PART 7

84 2 0
                                    

HANNAH'S POV

Hindi ko alam ang aking gagawin nung mga oras na iyon lalo na kausap ko sa mga sandaling iyon yung taong pumatay kay Jamie at sa nanay ni Ron.

Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari pero nangingibabaw ang galit at pagtatanung sa aking sarili kung sino ba talaga ang killer at kung anung rason nya sa pagpatay.

HANNAH: Sino ka bang talaga? Sabihin mo! Hindi ako natatakot sayo.

SIYA: Hahahahaha! Kilala mo ako Hannah. Kilalang kilala. Gusto mo ba talaga makipagkita sa akin?

HANNAH: Wag mo akong takutin! Dahil hindi ako natatakot makipagkita sayo.

SIYA: Maganda kung ganun. Bukas. Dakong alas-9 ng gabi. Sa kakahuyan, sa tabi ng dalawang malaking punong mangga. Doon kita hihintayin. Tandaan mo, hindi ka pwede magsama dahil papatayin ko kung sino man ang isasama mo. Hahahaha!

HANNAH: teka pano yung... (Toooot.toooot.toooooooooot.) Hello! Hello!! Teka tatawagan ko sya.. Pero bakit unknown ang number? Badtrip! Hayyyy.

HNDI ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Masyadong delikado pero alam ko na makukuha ko na ang sagot pag pumunta ako. Para kay Ron gagawin ko to.

Teka, si Ron.. Tama! Kelangan ko syang puntahan ngayon.. Kelangan nya tong malaman..

_______________________________________

*SA BAHAY NI RON*

"Asan ho si Ron?" sabi ko.

"Hannah umalis sya.. Kasama yung isang kamag anak nila, may pag-uusapan daw silang importante about sa kanilang pamilya." Sabi ng kapit bahay na pinagbantay muna ng bahay.

"Ah ganun ho ba, sige pakisabi nalang po kay Ron na napadaan ako. Salamat po" sagot ko bago tuluyang umalis.

HINDI ko man lang nakausap si Ron bago ako pumunta sa kakahuyan. Pero bahala na. Kaya ko to! Pero kailangan ko munang umuwi sa bahay at magdadala ako ng bagay na pwede kong magamit pang self defense kung may mangyari mang masama sakin.

_________________________________________

*RON'S POV*

Haaay salamat. Nakauwi na din. 8:30pm  na. Oras na para magbasta ng damit na  Siguro tama nga na lumuwas ako ng Manila gaya ng napag usapan namin ni auntie. Kailangan ko ng kalimutan ang lahat ng di magandang nangyari dito sa lugar at sa bahay na ito. Tama nga sila na hindi ako magiging okay kung magsstay pa ko dito. Buo na ang desisyon kong manirahan na sa Maynila at doon ipagpatuloy ang buhay. Wala na rin naman akong babalikan dito dahil wala na rin si Mama.

Pero si Hannah nga pala.. Hindi ko pa nakikita simula kahapon. Sabi ni Aling Ana, pumunta raw kaninang hapon pero wala naman ako. Gusto ko sana personally magpaalam ng maayos sa kanya dahil alam ko na malulungkot yun sa pag-alis ko ng biglaan mamayang gabi.

Asan na ba sya? Asan ka na Hannah.. Out of coverage pa yung phone mo. Hindi kita makontak. Wala ka daw sa inyo sabi ng yaya mo. Nagmamadali ka daw umalis. Kinakabahan tuloy ako kung asan ka.. Hindi ka naman umaalis ng hindi nagpapaalam o nagsasabi sakin.

_________________________________________

*HANNAH'S POV*

8:00pm na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Kailangan ko ng umalis.  Hindi ko na mapupuntahan si Ron para magpaalam. Naku palobat pa tong cellphone ko. I-off ko nga muna dahil baka tawagan ako mamaya ng killer. Kelangan ko din maging handa para tawagan si Ron o ang mga pulis mamaya. Kaya ko to!

________________________________________

TO BE CONTINUED..

PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon