Part 5

210 2 0
                                    

"Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" sigaw ko habang pilit na niyayakap siya.

Iyak ako ng iyak. Simula kasi pagkabata siya na ang kasama at katuwang ko sa buhay. Siya lang ang nagpalaki at nagmahal sa akin at nagpakahirap na itaguyod ang pamilya kahit kaming dalawa lang. Iniwan kasi kami ng aking Ama at sumama sa iba nung sanggol palang ako. Ngayon, nag-iisa nalang ako.  Hindi ko na muli makakapiling at makakasama pa ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat. Hindi na niya makikita ang pagtagumpay ko sa buhay at hindi ko na siya makakasama sa aking pag ginhawa. Lahat ng mga pangako at pangarap namin noon parang biglang gumuho at naglaho nalang na parang bula.

"Sino?!! Kung sino man ang may gawa nito sa iyo ma, pagbabayaran niya ito. Wala siyang puso at kaluluwa! HHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!" galit kong sabi habang umiiyak.

_____________________________________________

Continuation...

Umuwi akong lupaypay at parang wala sa sarili. Wala na ang kaisa isang taong nagbibigay lakas sa akin. Wala na ang aking inspirasyon. Wala na ang mga pangarap ko para sa kanya. Wala na, wala na ....

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng pintuan ng aming bahay. Pumasok ako at ramdam na ramdam ko ang lungkot nito. Umakyat ako papunta sa aking kwarto at saka humiga ng padapa. Saka umagos muli ang aking luha na para bang ayaw ng tumigil sa pag-iyak.

KINABUKASAN:

Araw ng sabado, maraming bisita ang dumating upang makiramay. Nagsidatingan ang mga kapit bahay, malalayong kamag-anak, mga schoolmate at mga ka officer ni Ron.

Habang si Ron ay nasa isang sulok sa tabi ng kabaong ng kanyang ina at hindi makausap.

"Ron" sambit ni Hannah

Napalingon lang si Ron saka iniwas muli ang tingin.

"Ron, nakikiramay ako." pagpapatuloy ni Hannah.

"Salamat Hannah" muling napayuko si Ron.

"Ron, hindi mo naman kailangan dalhin ng mag isa yan. Andito ako, handa kitang tulungang makabangon muli." sabi ni Hannah.

"Salamat sa concern, pero ang kailangan ko ngayon ay mapag-isa." mahinang tugon ni Ron.

"Naiintindihan kita. Basta kung kailangan mo lang ng kausap, andito lang ako." sagot ni Hannah saka ito naglakad papunta sa mga bisita.

Hindi na sumagot si Ron.

HANNAH'S POV:

Nahihirapan akong makita na malungkot ka Ron. Hindi ko kaya. Pero ano ba ang magagawa ko para mapasaya ka? hayyy.

Alam ko na! Hahanapin ko kung sino ang may salarin sa pagpatay sa mama mo Ron. Humanda siya. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Tita....

To be Continued...

____________________________________________________

Any COMMENTS/SUGGESTIONS/REACTIONS?? come on, let's talk. :))

VOTE MO NA RIN! :))

PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon