PART 8

119 2 0
                                    

*SA KAKAHUYAN*

HANNAH'S POV:

Napakadilim naman dito. Bakit kasi dito pa nya naisipan na ako ay papuntahin. Kinakabahan na ako pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong malaman ang kasagutan.

KILLER'S POV:

Finally, magkikita na ulit tayo Hannah. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang pagkakataong masilayan muli ang mukha mo. Humanda ka na sa muli nating pagkikita dahil ipapamukha ko sayo lahat ng hirap at sakit na dinanas ko. Hahahahahahaha!

"Nasan ka! Magpakita ka! Andito na ko!" Sigaw ni Hannah.

"Hahahahahahaha!" Malakas na halakhak ko.

"Asan ka? Wag mo akong tawanan. Magpakita ka!" Sigaw pa nya.

"Andito lang ako sa likod mo Hannah" bulong ko sa tenga nya.

Napaatras sya na kita mo sa mukha ang takot.

"Sino ka? Anong kasalanan namin sa iyo? Tanggalin mo ang maskara mo! Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Harapin mo ako!"

"Ganyan ka na ba talaga katapang? Dahil sa tingin mo kaya mo ng makuha ang lahat ng gusto mo? Lahat ng naisin mo? Lahat ng luho at tao sa paligid mo?" Sumbat ko.

"Wala ka ng pakialam dun. Dahil hindi kita kilala at hindi kita kaano-ano!" Sigaw nya.

Saka ko tinanggal ang aking maskara.

"Kkkuu....kuya?" Nauutal na sabi nya.

"Oo ako nga! Ako nga ito Hannah." Sabi ko.

"Kuyaaaaaa!" Patakbong yumakap sa akin.

"PAAAAAAAAKKKKKKK!"

Bago pa sya makalapit sa akin ay inabangan ko na agad ng isang malakas na sampal. At pagkatapos ay hinila ko sya sa buhok papunta sa puno at saka ko sya tinali.

"Ahhhh. Bitawan mo ko. Nasasaktan ako
Teka anung kasalanan ko sayo? Bat mo ako ginaganito" sabi nya habang umiiyak.

"Tinatanung mo pa kung bakit Hannah? Pagkatapos nyo akong iwan sa bundok.. Ni hindi nyo nga ako hinanap.. At maraming taon na ang nakalipas tapos ngayon napakaganda ng buhay mo. At ako naghihirap ngayon! Tapos tatanungin mo ako kung ano ang kasalanan mo? Nagpapatawa ka ba?" Sigaw ko ng may panunumbat habang dinuduro duro sya.

"Kuya.. Hinanap ka namin. Walang araw na di ka namin hinanap. Ilang taon kaming nangulila sayo lalo na si daddy. Kuya mahal ka namin.." Sabi pa nya.

"TUMIGIL KA!!!! wag mo akong matawag tawag na kuya dahil hindi kita kinikilalang kapatid ko! Simula nung iwan nyo ko, hindi ko na kayo tinuring na pamilya ko. Lalo ka naaaaa! Sabagay, hindi ka naman talaga namin kapamilya dahil sampid ka lang! Ampon ka hannah! Ampon kaaaaa!!!!" Sigaw ko sa harap nya.

"A-aammpon lang a-kko? Paanoo?" Pagkabigla nya.

"Oo ampon ka lang!!! Dahil hindi na magkaanak si mommy pagkatapos nya akong iluwal. Ayaw na dapat ni daddy mag ampon pero mapilit si mommy.  Kaya nawala atensyon sakin ni mommy simula nung dumating ka sa buhay namin! At akala ko kakampi ko si daddy pero hindi!!! Masyado syang mahigpit sakin! Gusto nya na maging katulad ko sya. Pero hindi ko nakita yung pagkamahigpit nya sa paghahanap nung nawala ako. Kinamumuhian ko sila! At mas lalo ka naaaa!!! Lahat nalang napunta sayo! Lahat gusto mo! Lahat nakukuha mo!!! Kaya binantayan kita simula pa noon. At lahat ng tao sa paligid mo na may konektado sa taong gusto mo ay inisa isa ko ng patayin! at isusunod ko na si Ron. Hahahaha!" Sigaw ko.

"Wala kang puso! Pagkatapos kay Jamie, sa mama ni Ron.. Ngayon pati si Ron. Wag mo syang gagalawin kundi ako makakalaban mo!" Pagsisigaw nya pa rin habang nagpupumiglas.

"Ni hindi ka nga makaalis dyan sa pagkakatali mo tapos kung makapaghamon ka kala mo kaya mo ako. O baka gusto mong ikaw na ang unahin ko bago si Ron? Sa tingin mo?" Sabi ko sabay sindi ng yosi.

"Ako nalang patayin mo! Ako nalang. Wag na si Ron. Please. Maawa ka. Walang kinalaman yung tao sa nangyayari sa buhay ko." Pagmamakaawa nya.

"Wag kang mag alala. Isusunod na din kita. Wag kang magmadali. Dadaan din tayo dyan. HAHAHAHAHA" sagot ko sa kanya bago ako umalis upang hanapin si Ron at iniwan ko syang luhaan habang nagpupumiglas.

"Pakawalan mo kooooooo!!!!!" Sigaw nya.



___________________________________________

TO BE CONTINUED..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon