya man lang ako hinintay. Sumabay ako sa paglalakad sa kaniya atsaka bahagya pang humahangos dahil sa paghabol sa kaniya.
“Kamusta ka?” Nakangiting tanong ko.
Napanguso ako ng hindi siya nagsalita.
“Buti naman wala ka nang lagnat,” dagdag ko. “Nag chat ako sayo sa Facebook-”
“Hindi ako nagpe-facebook,” masungit na sabi niya.
Alanganin akong tumawa. May account siya sa fb kaso hindi siya active doon. Pero at least friend niya ako doon sa account niya.
“Sabi ko nga,” nakangusong sabi ko.
“Yung tungkol pala sa sinabi ni Sir kanina, thank you sa pag payag mo...na maging tutor ko. Ang totoo-”
YOU ARE READING
Psst Owen (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)
Novela JuvenilOwen Jezrell San Antonio. Siya ang pangarap ko. Word count: 20,000 - 22,000