"Kung hindi si Ron, at hindi ikaw Renz, sino?" tanong ni Hannah na naguguluhan.
Nagkatinginan silang tatlo.
____________________________________________________
Palaisipan pa rin sa kanila ang pagkamatay ni Jamie.
Mismong ang mga pulis ay hindi pa rin nahahanap ang pinagmulan at sanhi ng pagpatay kay Jamie.
3 DAYS LATER.
RENZ POV:
"Ring.Ring.Ring."
"Hello? Sino to? sagot ko.
"Kumusta ka Renz?" sabi ng nasa linya.
"Sino ka?" tanong ko.
"Hindi mo na kailangan malaman pa. Gusto ko lang sabihin sa iyo na nagtagumpay ka sa pagpatay mo kay Jamie."
"Ha? A-Anong alam mo sa pagkamatay ni Jamie?! Ha? Hindi ako ang pumatay sa kanya!" sigaw na sabi ko.
"Hahaha! Ikaw ang pumatay sa kanya Renz. At alam kong plinano mo ang lahat ng ito."
"Sino ka ba talaga?! Anong nalalaman mo?" kinakabahang sabi ko.
"Hindi pa rin ba malinaw sa iyo ang lahat? Nilagyan mo ng gamot na pampahilo ang inumin ni Jamie para hindi siya makapunta sa Prom diba? Nakalimutan mo na ba ha?"
"Hanggang doon lang yun! Wala na akong ginawang masama sa kanya. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sa kanya." pagpapaliwanag ko.
"Alam ko! Kaya nga kahit hilong-hilo na siya sinubukan pa rin niyang pumunta sa prom. At nung nasa waiting shed na siya saka ko siya pinatay para sa iyo! hahaha."
"Anooo? Para sa akin? Hindi ko kagustuhan yon! Hindi ko siya pinatay. Ikaw ang pumatay sa kanya! Wala kang puso!" sigaw ko sa kabilang linya.
"Hahahaha. Nakakaawa ka."
"Bakit mo siya pinatay?! Sino ka ba talaga? Magbabayad ka sa ginawa mo!" sigaw ko sa kanya.
"Simple lang, dahil sagabal siya. At kung magiging sagabal ka rin, ikaw na ang isusunod ko. Hahahaha."
"Ano?!" natatakot na sagot ko.
Tututut.
"Hello? Hello!!! Hindi mo ako matatakot. Hello!?"
Sino kaya siya. Anong pakay niya? Bakit niya alam ang mga nagawa ko. Bakit niya pinatay si Jamie? Anong ibig niyang sabihin sa sagabal? Naguguluhan ako.
HAPON.
"Tol, uwi na ko sa amin." sabi ng Renz.
"Oh biglaan naman ata, naiinip ka na ba?" sagot ni Ron.
"Hindi naman tol, nasuspend kasi ako ng 1 week sa school kaya ngayon makakaabalik na ko." sabi ni Renz.
"Mabuti naman kung ganun, wag ka ng gagawa ng gulo tol ah!" sabi ni Ron.
"Hahaha! Di maiwasan eh. Sige pipilitin ko tol." natatawang sabi ni Renz.
"Baliw ka talaga! Geh ingat nalang tol sa byahe. Hatid na kita sa sakayan." paalam ni Ron.
"Geh tol" sagot nya.
RON's POV:
Hinatid ko si Renz sa labas. Batid ko na parang may gumugulo sa isip ng aking pinsan pero hindi ko na ito inungkat pa. Pagkaalis nya at pagkapasok ko sa pintuan ay biglang nag ring ang phone ko.
BINABASA MO ANG
PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN!
RomanceHanggang saan ba ang hangganan ng isang pangako? Paano kung ang pangakong sinabi mo ay dalhin niya hanggang sa kabilang buhay? Mapapanindigan mo pa rin ba ang iyong nabitiwang PANGAKO?