CHAPTER 4: Passed

88 9 3
                                    

Kinabukasan ay hindi pa rin ako makahinga ng maluwag. Hindi pa kasi sinasabi ni Sir kung naka pasa ba ako o hindi sa exam niya. Nakakainis naman kasi eh. Si Owen kasi... nakalimutan ko tuloy yung isasagot ko doon sa mga remaining problems.

May sagot pa rin naman ako doon ang kaso ay hindi ko na alam kung tama pa ba. Pero di bale na at least may chance ako na tumama.

Ngayon ay may grouping kami sa Science. At dahil maswerte yata ako ngayong araw ay naging kagrupo ko si Owen. Syempre siya ang leader ng grupo.

“Chloe ikaw na lang ang secretary,” sabi ni Justin.

Nakangiwi ko siyang tiningnan atsaka kinuha ang marker sa kaniya. Istorbo naman sa pagtitig ko kay Owen. Sinimulan ko nang isulat sa manila paper yung nilagay ni Owen kanina sa intermediate pad. Iyon na kasi yung magiging output ng grupo namin.

Ang totoo ay wala akong masyadong naiintindihan sa sinusulat ko. Ang talino talaga ni Owen. Natigil ako sa pagsusulat at agad na napatingin sa gawi ni Owen ng lumapit sa kaniya si Joyce. Si Joyce yung kaklase naming super indenial pa na walang gusto kay Owen pero pag may chance namang makalapit ay talo pa ang ahas kung makalingkis. Naaalibadbaran talaga ako sa babaeng ito. Kung hindi lang siya anak ng isang teacher dito sa school pinatulan ko na siya. Anak kasi siya ng teacher namin sa Science.

“Owen,” pagtawag niya kay Owen.

Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin. Tingnan mo na...tatawagin na lang si Owen ko sobrang pabebe pa ng boses.

Nilingon siya ni Owen.
“Bakit?”

“Magpapaturo lang sana ako dito,” sabi ni Joyce atsaka inilagay ang papel sa armchair ni Owen.

Agad namang bumaba ang mata doon ni Owen atsaka kumuha ng ballpen. Imbes na mag sulat ay natuon sa kanila ang atensyon ko. Nagsusulat si Owen sa papel at ipinapaliwanag yung topic kay Joyce. Pero naagaw ng kamay ni Joyce na nakapatong sa likuran ng upuan ni Owen ang atensyon ko.

Nangunot ang noo ko. Bakit kailangan nakaakbay pa siya? Sinamaan ko siya ng tingin. Nang tumingin sa gawi ko si Joyce ay tinaasan niya ako ng kilay atsaka inirapan. Umawang ang labi ko atsaka nakaamang na tumingin sa kaniya.

Ang kapal ng mukha ng babeng iyon. Irapan ba naman ako...

“Owen,” pagtawag ko kay Owen.

Napasimangot ako ng hindi niya man lang ako nilingon. Sinamaan ko ng tingin si Joyce ng marinig ko ang mahinang tawa niya.

“Psst Owen,” ulit ko atsaka kinalabit ang braso niya.

Kunot ang noo niya akong nilingon.
“What?” Masungit na tanong niya.

Napanguso ako. Bakit pag sa akin lagi na lang siyang nagsusungit?

“Hindi ko maintindihan itong sinusulat ko,” nakangusong sabi ko.

Walang emosyon niya akong tiningnan atsaka sumulyap sa sinusulat ko.

“Hindi mo talaga yan maiintindihan. Ang kailangan mo lang gawin ay isulat yan sa manila paper,” masungit na sabi niya.

“Bakit naman hindi ko ito maiintindihan?” Tanong ko.

Hindi ko gusto ang paraan ng pagsasalita niya. Nakakainsulto.

“Bakit nga ba?” Balik tanong niya pero nasa ginagawa ang paningin.

Narinig ko ang mahihinang pag tawa ng mga nakakarinig ng usapan namin lalo na ni Joyce. Pero hindi ko iyon pinansin. Na kay Owen lang ang paningin ko.

Saglit akong tumitig sa kaniya.
“Sinasabi mo bang...bobo ako?”

Sabihin mong hindi...

Tumitig siya sa akin saglit bago nag iwas ng tingin. Hindi sinagot ang tinatanong ko. Naitikom ko ang labi atsaka nangingilid ang luha na bumalik sa pagsusulat.

Psst Owen (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now