Bigla-biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
"Ron!" sigaw ng nagbukas.
"Renz?" pagtatanong ni Ron.
"Oo ako nga Ron! hahaha" sagot ni Renz.
_______________________________________________________
CONTINUATION...
Nagulat si Ron ng makita nya si Renz.
"Ikaw na ba yan Renz?" pagtatakang tanong ulit niya.
"Paulit-ulit tol?" sabi nya.
"Utol!" biglang yakap ni Ron kay Renz.
"Kumusta na ang Maynila? Kumusta na sila Tiya at Tiyo? Di kita agad nakilala ah. Tagal mo na kasing di dumadalaw dito. Ano? kumusta na? Anong sadyang mo at naparito ka?" mga tanong ko.
"Pwede isa-isa lang tol? hahaha!" sagot ni Renz.
"Okay naman sa Maynila. Ayos lang din sila Mommy at Daddy. Mmm. Wala lang, trip ko lang dumalaw, miss ko na din kasi ang probinsya." dugtong pa niya.
"Miss ka dyan. Yung totoo tol? May hindi magandang nangyari noh? Wag mo sabihing wala. Kilala kita. hahaha!" sabay batok kay Renz.
"Aray! ito talaga oh. Wala nga. Bawal bang dalawin kayo rito? Ikaw tol, kung ano-anong iniisip mo." pagtatanggol ni Renz sa sarili.
"Sige. Sabi mo eh" sabay ngiti na parang hindi naniniwala.
Biglang may sumingit sa usapan.
"Renz! Tumawag kapatid ko, hindi ka daw pala nagpaalam na pupunta dito? At ang sabi pa niya, may binugbog daw kayo ng barkada mo na estudyante. Totoo ba yun?" pag-uungkat ni Mama kay Renz.
Napalingon sakin si Renz na nagkakamot ng ulo saka humarap kay Mama.
"Opo tita. Pasensya na po. Pasabi nalang po kila Mommy at Daddy na wag ng mag-alala. Saka nadawit lang naman po ako dun sa away." pagpapaliwanag ni Renz.
"O siya, wala na naman din kaming magagawa. Gabi na rin para pauwiin pa kita. Panigurado pagod ka na. Pero bukas na bukas kausapin mo Mommy at Daddy mo okay? Ayaw kitang kunsentihin." sermon ni Mama.
"Opo tita. Ako na pong bahala." sagot ni Renz.
Binatukan ko ulit si Renz pagkasarado ni Mama ng pinto sa kwarto ko.
"pak!"
"Aray! na naman?" inis na sabi ni Renz.
"Nadawit pala ha. Walang gulong nangyari pala ha. hahaha!" sabay tawa ko ng malakas.
Napatawa na rin si Renz dahil sa nahawa sa kanyang close na pinsan.
Nagkwentuhan pa sila ng mga nangyari sa mga buhay nila pagkatapos ay saka sila natulog.
KINABUKASAN.
Pagkatapos maligo.
"Ano tol sama ka sakin ngayon sa school?" pag aanyaya ko.
"Anong meron tol?" tanong niya.
"Foundation week. Kaya pwede pumasok pati mga outsider." sagot ko.
"Uy. Masaya yan. Marami akong makikitang chicks." sabi niya.
Napailing nalang ako. Di pa rin talaga nagbabago si Insan. Kung anong ugali meron siya nung bata pa lang kami, ay ganun pa rin siya magpahanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN!
RomanceHanggang saan ba ang hangganan ng isang pangako? Paano kung ang pangakong sinabi mo ay dalhin niya hanggang sa kabilang buhay? Mapapanindigan mo pa rin ba ang iyong nabitiwang PANGAKO?