Today is the day! Maaga akong nagising kanina. Kagigising ko pa lang ay nakangiti na agad ako. Nag luto ako ng umagahan namin at nag linis din ako ng buong bahay pagkatapos kung mag hugas ng pinagkainan.
Tumingin ako sa orasan at nakagat ang labi ng makitang isang oras na lang bago mag ala una ng hapon. Mabilis ko nang tinapos ang pagpupunas ng kalan namin dahil maliligo pa ako.
Pakanta-kanta pa akong pumasok sa loob ng CR para maligo. Nang makatapos ay lumabas ako at agad na isinuot ang binili kong dress kahapon sa divisoria kasama si Mel.
Simple lang naman ang damit na pinili ko. Isang simpleng spaghetti dress na fit sa itaas na bahagi. Inilugay ko ang lagpas balikat kong buhok. Natural na kulot ang ibabang bahagi ng buhok ko bagay na naman ko kay Mama. Nag suot ako ng flats para sa paa at isinuot ang shoulder bag ko. Nag lagay din ako ng lip tint sa labi at nag polbo ng kaunti.
Nakangiti kong pinagmasadan ang sarili sa salamin. Umikot pa ako sa harap ng salamin ng parang prinsesa. Wala pa man ay sobrang saya ko na agad.
Isang dream come true na naman ito. Ang swerte ng taon ko ngayon. Una, first time kong makapasa sa Math exam. Pangalawa, makakadate ko na ngayon ang lalaking gustong gusto ko.
“Ma,” pagtawag ko sa kaniya atsaka nagpunta ng sala.
Nakita ko siyang nakaupo sa sala at gumagawa ng basahan. Ngumiti siya ng makita ako.
“Aba,” nakangiting sabi niya. “Baka naman pag uwi mo ay boyfriend mo iyong si Owen,”
Nakagat ko ang labi atsaka napangiti ng malawak.
“Mauuna na po ako,” sabi ko atsaka humalik sa pisngi niya.
Tumango siya atsaka bahagyang inayos ang buhok ko.
“Sige mag iingat ka,” sabi niya.
“Umuwi ka bago mag alas sais.”Tumango ako atsaka naglakad na palabas ng gate.
“Alis na ako Ma,” sabi ko bago tuluyang lumabas ng gate.
Sumakay ako ng tricycle papunta sa school. Malapit na lang naman yung waiting shed na sinasabi ni Owen doon. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag atsaka tiningnan ang mukha ko sa repleksyon ng screen. Kinuha ko ang panyo atsaka pinunas ang pawis ko sa noo.
“Bayad po Manong,” sabi ko atsaka iniabot sa driver ang barya na hawak ko.
Bumaba ako sa tapat ng gate ng school namin. Nilingon ko pa iyon saglit. Sarado ang gate. Tumawid ako ng kalsada atsaka naglakad papunta sa shed. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa doon si Owen.
Mas okay na ako ang nauna, para naman mapakalma ko pa ang sarili ko tsaka maaga pa rin naman. Hindi naman masamang malate ng ilang minuto.
Naupo ako sa upuan ng shed atsaka sinimulang mag hintay na dumating siya. Inilabas ko ang cellphone ko atsaka binuksan ang camera. Nakalimutan ko palang mag selfie kanina.
Inayos ko ang buhok atsaka umanggolo sa camera. Tumingin pa ako sa paligid dahil baka may nakakakita sa akin. Nakakahiya pa naman yung umaawra ka sa camera tapos may nakatingin na pala sayo ng hindi mo alam.
Bumuntunghininga ako atsaka paulit ulit na lumilingon sa kalsada. Nakagat ko ang labi atsaka binuhay ang cellphone ko para tingnan na ang oras.
Fifteen minutes na lang bago mag alas kwatro pero wala pa din si Owen. Kanina pa ako naghihintay dito sa shed pero hindi pa rin siya dumadating. Bumuntunghininga ako. Maghihintay pa ako. Baka kasi may importante lang siyang ginagawa kaya siya nalate ng ganito katagal.
Hindi niya naman siguro ako papaasahin lang. Hindi naman ganoon kasama si Owen. Siguro nalate lang talaga siya. Binuhay ko muli ang cellphone ko. Gusto ko sana siyang itext kaso ay wala akong number niya. Ang number niya ang pinakamahirap na information na malaman tungkol sa kaniya.
YOU ARE READING
Psst Owen (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)
Genç KurguOwen Jezrell San Antonio. Siya ang pangarap ko. Word count: 20,000 - 22,000