HANNAH'S POV:
Nahihirapan akong makita na malungkot ka Ron. Hindi ko kaya. Pero ano ba ang magagawa ko para mapasaya ka? hayyy.
Alam ko na! Hahanapin ko kung sino ang may salarin sa pagpatay sa mama mo Ron. Humanda siya. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Tita....
_________________________________________________
Tumayo ako sa aking kinauupuan at madaling umalis.
Tinanung pa ako ng ilan sa mga nakakakilala sa akin pero hindi ko sila pinansin. Ang importante sa akin ngayon ay malaman kung sino ang killer.
Kailangan kong malaman! Mahuhuli rin kita.
Hindi pa man ako nakakalayo ay biglang nag ring ang phone ko.
HANNAH: Hello?
SIYA: Hi! How are you?
HANNAH: May I know who's on the line? please?
SIYA: Hindi na kailangan dahil kilala mo naman ako. hahaha!
HANNAH: Wag mo akong pilosopohin dahil wala akong ganang makipag lokohan sa iyo. kaya kung hindi ka rin naman magpapakilala. Then good bye! Wala akong panahon sa iyo.
SIYA: Chill. Napaka hard mo naman sa akin. Parang wala tayong pinagdaanan. Easy ka lang.
HANNAH: Namumuro ka na ha.
SIYA: Hindi pa nga eh, nagsisimula pa lang akong makipaglaro.
HANNAH: Huh? (inis na)
SIYA: Gusto mo rin ba makipaglaro sa akin?
HANNAH: Sino ka bang talaga? Hah? Sumagot ka!
SIYA: Gusto mo talagang malaman? Hah?
HANNAH: Sasagutin mo ang tanung ko o ibababa ko ang phone?
SIYA: Wag mo munang ibaba. May gusto kang malaman diba?
HANNAH: malaman?
SIYA: oo. malaman sa mga nangyayari sa paligid mo?
HANNAH: paligid ko? (nag isip ako saka ko naalala ang pagkamatay ng mama ni Ron) Teka, what do you mean?
SIYA: Gusto mo malaman kung sino pumatay sa nanay ni Ron diba?
HANNAH: May alam ka?
SIYA: Hahahaha!
HANNAH: Sumagot ka! Anong nalalaman mo!
SIYA: Pano kung sabihin ko sa iyong ako lang naman ang pumatay kay Jamie at sa nanay ni Ron.
HANNAH: Ano? (Nanlaki ang mata ko at napatigil ako sa aking paglalakad)
To be Continued...
____________________________________________________
Any COMMENTS/SUGGESTIONS/REACTIONS?? come on, let's talk. :))
VOTE MO NA RIN! :))
BINABASA MO ANG
PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN!
RomanceHanggang saan ba ang hangganan ng isang pangako? Paano kung ang pangakong sinabi mo ay dalhin niya hanggang sa kabilang buhay? Mapapanindigan mo pa rin ba ang iyong nabitiwang PANGAKO?