Tulog na si Ron ng makabalik si Renz sa bahay. Nakita niya sa ibabaw ng cabinet ang isang letter. Binasa niya ito at nalaman niya na yun yung love letter na binigay ni Jamie kay Ron. Hinanap niya yung cellphone ni Ron at nagbabaka sakali na nagreply si Ron sa text. Pero bigo siya na makita ang reply ni Ron kung pumayag ba siya o hindi.
"Kainis!" bulong niya sa sarili.
Bigla siyang may naisip na plano. Saka siya napangiti.
__________________________________________________
CONTINUATION...
KINABUKASAN HABANG KUMAKAIN.
"Tol, lapit na prom night ah." pagbukas ng topic ni Renz.
"Ou nga tol eh." sagot ni Ron sabay subo ng tinapay.
"Ahh. So sino ang yayayain mong i-date?"
Ngiti lang ang sinagot ni Ron.
"Wag mo nga akong ngitian ng ganyan. Sino nga tol?" pag-uusisa ng Renz.
"Wala!" sagot na diretso ni Ron pagkatapos ay humigop ng kape.
"Wala? Eh paano si Jamie?" nadulas na sabi ni Renz.
"Jamie?" loading pa sa isip ni Ron ang gustong ipahiwatig ni Renz sa kanya saka niya bigla naalala.
"Anong alam mo tol? Nagbabasa ka siguro ng sulat noh?" nakangiting tanong ni Ron.
"Eh tol, paano kasi pakalat-kalat yung love letter mo! Yan tuloy nabasa ko. Hahaha!" sagot niya.
Nagtawanan sila pareho. Hindi naman big deal kay Ron yung love letter na yun.
"Ewan ko sa iyo! Basta wala akong ka-date at ide-date. Birthday ni Mama yung araw ng Prom Night kaya mas gugustuhin ko na dito nalang at ipagluluto ko siya kesa naman umattend pa ng Prom."
"Okay. Sabi mo eh. Hahaha! Sige tol." sabi ni Renz.
_________________________________________________
SA SCHOOL.
"Hannah!" sigaw ni Ron.
"Yes my loves?" sagot ni Hannah.
"Sorry pala nahusgahan kita nung isang araw sa pagtulong sa pag-aayos sa booth."
"It's okay Ron. Wala yun, basta para sa iyo."
"Don't worry. Babawi ako sa iyo." Ngumiti ni Ron sabay talikod at nagbabye kay Hannah.
Ngiting kinikilig naman ang isinukli ni Hannah.
"Sige Ron. Maghihintay ako!" pabulong na sabi niya.
____________________________________________________
ISANG HAPON SA CANTEEN
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanung ni Renz.
"Regarding what?" sagot ni Hannah habang nakatingin at pinaglalaruan yung yelo sa softdrinks nya.
"Hindi ano. Kundi SINO!" sabi ni Renz.
"Diretsuhin mo na nga ako. Sino ba yan?" sabay lingon na naguguluhang tanong ni Hannah.
"Si Ron."
"Oh eh anong problema kay Ron my loves?"
"Tungkol to sa makaka-date niya sa Prom" sabi ni Renz.
BINABASA MO ANG
PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN!
RomansHanggang saan ba ang hangganan ng isang pangako? Paano kung ang pangakong sinabi mo ay dalhin niya hanggang sa kabilang buhay? Mapapanindigan mo pa rin ba ang iyong nabitiwang PANGAKO?