Nakatihaya ako ngayon dito sa kama. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako nakakatulog. Gising gising pa rin ang diwa ko, kahit na kaunti ay hindi ako nakakaramdam ng antok. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina.
Inangat ko ang kamay ko atsaka iyon tinitigan. Nakagat ko ang labi. Hawak hawak ni Owen ang kamay ko kanina hanggang sa matapos si Sir sa sinasabi niya tungkol sa Christmas Party namin.
Bumuntunghininga ako atsaka ibinaba ang kamay. Aaminin ko... kinikilig ako ng sobra. Sino ba naman ang hindi?
Pero...hindi ko naiintindihan kung bakit niya ginagawa iyon. Bakit ngayon pa na moving on na ako? Hindi naman nakakatulong ang ginagawa niya eh. Ginugulo niya lang ang isip ko...ayaw niya naman sa akin diba?
Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni Mama sa labas ng kwarto ko.
“Chloe!” pagtawag niya. “Bumangon ka na diyan, tanghali na...”
Kunot ang noo ko na nag mulat ng mata. Bahagya pa akong napapikit dahil sa liwanag ng sinag ng araw galing sa bintana ko. Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng unan ko para tingnan kung anong oras na.
Nanlaki ang mata ko ng makitang twenty minutes na lang ay magsisimula na ang unang klase. Dali dali akong bumangon ng kama.
“Aray!” Daing ko ng matumba ako dahil sumabit ang paa ko sa kumot.
Inis ko iyong tinanggal atsaka dali daling pumasok ng CR para maligo. Nang makatapos maligo ay agad akong nagbihis ng P.E. uniform namin since biyernes na ngayon.
“Nay! Alis na po ako!” Sigaw ko atsaka tumakbo na palabas ng bahay.
Hindi ko na pinansin ang kumakalam kong tiyan dahil malelate na talaga ako. Naiinip akong tumingin sa cellphone ko dahil sampong minuto na lang ay huli na ako sa klase. Ang tagal pang dumaan ng tricycle. Kung kailan sila kailangan saka naman nawawala.
Nang may humintong tricycle sa harap ko ay hindi na ako nag dalawang isip pa na sumakay agad sa loob. Sa may malapit sa pinto na ako naupo dahil may nauna nang maupo sa akin.
Hindi ko na masyadong napansin kung sino iyong katabi ko dahil binutbot ko na agad ang wallet ko para kumuha ng baryang ibabayad sa driver ng tricycle. Bahagya pa akong sumilip sa labas para tingnan kung malapit na ba kami o ano.
Nahigit ko ang hininga ng may humatak sa braso ko pabalik. Nanlaki ang mata ko ng makita ang mukha ni Owen. Kunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.
“Delikado iyong ginawa mo,” masungit na sabi niya.
Napalunok ako at hindi agad nakasagot. Si Owen...anong ginagawa niya dito? Gusto kong sapakin ang sarili, syempre nakasakay rin siya ng tricycle papunta ng school. Binawi ko ang kamay ko atsaka umayos ng upo.
Napayuko ako at hindi na nagtangkang mag taas pa ng tingin o lingunin man lang siya. Hindi na naman maipaliwang ang nararamdaman ko ngayon. Para na naman akong tumakbo ng ilang kilometro sa bilis ng tibok ng puso ko.
Nag angat ako ng tingin pero nasa labas ang tingin ko. Naiinip kong tinitipa ang screen ng cellphone. Parang mas domoble ang layo ng biyeha papunta sa school lalo na ngayon na katabi ko siya.
Nagugulat ko siyang nilingon ng hawakan niya ang kamay ko dahilan para matigil ang ginagawa kong patipa sa screen ng cellphone.
“It's distracting,” sabi niya pero ang paningin ay diretso lang sa unahan.
Nakagat ko ang labi atsaka muling binawi ang kamay ko mula sa kaniya. Hindi ako agad nakagalaw dahil bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko.
YOU ARE READING
Psst Owen (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)
Teen FictionOwen Jezrell San Antonio. Siya ang pangarap ko. Word count: 20,000 - 22,000