Noong undas break namin ay isinama ako nina Mama at Papa sa bahay nina Tita. Sama sama naming binisita ang puntod ni Lolo at Lola. Nag stay din kami ng ilang araw sa bahay nina Tita pero umuwi din kaagad dahil sa trabaho ni Papa.
Noong bumalik naman kami galing kina Tita ay pinuntahan ako nina Joey at Melanie sa bahay. Inaya nila akong pumunta ng mall since dalawang araw na lang ay naman ay pasukan na naman.
“So...hindi pa rin kayo nag uusap ni Owen?” Tanong ni Joey.
Natigil ako sa pagsubo ng fries atsaka siya nilingon.
“Wala naman kaming paguusapan,” mahinang sabi ko.
“Nako Chole sinasabi ko sayo ha,” sabi ni Mel. “Tigilan mo na yang kabaliwan mo na yan kay Owen. Sign naman na siguro yung nangyari diba?”
Napanguso ako. Alam ko naman yun, kaya nga...hindi ko na ulit siya kukulitin pa pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ko na siya gusto agad. Mahirap naman kasi iyon eh, apat na taon ko na siyang gusto...hindi naman yun mawawala sa loob lang ng apat na oras.
“Wag na nga nating pag usapan yan,” sabi naman ni Joey. “Samahan niyo ako sa bookstore, titingin ako ng pwedeng mabiling libro.”
“Hindi ka pa ba nakuntento sa sandamakmak na libro sa kwarto mo?” Nakangiwing tanong ni Mel.
“Nabasa ko na ang lahat ng iyon okay?” Sabi naman ni Joey. “Maghahanap ako ng bago...pero mag iipon muna ako.”
Sa aming tatlo si Joey yung pinakamahilig mag basa. Siya rin ang pinakamatalino sa amin.
“Bilisan na natin kumain,” sabi ko atsaka isinubo lahat ng natitirang fries. “Ang babagal niyo...”
Pagod akong nahiga sa kama pag dating ng gabi. Nakakapagod mag lakad sa mall mag hapon. Nakakangalay masyado sa paa.
Binuksan ko ang cellphone ko at agad na natigilan ng makitang mukha pa pala ni Owen ang lockscreen ko doon. Nakagat ko ang labi habang nakatitig doon. Kinuha ko itong picture na ito ng patago. Tumutugtog siya ng gitara habang nakaupo sa lilim ng puno ng mangga sa harap ng faculty room. Bumuntunhininga ako atsaka pinatay ang cellphone at inilapag iyon sa kama.
Napakaingay ng loob ng classroom ngayon. Punong puno ng kwentuhan at tawanan. Kahit nga kami nina Mel at Joey ay kanina pa rin nag tatawanan. May ilan ring nagko-congratulate kay Joey kasi nakuha nila ang first place.
“Hoy canteen muna tayo,” sabi ni Mel atsaka tumayo na.
Tumayo na rin ako ng tumayo si Joey. Parang masarap kasi yung nilulutong pancit doon ngayon. Kanina kasi noong pumunta kami ay hindi pa naluluto.
Nakasunod ako kina Joey at Mel pero mas nauna silang lumabas ng room dahil natigilan ako ng makasalubong sa may pinto si Owen.
Bahagyang umawang ang labi ko atsaka nag angat ng tingin sa kaniya. Siya naman ay walang emosyon ang mukha habang nakatingin din ng diretso sa mata ko. Napalunok ako at nakagat ang labi ng lumundag na naman sa tuwa ang puso ko ng makita siya.
Kahit nanginginig ang mga binti ay pinilit kong maglakad atsaka siya lampasan. Nakayuko ako hanggang sa tuluyang makalabas at makalayo ng room. Noon lang ako nakahinga ng maluwag atsaka sumunod na kina Mel at Joey na malamang ngayon ay nasa loob na ng canteen.
Para akong estatwa habang nakaupo ngayon sa upuan ko. Paano ba naman kasi ay kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin sa akin. Noong lumingon ako sa likod ay tumama ang paningin ko sa magagandang mata ni Owen. Dumagdag pa roon ang dahilan na Math ang subject namin ngayon.
“Hoy ano bang nangyayari sayo?” mahinang tanong ni Mel sa akin.
Umiling lang ako at hindi sumagot. Baka mapagalitan lang kami ni Sir pag nakita kaming nag uusap.
YOU ARE READING
Psst Owen (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)
Teen FictionOwen Jezrell San Antonio. Siya ang pangarap ko. Word count: 20,000 - 22,000